Chapter 48

61.1K 1.9K 159
                                    


Clarence Miguel's POV

HINDI ko na maipinta ang mukha ko habang nilalagyan ako ng foundation ni Jhoace. Naiinis ako kay Mine dahil wala ng ginawa kung hindi ang pagtawanan ako mas lalo tuloy tumatagal ang paglalagay ng kulurete sa mukha ko.

"Mine Say Ahh! Ibuka mo yang bibig mo. Para malagyan ko ng maayos ng lipstick." Sabi pa niya sakin.

Sumimangot ako. Pakiramdam ko kasi pinaglalaruan niya ako. Kung alam ko lang na magkakaganito sana pumayag na akong magpa make up sa parlor. Ako lang kasi ang hindi sumama sa kanilang lahat. Ako lang ang bukod tanging nagpaayos dito sa mansion sa request na din ni Jhoace.

"Mine ko, ginagawa mo naman yata akong tanga e, bilisan na natin feeling ko naubos ko na ang foundation mo. Dahil inilagay mo na sa mukha ko."

Kitang-kita ko ang paglobo ng pisngi niya dahil sa pagpipigil na pagtawa sakin. "Psh! Tumawa ka wag mong pigilan Mine ko. Baka kung anong masamang hangin ang lumabas sayo."

Humalakhak siya habang hawak ang tiyan. "Haist! Kahit naman siguro sino matatawa sa itsura namin."

"Mine.. Ang ganda mo maging babae. Mas maganda ka sakin."

"Psh! It's that a compliment?"

Tumango-tango si Jhoce. "Pumapayag na akong matalbugan mo ako sa pagkakataong ito."

Pilyo akong ngumiti. "Mine ko. Tutal naman babae ako ngayon. Kiss mo naman ako sa lips." Humaba pa ang nguso ko.

Ngumiti si Jhoace. "Maraming kiss ang igagawad ko sayo kung mananalo kayo."

"Syempre kami ang mananalo! Mga kalaban namin mga gurang na. Hindi na 'yon makakasayaw ng maayos. Dahil baka sumakit buto-buto nila."

Humalakhak si Jhoace. "Grabe ka kila Daddy!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Sige tingnan natin! Halika dito lalagyan kita ng eye liner sa gilid ng mata mo."

Lumapit naman ako sa kanya upang matapos na ang make up session namin.

Beep! Beep! Beep!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jhoace tapos sabay kaming ngumiti. "Nandyan na sila!"

Sabay kaming dalawang tumakbo palabas upang salubungin ang sinumang dumating. Isa-isang bumaba sila John Ace, Clark Tristan, Matt Xander, Lordjereh Dale, Brent Skysler, Zach Alexander at si.. Denver Santiago. Ang lapad ng pagkakangiti ko sa itsura nila nakasuot sila ng pambabae na kita ang hita. At ang pilikmata nila ang hahaba.

"Haha! Mga Bro ang gaganda nyo!" Sabi ko pa.

"Koreksyon! Baklush not bro!" Pumilantik pa ang daliri ni Clark Tristan.

"Baklush! Hindi ba tayo magpa praktis?" Tanong ni John Ace.

Nameywang si Matt. "Baklush! Ang mga Dyosang katulad us is never na magprastis. Kasi ang kalaban natin isang kendeng lang natin. Talo na sila! Tama mga baklush?!"

"TAMA!!" Sabay-sabay pa naming sabi.

"Release the kraken!" Sabi pa ni Zach.

Humalakhak kaming lahat.

"Ouch! Yung pwet ko Mine!" Inis kong sabi kay Jhoace. Paano ba naman kasi pinisil niya ang pwet ko. Huhu!

Ngumiti siya sakin. "Ang sexy mo kasi e, kakagigil."

"Tse! Sabay irap ko.

"Ang taray! ni Clarence Miguel. haha!" sinadya pa niyang banggitin ang pangalan ko.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon