EPILOGUE

78K 2.3K 230
                                    

Jhoace's POV

ITO ang araw na pinakahihintay naming mga college students ng SPIA. Dahil ang araw na ito kami magtatapos sa kursong kinuha namin. Proud na proud ako sa sarili ko habang suot ko ang toga. Bagama't hindi ako magtatapos ng may karangalan tulad ni Kuya John Ace. Proud na proud naman akong tatanggapin ang Diploma ko. Habang nag-aabang ako sa pagdating ni Clarence Miguel. Isa-isang dumating ang casanova. Kahit graduation na. Hindi parin maalis ang tilian nila sa tuwing darating ang mga casanova. Sabayan mo pa ang dating casanova ng SPIA sa pangunguna ni Daddy at Tito Luke. Kahit ang mga magulang ng mga graduate students hindi maiwasang kiligin kila Daddy. Mukha naman kasi silang mga bata pa. Kung hindi nga sila kilala iisipin mong kapatid lang ng mag casanova ang mga Daddy nila.

"Bitchy bezy!!"

Napangiti ako habang tumatakbo papalapit sakin si Shin Lorraine ang bestfriend ko.  Nagyakap kaming dalawa.

"This is it! Bitchy Bezy Ga-graduate na tayo!"

Tumawa ako sa kanya. "Akalain mo 'yon? Makakagraduate pala tayo!"

Tumawa si Shin Lorraine. "Ofcourse! May natitira naman sa ating konting talino. Isa pa naging mabait na tayo after ng gulo diba?"

"Yeah! Nasaan pala si Matt Xander?"

"Ayon oh! Kausap sila Mommy at Daddy. Alam mo na Bitchy Bezy. Magpa-plano na kaming magpakasal dalawa."

Oo nga pala! Before graduation nagprose si Matt Xander sa kanya. Akala ko talaga hindi sila magkakatuluyan nang dumating ang matinding problema sa kanilang dalawa ni Matt Xander. Simula kasi ng matapos ang problema namin ni Clarence Miguel. Isa-isa namang dumating sa mga kaibigan ko at kay Kuya ang problema nila. Si Shin Lorraine at Matt Xander, kay Phoebecate at Zach Alexander, kay Maezy at Brent Skyler at si Lj Dale at Faye. Lucy at Denver Claide. Na pawang sinubok ang relasyon nila kung gaano sila katatag. Pero ang higit na nakakalungkot ay ang kay Kuya John Ace at Ate Heira.

"Oh? Bakit mukhang biyernes santo ang mukha mo"

"Naalala ko lang si Kuya John Ace."

"Haist! I believe in Forever. Kaya naniniwala ako na kung talagang siya ang para sayo kahit anong mangyari kayo parin ang magkakatuluyan. Kaya wag mo'ng isipin 'yon Bichy Bezy."

Kung sabagay! Hayaan na lang natin ang tadhana ang gumawa ng paraan. Hinila ko ang kamay ni Bitchy Bezy. "Let's go! Mag-uumpisana ang Graduation Ceremony." Sabi ko.

Dahil kami ang magkaklase ni Shin Lorraine. Kaming dalawa ang magkatabi sa upuan. Nandito naman ang mga parents namin. Pero bawal na lumapit samin. Tahimik akong nakikinig sa graduation Message ni Lolo Paul. Dumating kasi si Lolo at Lola dito sa pilipinas para sa graduation namin ni Kuya.

"Bitch bezy!" tawag sakin ni Shin sa mahinang boses.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Nagtext sakin si Lucy girl, Girls night out daw tayo bukas ng gabi."

"Sige-sige! Saan daw?"

Bukas na daw natin pag-usapan. Hindi daw siya makakalusot sa parents niya mamaya."

"Bakit naman? Madali lang 'yon lusutan."

"Madali sana Bitchy Bezy kung wala dito ang pinsan mo. Bantay na bantay si Lucy. Haist!"

Oo nga pala nandito si Denver Claide. Boyfriend na nga pala niya ang pinsan ko. Kapag iniisip ko kung paano sila tumagal dalawa baka masira ang ulo ko. Ang hirap intindihin si Denver Claide. Na kahit ako ayokong makipag-usap sa kanya nakakableed ng utak kausap si Denver. Para kang palaging nasa contest ng question and answer.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon