Clarence Miguel's POV"Goodmorming Clarence! Kumain ka muna bago ka umuwi!" Bungad na bati sakin ni Tita Ally, pasado alas singko pa lang madaling araw pero gising na si Tita Ally at Tito Frits. Nasa kusina sila at katatapos pa lang nilang magluto.
Umupo ako sa tabi ni Tito Frits. Habang nagkakape siya. "Goodmorning po Tita and Tito!" Bati ko sa kanila.
"Anong oras ba kayong umuwi ni John Ace kagabi?" Tanong ni Tito Frits.
"Actually po umaga na po kaming umuwi mga ala-una na po ng umaga."
"Ganun ba? Mag-iingat lagi kayo sa pagmamaneho kapag gumigimik kayo." Ani Tito Frits.
"Clarence Miguel, kumain ka muna." Ani Tita Ally, pinaghain pa niya ako ng pagkain.
"Salamat po Tita!" Sabi ko sa kanya.
"MOMMY! DADDY! GOODMORNING!"
Bigla kong naiangat ang mukha ko sa boses na yon. Bakas sa mukha ni Jhoace ang pagtataka ng magtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin. Kaya nga ako palaging maagang umalis sa mansyon nila upang hindi niya malamang dito ako natutulog.
"Goodmorning Jhoace! Bakit ang aga mo yatang nagising?" Usisa ni Tito Frits.
Ngumiti siya. "May pupuntahan po kami ni Shin Lorraine. May out of town kami."
Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Ally kay Jhoace. "Anong gagawin nyo don?"
"May Bagong Resort na bubuksan sila Tito Kenneth. Kaya po pupunta po ako."
"Ay Oo nga pala! Husbie ko. Ngayon pala ang opening ng Bagong Resort nila Kenneth. Nakalimutan ko." Sabi pa ni Tita Ally.
"Jhoace, sabihin mo na lang sa Tita at Tito mo hindi kami makakapunta." Ani Tito Frits.
"Opo Dad, nasabi ko na po yon kila Tita Nicole at Tito Kenneth na hindi kayo makakapunta."
"Mabuti naman kung ganon!"
Tinitigan ako ni Jhoace. "Bakit ang aga mong nandito sa bahay? Dito ka ba natulog?" Tanong niya sakin.
"Nasobrahan kami ng inom kagabi." Kaya hinatid kami dito ni Matt." Alibay ko.
Tumaas ang kilay niya habang nakatitig sakin. "Talaga? Dito ka pa talaga hinatid ni Matt sa mansyon?!"
"Alam mo namang ayaw ni Dad, na umuuwi akong lasing kapag gumigimik ako diba?"
"I forgot! Imbes na tulungan ka ni Tito Teo. Baka makipag patintero ka pa sa putok ng baril." Nakangising sabi ni Jhoace.
Tinapunan ko siya ng matalim na bago ako nagpatuloy sa pagkain. Saglit kong sinisipat si Jhoace. Napapahanga talaga ako sa taglay niyang ganda. Kahit anong isuot niyang Damit bumabagay sa kanya. Kaya naman hindi ko maiwasang mainis sa mga lalaking nag-aaabang sa kanya sa Academy.
"Clarence Miguel! Sumabay ka na sakin." Ani Jhoace. Habang palabas na kami ng mansyon.
"No thanks!" Tipid kong sagot sa kanya.
"Hindi ka makakapag drive ng maayos kulang ka pa sa tulog. Sumabay ka na lang sakin."
"Tama si Jhoace Clarence, sumabay ka na sa kanya." Ani Tito Frits.
"Sige po Tito," sagot ko.
"Dad, Mom! Alis na po kami ni Clarence Miguel!"
"Sige Jhoace, mag-iingat kayong dalawa ha!" Sabi pa ni Tita Ally.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Jhoace. Siya ang nagmamaneho ng kotse niya. Naiinis ako kay Jhoace, dahil iniiwas ko ngang mapadikit ang balat ko sa katawan niya siya namang lapit at hawak niya sakin. Iba kasi ang nararamdaman ko kapag nagkakadikit ang mga balat namin.
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...