Chapter 39

52.8K 1.8K 123
                                    

Clarence Miguel's POV;

MINAMASE ko ang sintido ko habang nakataas ang paa ko sa table ko at nakatanaw sa bukas na sliding window. Sumasakit na kasi ang ulo ko sa sobrang stress. Kanina tumawag si Lolo sakin. Kailangan daw naming Malaman kung sino ang nag pasabog sa isang gusali na pagmamay-ari ng mga Lugen. Marami na din sa kasapi sa pilipinas ang inisa-isang patayin ng hindi nila alam kung sino ang may kagagawan. Ayon kasi kay Lolo wala itong iniwang bakas. Pinupuntirya ng mga ito ang mga taong sumusuporta sa Lugen Clan. At bilang Mafia Boss kailangan kong protektahan silang lahat kung hindi ko magagawa iyon. Masisira ang tiwala nila samin at baka maging dahilan ng pagtalikod nila samin. Yon ang ayokong mangyari. Ayokong masayang ang pinaghirap ni Daddy.

"Baby Clarence Miguel. Pwede ba akong pumasok?"

Naputol ang pagmuni-muni ko ng marinig ko ang boses ni Mommy. Bigla kong namiss ang boses ni Mommy. Mula kasi ng mamatay si Daddy. Hindi na siya nagsasalita at ayaw makipag-usap kahit kanino.

"Come in Mom!"

Malawak ang mga ngiti ni Mommy ng pumasok siya sa loob ng silid ko. Lumapit siya sakin at niyakap at hinalikan ako sa pisngi ko.

"Nagluto ako ng kare-kare paborito mo yon. Tara kumain muna tayo."

Ngumiti ako kay Mommy. "Talaga Mommy! Gusto ko po yan. Gutom na nga po ako e," Tumayo pa ako at inakbayan ko siya palabas ng silid.

"Welcome back Mommy." Tipid pa akong ngumiti sa kanya. Matapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Maasikaso kasi si Mommy masyado. Bago siya kumain sisiguraduhin nya munang may laman ang plato namin ni Daddy noon. Kahit marami kaming katulong hindi niya pinagkakatiwala ang pagluluto ng pagkain. Dahil gusto niya siya mismo ang magluluto ng pagkain namin. Kaya hindi na ako nagtataka noon kung palaging umuuwi ng maaga si Daddy dahil yon kay Mommy ayaw ni Daddy na palagpasin ang pagkaing niluluto ni Mommy.

"Complement ba yan Baby C.M?" Sagot sakin ni Mommy.

"Masaya po ako at bumalik ka na at nagmove on kana."

Pilit na ngumiti si Mommy. "Hindi kasi ako naniniwala na patay na ang Daddy mo."

Salubong ang kilay kong tumingin sa kay Mommy. "Mommy! Akala ko ba magmo-move on kana?"

"Naramdaman ko siya last night na humalik siya sa pisngi ko. Kaya alam kong buhay pa siya. Papahukay ko ulit ang bangkay niya."

"STOP IT MOMMY!!" Tumaas pa ang boses ko. Nakita kong tumulo ang mga luha ni Mommy. Akala ko narecover na siya hindi pa pala. Tumayo ako at lumapit sa kanya tapos niyakap ko ng mahigpit si Mommy.

"Mommy... Kalimutan mo na si Daddy. Baka makasama pa yan sa kapatid ko."

"Baby C.M. nami-miss ko na ang Daddy mo." Humagugol pa ito ng iyak. Awang-awa ako kay Mommy dahil hanggang ngayon hindi parin niya matanggap na patay na si Daddy. Alam kong masakit yon para sa kanya. Pero kailangan niyang tanggapin ang totoo na hindi na babalik si Daddy.

"Nandito naman ako. Si Baby bunso. Wag mo kaming iwan Mom, kailangan ka din namin."

"Ang hirap Baby C.M hirap na hirap akong magmove on at kalimutan sya. Dahil sa kanya umikot ang buhay ko mula pa noon anak."

"Makakaya natin ito Mommy. Basta wag ka lang bibitaw."

Hindi siya sumagot sakin. Patuloy lang itong umiiyak sa balikat ko. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para  makapag-isip ng matino si Mommy. At ang tanging makakatulong lang sakin ay si Tita Ally. Kaya matapos naming kumain tinawagan ko si Tita Ally upang tumulong sakin.

Nasa beranda kaming dalawa ni Mommy at umiinom ng kape ng biglang dumating si Tita Ally.

"Yurie! Yurie!!" Halos boses na lang ni Tita Ally ang narinig ko sa buong mansion namin dahil sa sigaw niya. Palihim naman akong natuwa. "Ang galing talaga ni Tita. Best Actress."

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon