Jhoace's POV:
"Goodmorning Tita Dianne. Goodmorning Tito Coby!" Bungad kong bati sa kanila. Pasado alasais pa lang ng umaga ng nagpasya akong puntahan si Denver Claide. Hindi ako nakatulog kakaisip dahil gustong-gusto ko na talagang puntahan si Denver Claide. Simula ng malaman ko ang sagot sa binigay niyang palaisipan. Halos gusto kong takbuhin ang masion nila kung hindi lang ako inawat ni Mommy. Si Mommy suportado niya ako sa gusto kong gawin dahil kahit naman daw pigilan niya ako. Hindi parin ako magpapapigil.
Lumawak ang pagkakangiti ni Tito Coby at Tita Dianne at Niyakap nila akong dalawa.
"How's s your Daddy."
"He's Fine. Where's Denver?"
"Tulog pa siya Jhoace. Umaga na siya umuwi. Let's go mag-almusal ka muna." Hinawakan pa ni Tita Dianne ang braso ko patungo sa kusina. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa tapat ng lamesa at simulan ang pagkain.
"Tito si Denver po ba hindi mag-aaral?" Panimula ko.
Saglit na huminto si Tito Coby sa pagkain at tumingin sakin. "Ewan ko nga sa batang yon. Mas magaling pa sa teacher. Ayaw niyang mag-aral dahil naboboring daw siya sa tinuturo ng teacher niya."
"Pero baka nextyear mag-aaral na siya. Hindi pwede ang ginagawa niya ngayon. Wala na siya sa Amerika para gawin niya ang gusto niya." Sabad ni Tita Dianne.
"Baka po may iba siyang pinagkaka-abalahan?"
"Ano nga ba Pulgoso ang pinagkaka-aabalahan ng anak mo. Mas madalas siyang wala. Daig pa ang nagtatrabaho." Nakataas pa ang kilay ni Tita Dianne.
"Fiona. Hayaan muna natin ang anak mo. Nag-eenjoy lang yon sa pagiging binata. Si Denise chloe na lang asikasuhin mo."
"Gusto mo ba tayong mag-away pulguso?"
Pilit kong nginunguya ang kinakain ko. Baka kasi bigla kong maibuga dahil sa hindi ko mapigilan ang tumawa sa mga ito. Kung si Mommy at Daddy. Husbie ko at Wife ko ang endearment nila. Sila Tita at Tito kakaiba. Pulguso At Fiona. Mga salitang ayaw nilang itawag sa kanila ng kahit sino.
"Ikaw itong unang tumawag sakin ng pulguso. Tapos mapipikon ka." Ngumisi pa si Tito.
Matalim na tinitigan ni Tita Dianne si Tito. "I hate you Xixi." Sabay irap niya.
"Tingnan mo Jhoace ang Tita Dianne mo Kahit kelan pikon."
Tipid akong ngumiti at nagpatuloy ako sa pagkain. Marami kaming napag-usapan nila Tita At Tito kaya naman hindi ko namalayan umabot na kami ng isang oras sa habang kainan.
"Morning Cousin." Bungad kong bati kay Denver Claide. Nakadapa pa ito sa kama niya habang nakasubsub ang mukha niya sa unan. Nakasuot lang ito ng black Sando at boxer short.
"What are you doing here Ate."
Napahalukipkip pa ako habang nakatingin sa kanya. "Alam ko na ang sagot."
Umikot siya ng pagkakahiga upang makaharap sakin. "Alam ko namang malalaman mo din ng hindi mo pinag-iisipan."
"Tch! Whatever! Bumangon ka na dyan at dalhin mo ako kung kaninong ponsyo pilato para makasali sa Mafia."
Bumangon si Denver at umupo sa kama niya at tumingin sakin. "Ano ang sagot sa palaisipan?"
"Pamilya! Si Mommy ang nagsabi sakin. Kaya dalhin mo na ako kung saan pwede akong makasali."
"What if kung ayaw ko?"
"Sasabihin ko sa kay Tito At Tita na kasali ka sa Mafia."
Humalakhak si Denver. "Alam na nila matagal na."
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Dla nastolatkówQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...