Chapter 41

56.8K 1.7K 41
                                    

Jhoace's POV

"BAKIT? May problema ba? Lord Clarence Miguel?" Tanong ko sa kanya. Kagigising ko lang kaya naisipan kong bumaba na upang mag-almusal. Pagbaba ko nabungaran ko si Clarence Miguel na nakasuot ng apron at may hawak na sandok. Lumapit siya sakin.

"How's your sleep?"

"Good. Why?"

"May nakakalimutan ka ngayon." Tanong niya sakin.

Saglit akong nag-isip. Sa susunod na araw pa naman ang meeting namin sa mga official. Sa friday pa naman ang birthday ng Mommy niya. Ano ba ang nakalimutan ko?

"Wala akong nakalimutan."

"Really? Anong gagawin ko sayo kapag may nakalimutan ka nga?"

"Wala! Alangan namang patayin mo ako dahil lang do'on."

Pilyo siyang ngumiti sakin. "Pwede naman ah. Patayin kita sa sarap ng mga yakap at halik ko."

Automatikong namula ang mukha ko sa sinabi niya. Ang aga kasi niyang magpakilig sakin.

"Hindi po ako nakikipagbiruan Lord Clarence." Sinadya ko pang sabihin ang posisyon niya sakin.

Hinapit niya ang bewang ko ang bewang ko at inilapit niya bibig niya sa pisngi ko. "Happy Monthsary Mine ko."

Tinitigan ko siya. "Oo nga pala Monthsary namin pala ngayon. Bakit hindi ko naalala."

"Happy Monthsary din Mine ko. Akala ko hindi mo maalala eh." Alibay ko.

"Pwede ba yon? Especial na araw yon sakin. Come!" Hinila niya ako sa tapat ng table at pinaupo niya ako. "Just wait for me." Tapos may kinuha siya sa kusina.

"Ano ba yang kinukuha mo dyan?"

"Maghintay ka lang!"

Nakangiti ako habang naghihintay sa kanya. Naging maganda tuloy ang araw ko dahil sa kanya. Ang totoo kasi nakalimutan ko na ang araw ng monthsary namin. Kung hindi niya pina-alala.

Nakatago sa likuran niya ang dalawang kamay niya ng lumapit siya sakin. Kumunot ang noo ko. "Anong tinatago mo?"

"Secret close your eyes first."

Pinikit ko ang mga mata ko. "Okay na ba?"

"Open your eyes Mine ko."

Slow motion ko pang idinilat ang mga mata ko. Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko din napigilang umiyak sa gift niya sakin. Hawak-hawak niya ang chocolate cake na may Nakadikit sa gitna na singsing. "Mag propose na ba siya sakin? OMG! I can't explain my Feelings right now."

"Happy Monthsary Mine ko. Ako ang nagbake ng Cake na yan!" Ngumiti siya sakin.

"Ikaw?" Pinagmasdan ko siya. kaya pala nakasuot siya ng Apron.

"Yes. Nagpaturo ako dati kay Shawn Skyler."

Iniabot niya sakin ang Cake. Tapos kinuha niya ang singsing. Ipinatong ko saglit sa table ang hawak kong cake. Kinuha niya ang kamay ko. "After Five years wedding ring na ang suot mo Mine ko. Thank you for accepting me for who I am. I love you Mine ko."

"Happy Monthsary Mine ko, sorry wala akong Gift para sayo."

Hinawakan niya ang mukha ko. "I'ts okay. Kiss at hug mo lang sapat na."

My cheeks turn to red. Kung pakiligin naman kasi ako ni Clarence Miguel. Daig ko pa nanalo sa Lotto. Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Tapos mabilis ko siyang hinalikan sa labi.

"Ang sweet ng kiss mo Mine ko. Isa pa please!"

Marahan ko siyang sinampal sa mukha. "Ewan ko sayo!" Pangiti-ngiti pa ako sa kanya.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon