Samantha Rain and Clark Tristan (1COL)

49.4K 1.9K 86
                                    


Samantha Rain’s POV

ISA sa mga kinaiinisan ko sa umaga ay ang pagtunog ng Alarm clock ko. Nakakainis ito sa tuwing nagigising ako dahil sa ingay. Nakatalukbong pa ako habang kinakapa ko ang Alarm clock ko ng mahawakan ko iyon. Ibinato ko kung saan. Pagkatapos muli akong natulog. Bago pa ako muling makatulog. Muli akong nakarinig ng ingay. Ingay na nagmumula sa Pagkatatok ng pintuan.

“Mafia Princess, Gumising na po kayo! Hinihintay na po kayo sa labas ni Lord Teo!” naririnig kong sigaw ng tao sa labas.

Hindi ko siya pinakinggan. Nagkunwari akong tulog. Ilang saglit pa. Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ko. Mas lalo akong nainis.

“Mafia Princess, gumising na po kayo. Maawa po kayo sa’kin. Mawawalan po ako ng trabaho kapag hindi kayo bumangon.” Pagsusumamo ng Katulong sa mansion nila Tito Teo.

Inis akong bumangon. Tapos hinanap ko ang baril ko at mabilis kong pinaputok iyon sa katulong. Hindi ko naman siya pinatamaan. Tinakot ko lang siya. Kainis kasi istorbo sa beauty rest ko.

“M-mafia P-princess. W-wag po!”nauutal pang sabi ng matanda.

“Anong gusto nyo. Mawalan ng trabaho O mawalan ng buhay?” sabi ko habang nakatutok sa kanya ang baril ko.


“A-aalis na po.”


“Get out!” Halos takbuhin ng katulong ang palabas ng kwarto ko. Tapos nang makalabas ito. Narinig kong nagsisigaw sa takot.

“Tsk! Over acting.” Sabi ko. Hindi na ako bumalik sa higaan. Nagtungo ako sa banyo upang maligo. May Meeting kasi kami sa mga ambassador ng tatlong bansa. Kailangan naming maclose ang deal between the ambassadors. Kasama si Clarence Miguel at si Tito Teo.

Limang minuto pa lang akong nasa loob ng banyo narinig ko na ang sunod-sunod na putok ng baril sa kwarto ko. “Si Tito Teo talaga! Ang moody.”

“Samantha Rain!” narinig kong tawag sa’kin ni Tito Teo.

“Tito Teo! Naliligo po ako. I’ll talk to you later.”


“Bilisan mong bata ka!” huling sabi niya sa’kin bago siya lumabas ng kwarto.

“OPO!” sigaw ko pa tapos sumimangot ako. Tinawag na naman niya akong Bata. Nakakainis talaga si Tito Teo.

Isang oras ang lumipas nang matapos akong maligo. Napailing na lang ako. Sirang-sira na ang pintuan ng kwarto ko dahil sa matinding sunod-sunod na putok ng baril.  Ipapaayos na naman tuloy ito. Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako at nagtungo sa dining room. Kitang-kita ko ang simangot ng mukha ni Tito Teo at Clarence Miguel habang papalapit ako.

“Goodmorning!” sabi ko sa kanila bago ako umupo.

“Almost one hour mo kaming pinaghintay Samantha?” naniningkit pa ang mga mata ni Tito Teo dahil sa inis sa’kin.

“Binilisan ko na nga po iyon Tito.” Nakayukong sagot ko.

“Dad! Wag na kayong magtaka diyan kay Ate Sam. Matagal yan maligo kasi natutulog pa siya.” Sabay tawa ni Clarence Miguel.

Pailalim ko siyang tinitigan. “Wanna die cousin?”

Ngumisi siya sa’kin. “Just do it Ate.”


“Tigilan nyo na yang dalawa. Kumain ka na Samantha dahil aalis na din tayo.”

“Yes po Tito.”


Pinagpatuloy ko ang pagkain. Hindi ko na pinansin si Clarence Miguel. Hinayaan ko na lang siyang inisin ako. Pero kahit ganoon kami pa rin ang nagtutulungan pagdating ng oras ng panganib. Mula ng mamatay si Daddy. Hindi na ako pinalayo ng mafia clan. Gusto kasi nilang masiguro ang kaligtasan ko. Bagama’t walang nagbabantang panganib samin. Madalas pa rin na may kasama ako sa tuwing lalabas ako ng mansion. Ganito talaga kapag isang mafia princess.


“Hello Demigod! I missed you.” Nakasandal siya sa may kotse niya at Tinaas pa ni Clark Tristan ang shades niya at ngumiti sa’kin.


Inirapan ko siya. “Anong ginagawa mo dito?” inis kong sagot sa kanya.


Lumapit siya sakin.“Ako ang body guard at gwapong driver mo my lovely demigod. I missed you.”

“I hate you!”

“Sorry na demigod wag kang magalit sa’kin. Nagkataon kasing sumama ang pakiramdam ni Mommy kaya hindi kita nasundo. Sorry na!” Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit tumangi ako.

“Umuwi ka na!” tipid kong sagot. Lalampasan ko sana siya upang sa ibang kotse sumakay pero bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Tapos walang pakundangan niya akong sinakay sa kotse niya.


“Gusto mo na sigurong mamatay! Kilala mo ba kung sino ang kaharap mo ha!” inis kong sagot.

Humarap siya sa’kin at seryoso ang mukha niyang humarap sa’kin. “Oo naman! Ikaw ang Mafia Princess na iniiangat ng clan. Na kayang-kayang mo akong patayin kung gugustuhin mo. Pero kahit sino ka pa at ano ka pa. Wala akong pakialam! Para sa’kin ikaw pa rin ang Demigod ko. Ang babaing mahal na mahal ko at girlfriend ko. So please patawarin mo na ako.”

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ang totoo humingi naman sa’kin ng sorry si Tita Angelika kahapon dahil sa hindi pagsipot ni Clark sa date sana namin. Hindi ko lang talaga maintindihan bakit naiinis ako sa kanya ngayon.

“Sige na! Pinapatawad na kita! Umalis na tayo. Baka mainip si Tito Teo.” Sabi ko.


Ngumiti siya sa’kin at pagkatapos pinaharurut niya ang sasakyan niya. Habang nasa biyahe kami. Hindi maiwasan ni Clark Tristan na hawak-hawakan ang kamay ko. Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan..

ISANG LINGGO pa lang ako sa pilipinas noon nang magtagpo ang landas namin ni Clark Tristan. Nang mga panahong iyon isang spoiled brat girl ako na walang pakialam sa mga Mafia clan na yan. Pinauwi ako ni Daddy sa pilipinas para daw magbakasyon. Si Clarence Miguel second cousin ko. Kami ang close dalawa at dahil mas matanda ako sa kanya. Palagi ko siyang iniinis.


NAKASIMANGOT na lumapit sa’kin si Clarence Miguel habang nakaupo ako sa malambot na sofa. Nakataas pa ang dalawa kong kamay sa lamesa.

“What cousin?” nakataas pa ang kilay kong tanong sa kanya.

“Ano ba ang ginawa mo ate? Bakit mo pinakialaman ang messenger ko.” Inis na tanong sa’kin ni C.M.


“Wala akong ginawa.”

“Really? Bakit biglang nagchat sakin si Jhoace na pupunta siya dito para magdala ng pagkain? Wala naman akong sinasabing ganon sa kanya.

I’m sorry akala ko account ko ang ginamit ko nang kachat ko si Jhoace. Alibay ko.


“Don’t fuckin try to loose my temper Ate. I’m not kidding. Nabasa ko ang conversation nyo ni Jhoace gamit ang account ko. And that shit! You’re making stupid story. Paniwalang-paniwala si Jhoace.”

“How did you know?” tanong ko. Binura ko kasi lahat ng naging pag-uusap namin ni Jhoace.

“Screen shot! Kaya ko nalaman. So tell me why?”


Kitang-kita ko ang galit na galit na reaction ni Clarence Miguel sa’kin. “Fine! Sorry na cousin. Gusto ko lang malaman ang nararamdaman ni Jhoace sayo.”

“Wag mo akong pangunahan sa gusto ko. Darating ang mga kaibigan ko. Mag-iinuman kami. Magdadala ng babae. Kung gusto mong makita ni Jhoace ang pinaggagawa namin sige! wag mo siyang pigilang pumunta dito. Pero kung ayaw mo siyang masaktan. Gagawa ka ng paraan para hindi siya pumunta dito.” Sabay talikod niya palayo sa’kin.

Umiling-iling na lang ako habang tinanaw ko si Clarence Miguel. Masyado kasing torpe. Alam ko naman na kahit suplado siya kay Jhoace. Alam kong may gusto siya dito. Ayaw niya lang aminin. Agad kong tinawagan si Jhoace para i-cancel ang pagpunta dito sa mansion.

Ilang oras pa ang lumipas. Dumating na ang mga kaibigan ni Clarence Miguel. Ngayon ko lang sila makikita. Palagi ko kasing naririnig ang pangalan nila kay Clarence Miguel. Malayo pa lang naririg ko ang ingay nila. Nagpanggap akong busy sa pagbabasa ng magazine para kunwaring hindi ko sila hinihintay.

“Ate Samatha Rain!”

Pag-angat ng mukha ko. Halos masilaw ako sa anim na gwapong lalaking kaharap ko ngayon. Lahat sila nakangiti sakin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. “Yes!”

“Mga kaibigan ko.” Sabi pa ni Clarence Miguel. Pinakilala niya ako isa-isa s mga iyon. Ngunit may isang lalaki doon ang nakatawag pansin sa’kin. Si Clark Tristan. Kung sa gwapo talaga namang malaglag underwear mo. Ngitian ka lang niya. Baka himatayin ka na sa kilig.


“Hi Samantha Rain.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya habang nakatitig sakin. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya. “I like you!” he said. Namula tuloy ang pisngi ko.

Pasimple kong hinila ang kamay ko. Tapos tipid na ngumiti. “Thanks!”

“Hindi mo sakin sinabi na may maganda kang pinsan.” Ani Clark habang hindi maalis ang pagkatitig niya sa’kin.

“Wag si Ate Sam. Wag mo siyang idamay sa kalokohan mo Clark.” Sabad ni Clarence  Miguel.

“Brad, totoo na ito pinana ako ni kupido.”

Yumuko ako. “Excuse me.” Sabi ko. Nakaharang kasi siya sa dadaanan ko.

“Ingat Mahal ko. Mamahalin pa kita.” Sabay kindat niya sakin.

Napuno tuloy ng ingay dahil sa kantiyawan nila saming dalawa. Nainis tuloy ako sa kanila.

“Sorry hindi ako pumapatol sa bata at sipunin.” Sabay talikod ko


Humalakhak ang mga kaibigan niya. “Basted agad! Haha” narinig kong sabi bago ako tuluyang umalis.


Simula noon araw-araw na siyang nagpapadala ng bulaklak sakin. Mga sweet message at kung ano-anong gifts. Hindi siya nagpapahuling bumati sa mga espesyal na araw ko. Minsan pa nga naiinis na ako sa ginagawa niya. Dahil nakukulitan ako sa kanya at kahit nasa ibang bansa na ako. Kinukulit niya ako. Kaya naman ilang beses ko siyang binabasted. Hanggang isang araw nagulat na lang ako na walang flowers at sweet message akong narerecieve galing kay Clark Tristan. Ilang araw kong inisip kung anong dahilan. Hanggang sa namalayan ko na lang nami-miss ko na siya.


“Cousin! Anong pinagkakaabalahan ngayon ni Clark Tristan?” tanong ko kay C.M habang kumakain ng Almusal. Kaming dalawa lang ang sabay na kumain dahil busy si Tito Teo at Tita Yurie dahil sa problema sa Clan.


“Wala naman! Bakit?”

“Hindi kasi sila pumupunta dito sa mansion.” Alibay ko.

“Mahal mo na siya noh! Kaya hinahanap mo siya.” Pilyong ngumiti si C.M sa’kin.


“Hindi noh!” sabay irap ko sa kanya.


Tumawa si Clarence Miguel na kinainis ko. “Alam ko naman ate na nami-miss mo siya. Kasi walang nagpapadala ng flowers sayo araw-araw. Wag kang magtaka. Napagod na siguro pakipot ka pa kasi.”


“Hindi ako pakipot. Naitanong ko lang sayo. Wag mong pag-isipan ng masama.”

“Very good para naman hindi ka masaktan.”


Tumaas ang kilay ko. “Hu? Bakit?”


“Aalis na si Clark ngayon. Sa ibang bansa na mag-aaral kasama ang babaing pakakasalan niya. Sabi niya sa’kin ikaw daw ang mahal niya. Kaya lang ayaw mo sa kanya. Kaya pinalaya ka na niya para mahanap mo ang lalaking gusto mo. May tatlong oras pa bago ang schredule ng flight niya. Kung pupuntahan mo siya. Malamang maabutan mo siya sa mansion nila ngayon.”


Hindi ko napigilang tumakbo palabas ng mansion. Parang may nag-udyok sakin para puntahan siya at kausapin siya. Habang binabagtas ko ang daan patungo sa mansion nila Clark. Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa katangahan ko. “Ang tanga! Tanga mo kasi Samantha Rain! Hinayaan mong sumuko ang mahal mo sayo!” kausap ko sa sarili ko.

HALOS PAHARURUTIN ko ang sasakyan ko para lang makarating ng mas mabilis.


“Tita! Nasaan po si Clark Tristan?” bungad kong bati kay Tita Angelika.

“Nasa kwarto niya nagliligpit ng gamit.”

“Tita pupuntahan ko po siya.” Tapos nagdire-diretso akong pumasok sa kwarto ni Clark pag pihit ko sa seradura ng kwarto. Napangiti ako dahil hindi siya nakalock. Agad akong pumasok sa loob. Nakita ko si Clark na nagliligpit ng gamit niya. “Clark.Tristan!” tawag ko sa kanya. Tapos niyakap ko siya ng mahigpit. Doon bumuhos ang luha ko.

“I’m sorry! Kung naging pakipot ako sayo. I’m sorry kung palagi kitang binabasted at tinatarayan. Alam kong hindi ako dapat humingi ng pabor sayo. Kasalanan ko. Kasi pinakawalan ko ang lalaking nagmamahal sakin. Kasalan ko kung bakit naghanap ka ng iba. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ako. Hindi kita uutusang hiwalayan ang mahal mo ngayon. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal. Ayoko lang aminin dahil matanda ako sayo ng tatlong taon. Ayokong aminin dahil isa akong mafia princess. Ayokong pati ikaw madamay. Sorry Clark.” Sabi ko habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.


Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Clark Tristan sakin. “Mahal na mahal din kita Samantha. At kung anoman ang mundong meron ka. Handa akong pasukin makasama lang kita. Wala akong ibang mahal kung hindi ikaw lang.”

Bahagya kong inangat ang katawan ko sa kanya at tumingin ako sa kanya. “Wala kang iba? Hindi ka aalis ng ibang bansa?”


Umiling siya sakin. “Bakit ko naman iyon gagawin. Nandito ka sa pilipinas. Ikaw lang ang mahal ko.

“Pero sabi sakin ni Clarence Miguel.”

Hinalikan niya ako sa buhok ko. “Naisahan ka ng pinsan mo. Pero nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil kung hindi niya iyon ginawa. Hindi ko maririnig ang lahat ng sinabi mo ngayon.”

“Lintek na Clarence Miguel na iyon! Naisahan ako.”

Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan niya. “I love you Demigod.”

“Bakit Demigod?”

“Hindi ka kasi ordinaryong tao. Ikaw ang babaing dapat ingatan.”

Ngumiti ako sa kanya. “I love you too Demigod.” Sagot ko.


“Nandito na tayo Demigod.”

Naputol ang pagbabalik ko sa nakaraan ng magsalita si Clark Tristan. Agad kaming lumabas ng kotse at pinuntahan ang pakay namin. Pagpasok namin sa loob si Tito Teo lang ang nakaupo sa gitna ng malaking bulwagan.

“Anong kalokohan ito Lord Teo.”

“Gusto kong malaman mo na kailangan mong magpakasal dahil nasa hustong gulang ka na.”


Tumingin ako kay Clark Tristan. “Hindi pa siya handa.”

“Ipagpaumanhin ninyo Lord Teo. Ngunit handa akong maging asawa niya kung nais ninyo.” Ani Clark.

“Hindi iyon ganoon kadali Clark. Kailangan mong talunin ang labing limang may mataas na katungkulan sa Clan lalo na ako. Naging trasdiyon sa Clan namin ng ganoon.” Sabad ni Tito Teo.

“Lord Teo. Unfair naman no’n! Bakit pati buhay ko pinakikialam ng clan.”

“Demigod! Wag kang mag-alala mananalo ako.” Seryosong sabi niya sakin.

Tinitigan ko si Clark Tristan. “Makakaya mo ba sila?”


“Wala akong hindi kayang gawin para sayo. Ganyan kita kamahal Samantha Rain.”

My cheeks turn to red. “Gosh! The man I love.”

A/N;

Please Vote and comments sa story ni Clark Tristan at Samantha Rain. Kung gusto nyong magkaroon sila ng sariking story. Next chapter.. Brent and maezy.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon