Chapter 17

76.6K 2.5K 190
                                    

Jhoace's POV:

NASA loob kami ng cafeteria ni Shin. Katatapos lang naming kumaing dalawa. Kaya naman naisipan naming panoorin ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante dito. Kuyom ang kamao ko habang pinapanood ko ang youtube video nila Lucy at ang grupo niya sa sayaw. May nabuo na silang sayaw At hiphop dance yon. Habang pinapanood namin yon hindi ko mapigilang ang manggigil sa inis sa kanila. Okay na sana kung sumayaw sila eh, sa bandang huli kasi ng video nila nagsalita pa siya laban sa'kin. "Queen of upgraded Malditah! May ibubuga ka ba?" Yan ang eksaktong sinabi niya sa Video niya na lalong kinabadtrip ko. Pagkatapos may mga bad Comments laban sa'kin ng mga taong nanood sa video nila. Lalo tuloy nakasira ng araw ko.

"Infairness sa kanila magaling silang sumayaw ghost viral na sila. Kung titingnan mo bitchy Bezy parang ang hirap gawin ng mga step nila." Ani Shin.

"Gagawa din tayo ng ganyan at malalaman natin kung kaninong grupo ang may maraming views."

Tiningnan ako ni Shin, "Wag na bitchy bezy, sumayaw na lang tayo. Nakakahiya kapag nilagay pa sa youtube. Baka ikahiya ako ng angkan ko."

"At bakit naman?" Nakataas pa ang kilay kong tanong sa kanya.

"Alam mo namang Never akong sumayaw diba? Hindi ko alam kung parehong kaliwa ang paa ko pagdating sa sayaw."

"Same lang tayong dalawa Bitchy Bezy, kaya push natin yan! Mananalo tayo!" Sabi ko pa.

Bumuntong-hininga siya. "Sana nga.. Okay na sa'kin ang makasayaw ng maayos kahit hindi na ilagay sa youtube at maging viral."

"Magpapatulong tayo sa mga casanova para maging viral. Tutal may atraso sila sa'kin."

"Wag na Bitch Bezy. Ayokong makita ni Matt kung paano ako sumayaw."

"Huli ka na dahil nagpapaturo ako sa kanila kung paano sumayaw. Kaya alam nilang kasama kita sa sayaw." Ngumiti pa ako.

Tinapik niya ang mukha niya. "Oh! Gosh! I'm dead."

"Arte mo! Wag tayong papatalo sa mga gorilyang bumaba ng siyudad. Tandaan mo Bitchy Bezy! Dyosa tayo sila Gorilya!"

"Sa puntong yan Bitchy Bezy. Hindi na kailangang sabihin pa. Kita naman sa itsura. Sino nga pala ang mga kasama pa natin sa sayaw?"

"Sino pa ba? Eh, di sila Phoebecate at Maezy. Tayong apat na lang."

"Okay!"

Ilang segundo pa ang nakalipas. Nakarinig kami ng hiyawan sa loob ng Cafeteria. Tinakpan namin ang tenga naming dalawa ni Shin. Ang mga babae kasi sa Academy namin ang lalandi masyado. Parang akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo. Iniisip ko tuloy kung ngayon lang sila nakakita ng gwapo. Dahil kung makatili sila parang huling araw na nila sa mundo.

"Kyaahh! Si Clarencei Miguel!!"

"Oh My! Papalapit si Matt Xander ang gwapo girl!" Usal pa ng isa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Shin tapos umiling na lang kami. Pagkatapos pinagpatuloy namin ang pag-inom ng ice tea. Naudlot kasing inumin yon dahil sa nanood kaming ng nakakasukang video nila Lucy at Faye. Ilang saglit pa naramdaman ko ang paglapit nila samin. Hindi parin kami lumilingon ni Shin.

"Hello Mine, flowers for you." Narinig kong bulong sa'kin ni Clarence Miguel.

"Hindi ko tatanggapin yan! Ibigay mo sa iba." Sagot ko.

"Pero nag effort pa akong bilhin yan sa malayong lugar."

Tinaasan ko siya ng kilay. "So what? Kasalanan ko pa ba? Pamigay mo na yan sa iba!" Sabay talikod ko sa kanya.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon