Chapter 21

69.8K 2.3K 187
                                    


Clarence Miguel's POV;

MALALAKI ang mga hakbang ko habang patungo ako sa Patient room nila Faye At Erika. Naroon din si Shin Lorraine sa hospital. Nakasalubong ko si Matt Xander patungo sa Second Floor. Nasa second floor na kasi ang room nila. Wala akong idea sa mga nangyari kaya gusto kong malaman ang lahat.

"Matt!"

Nilingon niya lang ako at tinanguan. Pagkatapos nagpatuloy na siya sa paglalakad. Sinabayan ko siya. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala para kay Shin.

"Matt, alam mo ba ang nangyari? Nasaan si Jhoace?" Tanong ko.

Seryosong mukha ang nakita ko kay Matt ng tumingin siya sa'kin. "Ewan ko, hindi naman sa'kin sinasabi ni Shin ang mga lakad nilang dalawa ni Jhoace."

"Gano'n ba?"

"Dadaan ka ba muna kay Lucy at Faye? Nakalabas na sila ng emergency room. May mga pulis na pumunta doon. Sila na lang ang tanungin mo."

"Sige salamat! Dito na ako." Sabi ko. Huminto ako at binuksan ko agad ang pintuan ng patient room. Silid yon ni Faye Erika. Nakadextross siya habang may benda ang braso niya. Nakatingin lang siya sakin. Habang papalapit ako.

"Nasaan ang bantay mo?" Panimula kong tanong sa kanya ng makalapit ako.

"Bakit ka nandito? Sasaktan mo rin ba ako. Wala kaming kasalan ni Lucy." Sabi niya sa'kin.

"Walang akong gagawing masama sayo Faye. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Jhoace."

Umiwas siya ng tingin sa'kin. "Si Jhoace. Nanganganib ang buhay niya."

"Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?"

"Wala akong alam. Tanungin mo si Lucy baka alam niya." Sabi pa niya sakin ng hindi siya lumilingnon sakin.

Huminga ako ng malalim. Siguro nga walang alam si Faye don. Kaya mas mabuting si Lucy na lang ang tatanungin ko. "Pagaling ka Faye. Pupuntahan ko muna si Lucy salmat." Pagkatapos umalis na ako sa silid niya.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Lucy. Sakin lahat nakatingin ang mga tao doon. Lumapit sa'kin ang isang pulis. "Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong niya sa'kin. Nanahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa pulis na nagtanong sakin. Hindi naman kasi kami naging magkaibigan ni Lucy.

"Sir.. Friend ko po siya.." Halos pabulong na lang iyon na bigkas ni Lucy. Dahil sa hirap siyang magsalita. Pilit siyang ngumiti ng tumingin siya sa'kin.

"Gano'n po ba Ma'am."

"Sir, pwede nyo po ba kaming iwan sandali ng kaibigan ko." Pakiusap ni Lucy sa mga pulis. Agad namang pumayag ang mga pulis kaya naman agad silang lumabas sandali. Lumapit ako kay Lucy at umupo ako sa gilid ng kama niya.

"Ano bang nangyari?"

"I'm sorry Clarence Miguel." Tapos umiyak na siya.

"Bakit ka magsosorry sa'kin?"

Tumingin siya sakin kahit basa ang mukha niya ng mga luha niya. "Si Jhoace..."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. "Anong nangyari kay Jhoace?"

"May mga kalalakihang dumukot sa kanya. Noong nag-aaway ang grupo namin at grupo nila. I'm sorry C.M hindi kami ang may kagagawan ng pagdukot sa kanya. Inaamin kong galit na galit ako sa kanya. Pero hindi ko inisip na patayin siya O ipapatay. Pinilit namin siyang ipagtanggol pero binaril kami at Nawalan ng malay nang magising ako. Nasa loob na ako ng silid na ito. Maniwala ka Clarence Miguel. Hindi kami ang may pakana ng pagdukot kay Jhoace." Paliwanag ni Lucy.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon