Chapter 2

105K 3.3K 372
                                    


Jhoace's POV

"Salamat sa paghatid!" Tipid kong sagot kay Clarence Miguel. Hindi ko na siya inantay na Sumagot. Dirediretso akong pumasok sa loob ng Mansyon.

"Jhoace! Umiiyak ka?" Tanong sakin ni Kuya John Ace ng makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin sa halip nagmadali akong pumunta sa kwarto ko. Doon ako umiyak nang umiyak.

"Tok! Tok! Tok!"

Pinahid ko ang luha ko sa pisngi bago ko pag buksan si Kuya John Ace. Hindi kasi ako titigilan ni Kuya John Ace. Hanggat hindi niya nalalaman ang dahilan ng pag-iyak ko.

"Bakit Kuya?"

Pinagmasdan niya ako. Ako naman ay umiwas ng tingin sa kanya. "Umalis na si Clarence Miguel. Tinatanong ko sa kanya kung bakit ka umiyak. Hindi niya ako sinagot. Ano bang dahilan bakit ka umiiyak?"

Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas ng loob na sabihin kay Kuya John Ace ang totoo. "Yung magaling mong Bestfriend! Pinamukha sakin na nakikipag sex siya Half Chaka at Full gorilya na si Trisha! Ang sabi niya Wag ko daw awayin yon kasi wala na daw siyang Toy!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"So?"

Tumaas ang kilay kong tinitigan si Kuya John Ace. Pagkatapos tinalikuran ko siya. Siya naman ay pumasok sa loob ng kwarto.

"So what's the problem Jhoace? Ano iniiyak mo don? Hindi mo naman siya boyfriend."

"That's my point Kuya! He's not my Boyfriend right now! But soon will getting there! So ayokong kung sino-sinong babaeng Mabaho! Panget! Ang nilalandi at kina-kama niya. Ano ako payatas! Tagasalo ng basura nila! They pissed me off!"

"Stop acting like a spoiled Brat Jhoace! He doesnt like you! Kapatid lang ang turing niya sayo! Kaya tumigil kana sa kabaliwan mo!"

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Ilang beses na bang sinabi sakin ni Kuya John Ace ang bagay na yan. Na kapatid lang ang turing sakin ni Clarence Miguel. Pero hindi ako naniniwala. Dahil hindi yon ang nararamdaman ko. Hindi yon ang gusto kong mangyari.

"Ilang beses na kaming nag Date Kuya."

"Psh! How pathetic you are. Mag-isip ka nga! Niyaya ka lang lumabas Date na agad ang iniisip mo? Ako na nagsasabi sayo Jhoace. Tigilan mo na si Clarence Miguel. Tigilan mo na ang kaka-fantasya mo sa lalaking kailanman hindi mo magiging prince Charming!"

"Suportahan mo na lang ako Kuya. Tulad ng pagsuporta ko sa inyo ni Ate Heira."

Naniningkit ang mata ni Kuya John Ace. Habang nakatingin sakin. Alam kong hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ko. Pero wala akong pakialam! Hindi ko isusuko si Clarence Miguel anuman ang Mangyari!

"Hindi ko gagawin yon! Dahil ayokong patuloy kang umaasa at masasaktan. Mahal kita Jhoace kaya ayokong nakikita kang nasasaktan habang patuloy kang umaasang mamahalin ka ni Clarence Miguel." Saglit niya akong tinitigan bago siya tuluyang umalis.

Napakagat Labi ako sa mga sinabi ni Kuya John Ace. Kahit paulit-ulit niyang sabihin yon. Hindi ko siya pakikinggan. Gagawin ko ang gusto kong gawin anuman ang maging kalalabasan nito.

Ilang oras din akong nagkulong sa loob ng kwarto ko bago ako lumabas. Inalis ko muna ang pamamaga ng mata ko dahil baka makita ako ni Shaw at ni Axle. Asarin lang ako ng mga yon. Pumunta ako sa kwarto nila Mommy at Daddy. Namimiss ko na kasi ang bunso naming kapatid na si Fritzie Hanna. Nine Months na siya kaya ang sarap ng laruin dahil makulit na. Dahil bukas ang kwarto nila Mommy at Daddy dire-diretso akong pumasok. Agad akong napangiti ng makita ko si Mommy na nilalaro si Fritzie Hanna. Naririnig ko kasi ang hagikgik niya.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon