Chapte 37

54.5K 1.8K 82
                                    


Jhoace's POV;

"Hindi na siya papasok Jhoace." Sagot sakin ni Clark Tristan ng maabutan ko siya sa Section A. Tatlong araw na akong pabalik-balik sa Room nila inaabangan ko si Clarence Miguel na pumasok. Mula ng huli akong pumunta sa mansion nila hindi na ulit ako nakapasok. Pinagbawalan na kasi akong pumasok sa mansion nila hinaharang na ako ng guard.

"Bakit?!" Kuyom pa ang kamao ko habang nanggigil ako sa galit.

"Alam mo na ang dahilan diba? Siya na ang humalili kay Tito Teo. Hindi na siya maaring ma-expose sa mga lugar na hindi naman kailangan niyang puntahan."

"Paano ang pag-aaral niya?"

"Balita ko patuloy pa din ang pag-aaral niya sa loob ng mansion nila Jhoace.. Kalimutan mo na siya." Nakita kong may lungkot sa mga mata niya ng sabihin niya yon.

"Hindi ako makakapayag! Hindi ako papayag na basta na lang niya ako babaliwalain."

"Anong gagawin mo? Hindi na siya ang dating C.M?"

Inis na inis akong tumalikod kay Clark Tristan at nagtungo ako sa Cafeteria doon ko kasi iniwanan ang mga kaibigan ko. Hindi na maipinta ang mukha ko ng bumalik ako sa kinauupuan ko.

"Hulaan kita! Hindi mo nakita si Clarence Miguel Bitchy Bezy?"

"Hindi ko na siya makikita sa dito sa SPIA!"

Lahat sila sakin tumingin. May pagtatakang mababakas sa mukha nila. Dinampot ko ang mineral water na binili ko kanina at ininom ko ang laman. Nang maubos niyupi ko gamit ang kamay ko at inihagis ko kung saan.

"Arayy!" Sigaw ng babaeng natamaan ng mineral water na tinapon ko. "Sino ang bumato non!"

Tumayo ako at lumapit sa babae. "Ako bakit?! AANGAL KA!" Madilim pa ang pagkakatingin ko sa kanya. Gusto  kong makipag-away upang mailabas ko ang galit ko kay Clarence Miguel.

Yumuko ito nang malaman niyang ako ang bumato sa kanya. "Sorry Maldita Queen." Sabay talikod nito.

"Tch, duwag!"

"Hoy bitchy Bezy! Kung galit ka wag kang mandamay ng iba
Kung gusto mo ng kaaway tayong dalawa na lang ang mag-away."

I rolled my eyes. "Please! Bitchy bezy gusto kong mawala ang galit ko."

Nagkatinginan silang lima tapos muling binaling sakin ni Shin Lorraine ang tingin. "Puntahan natin siya sa mansion."

"Sigurado ka ba?"

Sabay silang tumango sakin tapos tumayo sila sa kinauupuan nila at kinuha ang gamit at binitbit nila ito. "Let's go Bitch Bezy!" Hinigit pa ako ni Shin Lorraine palabas ng Cafeteria.

NASA BUNGAD palang kami ng malaking gate nila Clarence Miguel. Hinarang  na kami ng Taong security guard na nagbabantay sa labas.

"Hindi na po tumatanggap ng bisita ang mga Lugen." Sabi ng guard.

"Bakit hindi? Matagal na akong pumupunta dito."

"Paumanhin po 'yon po ang utos sakin."

"Bitchy Bezy! Hayaan na lang natin si Clarence Miguel ngayon. Marahil nagluluksa pa siya ngayon sa pagkawala ni Tito Teo."

"Pero Bitchy Bezy! It's unfair."

"Gusto mo bang makita si Kuya C.M ate Jhoace?"

Sabay kaming napalingong lima sa kinaroroonan ng boses na 'yon. Si Denver Claide nakatayo sa ilalim ng malaking puno ng Narra sa harap ng Mansion nila Clarence Miguel. Nakasuot ito ang sumbrero marahan pa niya inangat ang sumbrero niya upang makita namin siya. Lumapit kami sa kanya.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon