Jhoace's POV;SALUBONG ang kilay ko habang pinagmamasdan ko ang isang malaking gusali na nasa harap ko ngayon. Nakapagtatakang nasa Public place ang Hide out ng mga kidnaper. Napansin ko din na malapit ang lugar na ito sa isang police station.
"Anong plano nila? Bakit dito?"
"Baby, extend natin ang bakasyon natin sa province. Nami-miss ko ang pamilya ko. Sige na please!" Tinig iyon ng babaeng nakakuyapit sa isang lalaking kalalabas lang ng hotel.
Napadako pa ang pansin ko sa isang babae at lalaki na lumabas ng gusali. Isa kasi itong Hotel at ang katabi nito ay isang casino. Ibig sabihin maraming tao. Bakit dito? Hindi kaya nagkamali ako ng lugar na pinuntahan? Ang mga katanungang naglalaro sa isip ko ay naputol ng marinig ko ang tawag ng kidnaper sakin.
"Hello, nandito na ako."
"Very good! Pumasok ka sa loob ng hotel. Sabihin mo Room 403."
"Sigurado ba kayong papasok ako?"
"Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ko diba?"
"Okay sige gagawin ko na."
Good. Maghihintay ako. Bilisan mo dahil baka mainip ako. Bangkay na lang ng lalaking ito ang kunin mo."
"Wag please! Wag mo syang sasaktan!" Nakikiusap ako sayo."
"Madali naman akong kausap. Basta sundin mo lang ang gusto ko. Bye!"
Bumuntong-hininga ako habang gigil na gigil ako sa hawak kong cellphone ko. Wala kasi akong karapatang tumutol sa gusto ng kidnaper. Habang papalapit ako sa may entrance hindi ko malaman kung paano ko itatago ang baril ko ng hindi madedetect ng security guard ng hotel. Ngunit bago pa ako makapasok ng may sumalubong sakin lalaking nakablack jacket at naka shade. Lumapit siya sakin. "Hinihintay na po kayo ni Boss. Sumunod po kayo sakin."
Tumango ako sa kanya at dire-diretso akong pumasok sa loob ng hotel. Napansin kong pinindot niya ang ten floor ng sumakay kami ng elevator. Tahimik lang akong nakamasid. Para talagang may kakaiba. Naputol ang pag-iisip ko ng bumukas ang elevator.
"Nandito na tayo."
Lumabas kami ng elevator pagkatapos huminto siya sa paglalakad at humarap sakin. "Hanggang dito na lang ako. Sundin mo na lang si Boss. Wag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong mas maraming madamay."
"Naiintindihan ko. Salamat!" Tapos tumalikod na siya upang umalis. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Kinapa ko ang baril na nakatago sa likuran ko. Kailangan kong maging handa at mag-ingat sa anumang mangyayari. Hinigpitan ko ang hawak sa seradura ng pintuan. Tapos dahan-dahan ko yong binuksan. Halos pigil ang paghinga ko habang unti-unti bumubukas ang pintuan. Napansin ko agad ang dilim sa loob. Wala kang makitang kahit konting liwanag. Mas lalo akong kinabahan. Kahit nagdadalawang isip akong pumasok sa loob nilakasan ko na lang ang loob ko para kay Clarence Miguel.
"Wag kang kikilos ng masama."
"Sino ka? Nasaan si Clarence Miguel?" Dikit na dikit pa sa leeg ko ang dulo ng baril niya habang nakayakap siya sakin patalikod. Hindi ako makakilos at wala din akong maisip na paraan para kumilos. Sobrang dilim ng paligid na kahit ang taong biglang tumutok sakin ng baril hindi ko makita.
"Wag kang maraming tanong sumunod ka na lang!" Kinapa pa niya sa katawan ko ang mga nakatago kong baril at itinapon kung saan. Halos kaladkarin niya ako dahil sa malalaki niyang hakbang. Ilang saglit pa huminto kami. "Nandito na tayo. Maghintay ka lang darating na si Boss." Itunalak pa niya ako bago ito umalis.
"Clarence Miguel! Mine ko!" Sigaw sa madilim na lugar na yon na kahit ang balat ko hindi ko maaninag sa sobrang dilim.
Kung sino ka mang Kidnaper ka! Magpakita ka sakin! Pakawalan mo si Clarence Miguel!!" Sigaw ko sa kawalan.

BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...