Chapter 49

53.8K 1.7K 85
                                    

Jhoace's POV

"Hindi talaga ako pabor sa naging desisyon ng hurado sa nakaraang laban nila  Clarence Miguel e, luto ang laban. Tinakot ni Tito Teo ang mga tao don. Dapat hindi sila pumayag!" React ko. Habang kumakain kaming dalawa ni Bitch bezy sa loob ng Canteen. Wala sila Lucy at Faye may lakad daw silang dalawa. Si Maezy at Phoebecate kasama si Ate Heira. Tulad ng dati kaming dalawa lang ni Bitchy Bezy ang magkasama. Kahit nakakasawa na ang pagmumukha niya. Wala akong magawa Wala talaga!

Sinisim ni Shin ang ininom niyang softdrink bago tumingin sakin. "Ano bang pinaglalaban mo? Wala namang kwenta ang prize e," Ngumiti pa si Shin.

"Wala nga pero yung title na panalo dapat sa kanila 'yon napunta. Puro naman mali-mali step nila. Hindi pa sabay-sabay nahulugan pa sila ng wig. Tapos sila pa ang champion? It's Unfair."

Umikot ang mata ni Shin. Halata mo kasing napipikon na siya sa sinasabi ko sa kanya. "Bitchy bezy. Ayokong masira ang beauty ko sa kalokohan mo ha! Tigil! Tigilan mo ako baka sabunutan kita." Pagtataray pa nito.

Kung hindi ko lang kilala ang ugali ni Shin. Baka kanina ko pa ito kinalbo. I rolled my eyes. "Wag mo nga akong pakialam! Gusto kong sabihin ang saloobin ko. Bakit ba!"

Huminto si Shin sa pagnguya niya ng pagkain. "Mag welga ka! Ipaglaban mo ang karapatan nyo! I-broadcast mo! Magdala ka ng megaphone! Go! Push!"

"Haha! Nakakatawa Bitchy Bezy!" Sabay irap ko sa kanya. Pagkatapos tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Hindi kasi matinong kausap si Shin Lorraine. Baka mag-away lang kaming dalawa.

"Ahmm.. Bitchy Bezy, paano kung bigla kang yayain ni Clarence Miguel na magpakasal?"

Tumingin ako sa kanya. "Syempre matutuwa ako."

"Papayag ka ba?"

"Ofcourse yes! Magpapakipot pa ba ako? Matagal ko ng pangarap 'yon."

"Hindi ka man lang magpapakipot?"

"Hindi na Bitchy bezy." Tumingin pa ako sa kanya. Tapos sumimangot ako. "Mukhang malabong mangyaring yayain ako non. May obligasyon na siya sa Mafia."

"Diba? Nandyan na si Tito Teo. Siya na ulit ang Mafia Boss. So malaya na ulit si Clarence Miguel."

"Tss! Ewan ko. Basta i-enjoy ko na lang kung anong meron samin ngayon. Hindi ko pa 'yan iniisip isa pa. Wala naman yatang balak mag propose sakin si Mine mukhang tutuparin niya ang Five years."

"Baka maunahan pa kitang mag-asawa."

Nanlaki ang  mata kong tumitig sa kanya. "Wag mong sabihin? Oh! My Gosh! Really!!"

Itinaas pa niya ang kamay niyang may engagement ring. After two years magiging Perez na din ako." Ngumiti pa siya. Bakas sa mukha nito ang kaligayahan.

"Humanda sakin yang si Matt Xander! Nagpropose sayo ng hindi ko man lang alam."

"Nasa loob ka ng bilanguan noon. Kaya hindi mo nakita. May video kami nasa Cellphone ni Zach."

"Bilanguan? Hindi 'yon bilanguan. Heaven 'yon." Tinutukoy kasi niya ang pagsali ko sa Mafia.

"Whatever! Basta ako engage na. Ikaw hindi." Ngumisi-ngisi pa ito.
Habang pinagyayabang sakin ang engagement ring niya.

"Tss! pakasaya Bitchy bezy. Maghihiwalay din kayo sa twenty three."

"Ang bitter mo! Kung gusto mo Ikaw na lang ang magpropose kay Clarence Miguel para naman unique. For sure magiging trending kayo." Sabay tawa niya.

"Sige inisin mo pa ako Shin Lorraine. May kalalagyan ka sakin!"

Pero sa halip na matakot siya sa sinabi ko. Mas natuwa pa siya. Kung sabagay Lady Master nga pala ang kaharap ko hindi ordinaryong tao na madaling matakot. Sa sobrang inis ko binitbit ko ang bag ko at tumayo ako. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon