Matt Xander and Shin Lorraine (1COL)

54.2K 2.1K 122
                                    

Shin Lorraine’s POV

DAHAN-DAHAN kong binubuksan ang pintuan ng mansion. Pasado alas onse na ng gabi at hindi na ako pinapayagang lumabas ni Daddy at Mommy. Alam nyo na nag-iisa lang akong girl sa angkan ng mga Sy. Kaya naman over protective sila sakin. Ang hindi nila alam isa akong Female leader gangster ng Sikat at kilalang school ng SPIA ako si Lady Master Shin Lorraine. Sinikap kong ipasok ang katawan ko sa maliit na awang ng pintuan. Upang makalabas ako.

“Yes! I’m free! Ang galing ko talaga!” Tumalon-talo pa ako sa tuwa. Agad kong pinuntahan ang kotse ko. Ngunit ng malapit na ako sa kinaroroonan ng kotse ko. Bigla akong huminto ng makita ko si Lola. Nakasandal siya sa kotse ko habang nakacross Arm. Nang mapansin ako ni Lola ngumiti siya sakin.

“Lagot na!”

“Lorraine!” tawag sakin ni Lola.

Huminga muna ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob. “Bakit ba gising si Lola? Hindi ba siya uminom ng juice na nilagyan ko ng pampatulog?”

“Bakit po gising parin kayo hanggang ngayon Lola?”

Nag-uuyam na tumingin sakin si Lola ako naman yumuko ng magtama ang paningin namin. hindi ko kasi kayang makipagtitigan kay Lola lalo na kapag may ginawa akong kasalanan

“Why? Past eleven in the evening pa lang! Nagtataka ka ba? Bakit gising ako? Simple lang! Hindi ako uminom ng tinimpla mong juice kanina.”

Sabi ko na nga ba at hindi uminom si Lola kaya gising parin si Lola. Grabe! Ang hirap niyang linlangin. Kung sabagay sa baril at bala nga hindi mo siya kaya linlangin isang juice pa kaya? “Paano nyo po nalaman na may pampatulog akong nilagay do’n sa juice?”

Humalakhak si Lola. Sumimangot naman ako.

Ginulo niya ang buhok ko. "Marami ka pang dapat matutunan Apo."

“Lola, kailangan kong umalis ngayon. May pupuntahan kami ni Jhoace.”

“Sama ako apo.”

Sumimangot ako. “Lola naman! Mamaya sa Disco bar kami pumunta tapos isasama pa kita. No way! baka rayumahin ka pa.”

“Masyado mo naman yatang minamaliit ang kakayahan ko Lady Master.”

Namutla ako dahil sa narinig ko mula kay Lola. Ibig sabihin alam niya na ang tinatago kong sekreto sa kanila. “Lola wag nyo po sanang sabihin kay Mommy ay Daddy ang tungkol doon.”

“Lorraine, hindi kita isusumbong pero sana mag-iingat ka palagi.”

Tumango ako. “Opo!”

“Ibibigay ko pala sayo ito. Paborito kong baril yan. Nakikita ko kasing ikaw ang magmamana sakin.” Nakangiti pa siya ng iabot sakin ang Baril niya.

Nanlaki ang mata ko. Parang noon. Nakikita ko lang itong naka display sa silid ni Lola. Ngayon hawak-hawak ko na. Si Lola kasi hilig niyang mag collect ng iba’t-ibang baril sa ibang bansa.

“Lola, Talaga po ba na sakin na ito?”

“Ayaw mo ba? Ibibigay ko yan sa kuya mo.”

“No way! Akin na ‘to. Thank you Lola.” Lumapit ako sa kanya upang yumakap at humalik sa pisngi niya.

“Sige na mag-iingat ka ha!”

“Thank you po Lola. Matulog na po kayo.” Akala ko talaga pipigilan ako ni Lola na umalis. Mabilis ang naging pagpapatakbo ko sa kotse pag ganito kasing oras. Walang masyadong sasakyan sa kalsada. Ilang minuto pa ang lumipas narinig kong tunog nang tunog ang cellphone ko. Agad kong yong sinagot.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon