Chapter 30

68.6K 2.2K 177
                                    


Jhoace/Bhella's POV

"Shin, nakita mo ba si Clarence Miguel? Kanina ko pa siya hihanap hindi ko siya makita." Tanong ko kay Shin habang nasa loob kami ng classroom namin. Hindi kami pwedeng lumabas dahil may isa pang professor ang magtuturo samin.

Tumingin siya sakin. "Alam mo Bitchy Bezy nararamdam ko malapit ng bumalik ang alaala mo. Hinahanap mo kasi si Clarence Miguel eh. Ganyan ka noon. Habol ng habol kay Clarence Miguel. Kulang na lang kahit sa loob ng banyo sundan mo siya."

Inirapan ko siya. "Grabe! Ang OA mo naman ha! Ganyan ba ako dati bitchy bezy! If i know ganyan din ang ginagawa mo kay Matt Xander. Habol ka din nang habol na parang may tae sa pwet si Matt."

Sa sobrang inis ni Shin. Hinampas niya ako sa braso ko. "Ouch!! Masakit na yon ha! Ingungudngod ko yang mukha mo sa desk mo!"

Imbes na magalit sakin si Shin. Tinitigan niya ako ng matagal. Nailang naman ako sa ginawa niya. "What's wrong? Masyado ba akong maganda at pati ikaw nagiging lesbian na sa kagandahan ko?" Nakataas pa ang kilay ko ng sabihin ko yon.

"Yan! Ganyang-ganyan ka dati! Ganyan kakapal ang pagmumukha mo! Unti-unti ng bumabalik ang alaala mo. Or baka naman bumalik na ayaw mo lang aminin sakin Bitchy Bezy!"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakalimutan kong nagpapanggap pa pala ako. Hindi ko tuloy nakontrol ang sarili ko. Nailabas ko tuloy ang Jhoace Attitude.

"Ewan ko nga sayo Shin! Kay Lucy ay Faye na lang ako magtatanong ang gulo mo kausap."

"Yan! Isa pa yang si Lucy at Faye. Sinapian yata ng anghel sa katawan nila. Abah! Bumait na sila nagka amnesia at bumait ka lang. Iniisip ko tuloy kung uso talaga ngayon ang amnesia. Nakakahawa eh."

"Ayaw mo ba non? Tahimik ang grupo nyo? Wala kang kaaway friends na tayo. Ayaw mo non! May tinatagong kabaitan naman sila kaya wag ka ngang kumontra nagiging masama ka sa paningin ko Shin."

Inirapan nya ako. "Tse! Yabang nito kapag nakaalala kana. Mas malala ka pa sakin."

Magsasalita pa sana ako ng makita kong paparating na ang professor naming magtuturo samin. Kung noon habang nagtuturo ang professor namin hindi ako nakikinig. Ngayon sinisikap kong ipasok ang lahat ng tinuturo nila dahil hindi naman pala nakakaboring ang makinig sa tinuturo nila. Kailangan mo lang isipin na dapat may matutunan ka. Dahil hindi naman ang professor namin ang mahihirap sa huli. Kami lang din naman dahil sila kahit walang makinig sa kanila sumusweldo sila. Kami nagbabayad ang magulang namin at kapag hindi kami nagsipag sa pag-aaral mawawalan ng saysay ang pinaghirapan ng magulang namin. Yon ang natutunan ko bilang si Bhella. Ang pahalagahan ang pag-aaral na hindi ginawa ni Jhoace ng dating Ako.

"Jhoace!"

Bigla akong napalingon sa pagtawag sakin. Paglingon ko nakangising si Shin ang tumatawag sakin. "Lumingon ka ng tawagin kitang Jhoace. Sabihin mo nga nakakaalala ka na ba?" Nakipagtitigan pa siya sakin.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi noh! Nasanay lang akong tinatawag akong Jhoace. Sila Mommy Ally kasi palagi akong tinatawag na Jhoace.

"Sure ka?" Nakataas pa ang kilay niyang tanong sakin.

Tumango-tango ako sa kanya. "Uuwi kana ba? Sabay na tayo Shin."

"Hindi pa ako uuwi. Kanina pa kita hinahanap. Alam ko na kasi kung nasaan si Clarence Miguel." Ngumiti pa siya sakin.

"Talaga nasaan siya?" Tanong ko sa kanya.

"Pilitin mo muna ako Bhella!"

"Sige na please Shin." Pakiusap kong sagot. Kahit na nga gustong-gusto kong hilahin ang buhok niya dahil sa pambibitin niya sakin. Ayoko lang gawin yon dahil ayokong mabuking ako ni Shin. Walang pwedeng makaalam na nakabalik na ako sa dati.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon