Yurielainne's POV
"Mommy?"
Ngumiti ako kay Clarence Miguel. "Goodmorning baby Clarence. Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko sa kanya nang magising siya.
Bumangon siya sa pagkakahiga. "Mommy! Anong ginagawa nyo dito sa kwarto ko?"
"Pinagmasdan kong matulog ang baby ko."
Sumimangot si Clarence sakin. Alam ko naman kasing ayaw niyang tinatawag ko siyang Baby. Masyado na daw siya matanda para tawagin sa ganoong tawag.
"Mommy hindi na ako bata!"
"Basta Baby parin tawag ko sayo anuman ang mangyari." Ngumiti pa ako sa kanya.
"Mommy talaga! Lumabas na po tayo at kumain na tayo ng almusal Mommy. Siguradong hinahanap kana ni Daddy."
Tumango ako at pagkatapos sabay kaming lumabas ng silid. Pagdating namin sa kusina. Abalang-abala si Teo sa paghanda ng mga pagkain. Maaga kasi itong nagising kanina para magluto ng almusal.
"Goodmorning Daddy!"
"Goodmorning Clarence Miguel!" Lumapit siya sakin. "Goodmorning Honey!" Sabay halik niya sakin sa pisngi.
"Morning Honey!"
Hinila niya ako palapit sa lamesa. "Let's go! Nagluto ako ng masasarap na pagkain."
"Daddy! Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon." Sabad pa ni Clarence Miguel.
Habang nasa harap kami ng hapagkainan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Akala ko kasi hindi na darating ang araw na ganito ang magkasama kaming tatlong kumakain sa hapag kainan.
"Honey, sa sunday pala natin gaganapin ang birthday mo. Kaya ngayon mag-aasikaso ako para sa gaganapin na birthday party mo."
Huminto ako sa pagkain at humarap sa kanya. "Honey, kahapon pa ang birthday ko. At lahat ng mga miracle na nangyari satin kahapon ay isang napakamalaking regalo na sakin ni God. Kaya hindi na ako maghahanda para sa birthday ko. Sapat na sakin yung makita ko kayong buhay at kasama ko kayo ngayon sa pagkain."
"Mommy! Pagbigyan mo na si Daddy! Minsan lang naman ito. Isa pa Mommy. Dapat talagang mag celebrate tayo kasi tapos na ang gulo sa pamilya natin." Sabad ni Clarence Miguel.
"Tama si Clarence Miguel Honey. Tinawagan pala ako ni Ally kanina. Pupunta siya dito kasama sila Mhady at Bernadette. Dadalawin ka Matagal-tagal na daw silang hindi nakakarating dito. Kaya darating sila mamaya."
"Kailangan po pa lang maghanda ng pagkain mamaya Daddy."
"Oo Clarence Miguel. Sabihan mo na lang kay Manang mamaya na maghanda ng pagkain. Aalis kasi ako ngayon makikipagkita ako sa mga Tito mo."
"Honey, diba? Kapapanganak pa lang nila Bernadette at Angelika? Baka mapagod sila. Ako na lang kaya ang pupunta sa kanila."
"Buwan na ang lumipas Honey ng manganak sila. Isa pa hindi yon papayagan ng mga Chipmucks kung hindi sila pwede pang lumabas-labas."
Palihim na lang akong napangiti sa sinabi ni Teo. Hanggang ngayon kasi hindi parin nagbabago ang tawag niya sa dating limang casanova ng SPIA. Chipmucks parin.
"Sige na nga!" Sagot ko.
"Isa pa Honey. Para narin nating reunion itong gaganapin na birthday party mo sa Sunday. Matagal-tagal na din ang huli nating bonding sa kanila." Sabi pa ni Teo.
"Sabagay! Matagal na nga yung huling bonding natin."
"Siguradong magiging masaya ang birthday mo Mommy." Nakangiting sagot ni Clarence Miguel.
![](https://img.wattpad.com/cover/77060489-288-k781803.jpg)
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Fiksi RemajaQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...