Jhoace/ Bhella's POVPATINGIN-TINGIN ako sa gwapong lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung dala lang ng gamot na tinurok sakin nung nagkasakit ako kaya lahat ng makita ko ay May hawig sakin at. Ngayon ay kamukha ko naman. Lumapit ako sa kanya habang nakatingin siya sakin. Hinawakan ko ang mukha niya at pinisil ko pa.
"Arouch!! Jhoace Stop it!" Sigaw niya sakin.
Napaatras ako. Tinawag na naman kasi niya akong Jhoace. Bakit ba palagi nila akong tinatawag na Jhoace? Tsk!
"John Ace!" Sabad ni Mommy Allyson sa kanya.
Bumuntong-hininga siya sakin. "Fine Bhella! Let's go mahuhuli na tayo sa klase." Pagkatapos tumalikod na siya sakin.
Umingos ako. "Nakakinis naman yong kamukha ko napakasunget." Pabulong-bulong ko pa habang nakasunod ako sa kanya.
"Hoy! JOHN ACE! Dahan-dahan naman sa paglalakad!" Inis kong sigaw sa kanya. Ang hirap kayang maglakad ng nakasapatos na may takong.
Huminto siya at nakakunot ang noong nakatingin sakin. "Anong nangyari bakit parang hindi ka na sanay magsuot ng sapatos? Look at yourself? Ang baduy mong maglakad!" Ngumisi pa siya sakin.
"That bullshit Brother!" Sabi ng isip ko. Ngunit napahinto naman ako dahil sa naging takbo ng isip. Lumapit ako sa kanya at matalim akong tumingin sa kanya. "JOHN ACE! ANG HIRAP MAGLAKAD NG MAY MATAAS ANG TAKONG!! KUHA MO?!" Nakataas pa ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Ngunit sa halip na mainis siya sakin tumawa pa siya ng malakas na mas lalong kinainis ko. Lumapit siya sakin at yumuko siya sakin at pinagmasdan niya. "I'm happy kasi unti-unting bumabalik ang dating ikaw my Twin." Pagkatapos tumalikod siya sakin at nagderetso sa kotse.
"Twin?" Ulit ko pa sa sinabi niya. Parang may lukso ng dugo akong. Naramdaman sa kanya. Hindi ko kayang ipaliwanag sa ngayon.
"Bhella! Bilisan mo na papasok na tayo sa School. Baka malate pa tayo!" Tawag pa niya sakin.
"Okay po!" Sagot ko sa kanya. Pagkatapos sumunod ako sa kanya.
SPIA malakas ang naririnig kong hiyawan ng huminto ang kotseng sinakyan namin. Naririnig ko mula sa labas ang tilian ng mga babae. Tinatawag nila ang pangalan ni John Ace. Ilang beses ko tuloy siyang pinagmasdan. Hanggang sa hindi na ako nakatiis tinanong ko siya bago kami lumabas ng kotse. "Artista ka ba John Ace?" Tanong ko sa kanya
Saglit niya akong tinitigan pagkatapos bumunghalit siya ng tawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang walang tigil ang pagtawa niya sakin. Inis na inis tuloy ako sa kanya. "What's Funny?"
Umiling siys sakin. "Nothing! I can't expected na maririnig ko ang mga salitang yan mula sayo Twin. Kung may masamang epekto sayo ang pagkawala ng alaala mo. May maganda din pa lang naidudulot sayo." Ngumiti pa siya sakin.
"Wala akong maintindihan sa lahat ng sinabi mo John Ace!"
"Wag mo nga akong tawaging John Ace. Matanda ako sayo. Call me Kuya John Ace."
Bigla naman akong umiwas ng tingin. Napahiya kasi ako sa sinabi niya. Bakit nga ba Tinatawag ko lang siya sa first name niya bukod kasi sa Anak siya ni Mommy Allyson matanda din siya sakin. "I'm sorry po Kuya John Ace." Sabi ko sa mahina kong boses. Nauna siyang lumabas ng kotse. At hindi ako nagkamali halos kulang na lang bigyan ng sampaguita si Kuya John Ace ng mga babaeng nag-aabang sa kanya. "Twin labas na dyan!" Sabi niya sakin. Hindi ko na lang tinama sa kanya ang pagtawag sakin ng Twin. Iniisip ko kasi baka ganun talaga ang tawag niya sakin noon. Tumango ako sa kanya tapos lumabas na ako ng kotse.
"Oh—My—Gost?! It's that Jhoace? Akala ko ba patay na si Jhoace?" Narinig kong bulung-bulungan ng mga babaeng nakaabang samin.
"Jhoace My Wife buhay ka!" May isang lalaking humawak sa braso ko. Yayakapin niya sana ako kung hindi lang siya biglang sinuntok ng isang lalaking dumaan.

BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Novela JuvenilQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...