Faye's P.O.VINALIS ko ang shades ko nang nasa tapat ako ng puntod ng Lolo at Lola ko. Ilang taon na ang lumipas ng pareho silang pumanaw sa mundong ibabaw. Nagu-guilty ako dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makasama sila. Si Mommy kasi nagtanim ng sama ng loob sa magulang niya kaya naman hindi man lang namin sila nakasama ng matagal. Huli na bago namin nalaman ang kahalagahan nila. Araw-araw pumupunta si Mommy sa puntod nila Lola at Lolo upang humingi ng tawad at kahit papaano makabawi sa kanila na dapat sana ginawa ni Mommy noong nabubuhay pa sila Lolo at Lola talagang nasa huli ang pagsisi. Ako naman dumadalaw kapag walang pasok sa school.
"Girl, ilang oras pa ba tayo nilalamig na ako dito. Tumatayo na ang balahibo." Ani Lucy.
Si Lucy ang pinakaclosed ko sa lahat siguro dahil pareho kami ng pag-uugali. Naging tanga sa pagmamahal. Pinaasa namin ang sarili namin sa wala. Gumawa pa kami ng i-kakasira ng buhay namin noon. Mabuti na lang at nagising kami sa katotohanan na hindi pwedeng ipilit ang pagmamahal. Hindi mo pwedeng pasunurin sa gusto mo at lalong hindi mo pwedeng turuan na mahalin ka tulad ng nararamdaman mo. Sa kabila ng lahat nagpapasalamat din ako kay Jhoace Ramirez Santiago. Ang upgraded maldita ng School namin. Dahil kung hindi dahil sa kaniya hindi kami magigising sa katangahan namin. Si Shin Lorraine na Besfriend at si Jhoace ang dahilan bakit kami masaya ngayon. Ilang sampal at suntok at masasakit na salita ang pinaranas sa'min ng magbesfriend na iyon kaya siguro nagising kami. Salamat din at tinanggap nila kami bilang kaibigan nila at ngayon masaya na kami ngayon ni Lucy kahit wala kaming Lovelife. Humingi na ako ng tawad kay John Ace at Heira sa mga kasalanan ko. Natanggap ko na hindi kami pwede ni John Ace.
Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kaniya. "Baka may katabi ka kaya nga nilalamig. Ako nga sobrang naiinitan."
Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya. "S-shut up! Hindi ako natutuwa sa'yo!"
Palihim akong nagdiwang sa wakas nakaganti din ako kay Lucy. Noong isang araw kasi tinakot din niya ako.
"Ayaw mong maniwala. Si Lolo at Lola pa naman ang sabi sa'kin ni Mommy kapag may dumadalaw daw sa kanila nagpapakita sila. Pero dahil wala ka namang third eye. Mararamdaman mo lang iyon."
Nagulat na lang ako ng sumiksik si Lucy sa'kin gusto kong humalakhak ng sobrang lakas. Kaya lang ayokong mahalata niyang gino-good time ko lang siya. "Ano ba Lucy! Wag ka ngang pumulupot sa'kin hindi tayo talo!"
"Umuwi na tayo! Hindi na talaga ako sasama sa'yo dito!"
"Sige na nga uuwi na tayo. Lolo at Lola uuwi na po kami ni Lucy wag ninyo na po siyang takutin baka po umihi siya sa underwear niya." Binaling ko ang tingin kay Lucy putlang-putla siya. "Girl, magpaalam ka na kay Lolo at Lola. Para hindi ka nila sundan sa bahay ninyo."
"P-paalam po. Wag ninyo po akong sundan sa bahay please!" Sabi pa niya.
"Oo na daw! Lucy salamat daw sabi nila."
Kitang-kita ko ang butil ng pawis na tumutulo sa gilid ng mukha niya dahil sa sobrang takot. "H-hindi nga? Sinabi nila iyon?"
Tumango ako. "Hindi ko sila nakikita pero bumulong sila sa'kin kaya nalaman ko sinabi nila."
Tinakpan ni Lucy ang tenga niya. "O-Oh my gosh! Bilisan na natin Faye!"
"Okay let's go!" Tapos umalis na kaming dalawa. Pagkalapat pa lang ng pwet ko sa upuan ng kotse niya. Pinaharurut na niya palayo sa Sementeryo ang kotse niya. Binagalan lang niya ng makalayo na kami.
"Hindi na kita sasamahan sa pagdalaw sa Lolo at Lola mo ang creepy."
"Masyado kang matatakutin. Ang katakutan mo yung buhay hindi multo. Kasi ang mga patay hindi ka nila kayang saktan. Ang buhay kayang-kaya ka nilang saktan at patayin." Sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...