Chapter 16

73.2K 2.4K 125
                                    


Jhoace's POV

DAHAN-DAHAN kong ipinikit ang mga mata ko. Habang nagsasalita sa unahan ang professor namin. Eksaktong ala-una na kasi ng hapon at yan ang ang isa sa mga oras na boring at nakakaantok para sakin. Sabayan mo pa ang tulog kong halos dalawang oras na lang dahil sa pangungulit sa'kin ni Clarence Miguel. Mula kasi ng bumalik siya. Hindi na siya lumayo sa tabi ko. Palagi siyang nakabuntot sa'kin. Kulang na lang pati sa pagtulog ko tumabi siya. Kaya naman mas lalong dumadagdag ang inis ko sa kanya. Nag-uumpisa naman siyang ligawan ako. Paibigan tapos kapag nagpa-uto ako. Iiwan naman niya ako. Ayokong mangyari yon. Kaya naman hanggat maari iiniwasan ko siya.

"Hoy Bitchy Bezy!!" Marahan pa akong tinulak ni Shin.

"ANO BA?! NATUTULOG ANG TAO EH."

Pinandilatan niya ako ng mata. "Wow! Napakahuwarang mag-aaral ka! Ginawa mong kwarto tong classroom. Mahiya ka nga nasa Academy ka. Wala ka sa mansion nyo."

Pasimple kong sinipat ang tingin ng buong paligid ko. At napagtanto kong nasa loob nga ako ng Classroom namin. Akala ko kasi nasa loob ako ng kwarto ko. Inangat ko ang mukha ko at umayos ako sa pagkakaupo at muli kong tinuon ang pansin sa professor naming hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi.

"Ma'm si Jhoace po!" Narinig kong sabi ng Classmate kong lalaki sa likuran ko. Nilingon ko siya at tinitigan ng matalim. "Mahal mo pa ba buhay mo?! Alam mong hindi ako nakikinig. Ikaw ang sumagot sa tanong ni Ma'am." Sabi ko sa mahinang boses.

"Huh? Anong pinagsasabi mo Queen?" Sagot niya sa'kin.

"Tss! Mas mahina pala ang utak mo kesa sa'kin eh, Haist! Slow!" I rolled my eyes.

"Miss Jhoace Santiago!" Tawag sa'kin ng professor namin.

Nagmadali akong tumayo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang sumagot sa recitation na hindi mo alam ang sagot.

"Y-yes Ma'am?" Tanong ko.

"Pumapayag ka na ba?"

"Po?"

"Haist! Hindi ka kasi nakikinig."

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Pailalim ko pang tinitigan ang mga classmate ko ng dahil kitang-kita ko ang pagpipigil nila sa tawa nila.

"Ikaw ang napili ng mga classmate mong lumaban ng sayaw sa Susunod na buwan."

"No way! Hindi po ako papayag! Ayoko po Ma'am." Pailing-iling pa ako sa kanya. Habang mariin pagtanggi ko sa kanya.

"Pero ikaw ang napili nila. Isama mo si Shin Lorraine Sy at ang tatlo mo pang Classmate."

"No way Ma'am! Hindi nyo po ako mapapasayaw dyan!"

Nakita kong huminga ng malalim ang professor namin tanda ng pagsuko. "Sige, maghahanap kami ng pwedeng ipalit sayo Jhoace."

"Thank you po Ma'am." Pagkatapos no'n hindi na nila kinulit  hanggang sa matapos ang maghapon.

Papalabas na kaming dalawa ni Shin Lorraine ng makita namin ang grupo ni Lucy, at Faye Erika. Huminto sila sa harapn namin at nagcross arm at nakataas ang kilay nila.

"Tingnan mo nga naman guys! Nakasalubong natin ang kutong lupa. Makakati diba guys!" Sabay tawa pa ni Lucy.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Shin. Tapos automatikong tumaas ang kilay ko ng nakipagtitigan ako sa kanya. "Kutong lupa your Face! Magaling na ba ang black eye mo? Kaya gusto mo ulit ulitin ko!"

"Psh! Hindi na mangyayari yon. Oo nga pala nabalitaan ko tumanggi ka daw na sumayaw." Tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Bago siya nagsalita. "Mabuti naman at tumanggi ka! Kasi baka ilampaso namin kayo." Nakangisi pa siyang ngumiti sa'kin.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon