Chapter 5

84.2K 2.8K 170
                                        

Jhoace's POV

"Hoy Bitchy Bezy!"

"Bitchy Bezy! Ano ba?!"

Isang malakas na Hampas sa balikat ang tumama sakin. Kaya bigla akong napatayo. "Yes Sir!" Sambit ko pa.

Salubong ang kilay ng professor namin habang nakapameywang pa siyang nakatingin sakin. "ARE YOU WITH US? Miss Santiago?"

"Po?" Tapos pinagmasdan ko ang paligid ko. Napansin kong sakin lahat nakatingin ang mga kaklase ko ang iba ay nagpipigil na tumawa. Muli kong binaling ang tingin sa Professor namin. "I'm sorry Sir," Tapos tinaasan ko ng kilay ang mga Estudyante bago ako umupo.

"I hate you Bitchy Bezy!" Inis kong sabi kay Shin,

"Bakit naman kasi Tulala ka? Ano bang Sininghot mo kagabi at ganyan ang kinikilos mo?" Nakangiti pa niyang tanong sakin.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang masayang alaala na nangyari saming dalawa ni Clarence Miguel. Parang isa sa mga panaginip ko ang nagkatoto. Hanggang ngayon hindi parin ako maka move on. Kinikilig talaga ko. "Bitchy Bezy, he kissed me!" Sabi ko sa mahinang boses. Baka kasi marinig kami ng Professor namin. Pagalitan kami.

"Okay!" tipid niyang sagot sakin.

"Wala ka bang ibang sasabihin bitchy Bezy?" tanong ko sa kanya.

Sa halip na sagutin niya ako. Sinulat na lang niya ang pinapasulat ng professor namin na nasa board. Sa inis ko sa kanya. Inagaw ko sa kanya ang ballpen niyang hawak.

"Ano ba?!" Inis niyang sabi sakin. Habang nakasimangot sakin.

"Bakit ba badtrip ka! Ano bang sinabi ko na kinagagalit mo?!"

Pinaikot pa niya ang eyeball niya ng humarap sakin. "Naiinis ako sa katangahan mo Jhoace! Sa pagiging adik mo sa katangahan. Pwedeng-pwede kang iparehab. Kaya lang walang gamot sa tanga eh, sinasabi ko sayo Jhoace. Tigilan mo na yang kaka-Fantasya mo kay Clarence Miguel."

"But he kissed me Bitch Bezy!" sagot ko pa.

"Ay TANGA! Hindi ka niya hinalikan dahil gusto niya. Hinalikan ka kasi inutos mo. Ikaw lang ang may gusto. Wag kang masyadong assumera. Sayang ang pagiging Queen of Goddess mo!"

Kung hindi ko lang Bestfriend si Shin. Baka kanina ko pa nailampaso ang mukha niya sa tiles na sahig ng classroom namin. Ang sasakit kaya ng pinagsasabi niya tagos sa puso.

"Maging masaya ka na lang para sakin Shin." Sagot ko. Sinadya ko ding tawagin siya sa pangalan niya. Kanina kasi tinawag niya ako sa pangalan ko.

"I won't promise Jhoace." Tapos tumalikod na siya sakin. Ako naman sinadya kong makinig sa tinuturo ng professor namin kahit na nga antok na antok ako sa tinuturo niya. Hindi na ako pinansin ni Shin hanggang sa matapos ang klase. Hinayaan ko na lang siya. Ganyan talaga si Shin. Kapag may ayaw siya sa mga desisyon ko. Tumututol siya sakin tapos hindi na niya ako kinakausap. Katulad na lang ngayon. Mag-isa akong naglalakad patungo sa parking area ng school. Wala na si Shin Lorraine nauna na siyang umuwi sakin. Habang naglalakad ako napansin ko ang mga estudyante na tumatakbo papunta sa lumang bakanteng gym. Hinarang ko ang isang babae.

"Bakit ka tumatakbo na parang kabayo?"

"Queen, si Lucy kasi nagbalik na." habol pa ang hininga niyang sabi sakin.

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "So what? Bakit tumakbo ka! Kung sabagay mukha pala yong bruha. Kaya ka siguro tumatakbo tama?"

Umiling ang babae. "Si Lady Master kasi hinarang ng grupo ni Lucy. Mukhang siya ang pagtritripan ng grupo nila Lucy."

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon