Chapter 23

58.7K 2.1K 297
                                    


Teo's POV

EMERGENCY ROOM

TATLONG Doctor ang pumasok sa emergency room upang isalba ang buhay ng anak kong si Clarence Miguel. Punong-puno ng dugo ang damit ko dahil sa dugong nawala sa anak ko. May tama ng Baril ang dibdib, braso at Binti. Sunog ang pantalon niya sa kanang hita kaya may paso ang hita niya. Dumudugo din ang ulo niya marahil sa pagkakatilapon niya. Gulong-gulo ang isip ko dahil sa nangyari tapos si Jhoace patay na.

"Sana okay lang ang anak ko." Pabulong na sabi ni Yurielaine habang nasa labas kami ng emergency room kasama namin si Alfred na naghihintay doon.

"Don't worry malalagpasan yan ni Clarence Miguel." Sagot ni Alfred.

Sa sobrang tuliro ko. Tumayo ako at umalis palabas ng hospital.

"Honey!" Narinig kong sabi ng asawa ko ngunit hindi ko yon pinakinggan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa likod ng Hospital doon ko binuhos ang nararamdaman kong sakit.

"DAMN IT!!!!" Kasunod noon ay ang pagsuntok ko sa Pader ng Dingding ng Hospital room. Hindi ko ininda ang sakit dulot ng pagsuntok ko sa pader maging ang pag-agos ng dugo ko sa kamay ay hindi ko nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdam ko habang naiisip ko ang anak kong si Clarence Miguel na hinahabol ang paghinga. At nakikipaglaban sa kamatayan.

"STOP IT HONEY!!!" Sigaw sakin ng asawa kong si Yurielaine. Lumapit siya sakin. "Oh! Gosh dumudugo ang kamao mo. Let's go inside. Pagagamot natin yan!"

Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Leave me alone!!" Awtoridad kong utos sa kanya.

"TEO LUGEN!!!"

Nilingon ko ang asawa ko. At kitang-kita ko sa mukha niya ang galit. Ngunit kahit anong galit pa yata ang pakawalan niya. Hindi ako matitinag. Gusto kong mapag-isa. "I have to go!" Sabi ko sa kanya bago ako tumalikod. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng bigla akong batuhin. "OUCH!! sigaw ko. Tapos napansin ko sa harapan ko ang sapatos ng asawa ko na may mahaba at matulis na takong. Matalim kong binaling ang tingin ko sa kanya. WHAT FUCKIN COMES TO YOUR--? Ouch! HOLLY SHIT!!" Sigaw ko sa inis. Hindi ko na kasi nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil muli na namang binato sakin ang sapatos niya.

"Stupid!! Coward!" Galit na sabi sakin ng asawa ko. Hindi pa siya nakontento lumapit pa siya sakin at pinagsisipa at suntok niya ako. Mas masakit pa ang bugbog sakin ni Yurielainne kesa sa kamao kong dumudugo. Hinuli ko ang kamay niya upang pigilan ang pananakit niya sa'kin. Nang mahuli ko ang kamay niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm sorry Honey."

"Let me goo!!!"

"Honey..." Anas ko.

"ANO BANG AKALA MO BA IKAW LANG ANG NASASAKTAN HABANG NAKIKITA KO ANG ANAK NATIN NAHIHIRAPAN?!! TEO, MAS NASASAKTAN AKO DAHIL AKO ANG INA. MAS MASAKIT SAKING MAKITA SIYANG NAKIKIPAGLABAN KAY KAMATAYAN NGAYON!! TAPOS IKAW!!" Tinulak pa niya ako. "IKAW!! MAFIA BOSS KA! PERO DUWAG KA! FUCK SHIT KA!!"

Nanahimik ako. Ang bigat sa loob ko ang makita kong umiiyak ang asawa ko. Sa lahat ng taong ayokong makitang umiiyak yon ay ang asawa ko. Dahil pakiramdam ko hindi ako naging mabuting asawa sa kanya. Wala akong kwenta. "I'm sorry Honey. Hindi ko lang kayang tanggapin ang nangyari sa kanila si Jhoace..." Kusang tumulo ang luha ko ng bigla kong maalala si Jhoace.

"Si Jhoace.." Ulit niya. Tapos tumulo na ang luha niya. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutang dahil sa pagkawala ni Jhoace.

"Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari sa anak natin at kay Jhoace. Sana hindi sila nadamay sa gulo ng Mafia. Ako ang may kasalanan sa mga nangyari."

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon