Chapter 9: Will you be my babymaker?

34.1K 437 3
                                    

Elize's POV:

Lumanding ang eroplanong sinakyan ko patungo sa pilipinas at nakipag-unahan na ko sa paglabas.

Alas onse na pala ng gabi. Nasaan kaya ngayon si Megan? Naupo muna ako sa isang cafe sa airport at inilabas ang cp. Kailangan kong tawagan si Megan. Nanghihina pa din ang pakiramdam ko.

Ilang ring lang at sinagot na din niya ang tawag. Parang kagigising nga lang..

[hello best? O bat napatawag ka?]

Best... Sambit ko at napahikbi..

[teka! Whats wrong? Bakit ka umiiyak?]

Best sunduin mo naman ako dito oh! Nasa airport ako ngayon..

[airport!? Saan dito sa pinas!?] gulat niyang tanong.

Oo best kararating ko lang. Please puntahan mo ko dito..

[awkie pupunta ako diyan. Hintayin mo ko okay?] sambit niya at pinutol na ang tawag.

Nag-order ako ng kape para may pagkakaabalahan ako habang hinihintay si Megan.

Pinigilan kong mapaiyak dahil pinagtitinginan ako ng iba pang customer.

Inaliw ko na lang ang aking sarili sa paglalaro sa tasa ng kape.

Ilang saglit pa ay dumating din si Megan at palinga-linga pang pumasok sa cafe. Itinaas ko ang aking kamay para makuha ang kanyang atensyon. Agad naman siyang lumapit sa aking kinaroroonan. Tumayo ako at agad siyang niyakap.

"Best what wrong? Akala ko ba magtatagal ka pa doon?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Uwi muna tayo best.." sabi ko at binitbit ang maleta.

"Okay tara na.." sabi niya at sabay na kaming lumabas ng cafe...

Inuwi niya ko sa kanyang bahay dahil ayoko munang bumalik sa amin. Tiyak na uulanin lang ako ng tanong nina mama.

"Pahinga ka muna best. Bukas na natin pag-usapan yang problema mo okay?" sabi niya ng maihatid ako sa aking silid. Tumango ako kaya lumabas na din siya. Nagpalit lang ako ng damit at saka nahiga na.

Para akong may laban ng titigan sa kisami dahil mag-uumaga nalang ay di pa rin ako makatulog.

Naisip ko ang lahat ng nakita ko sa hongkong. Nakakadiri at nakakasuklam ang nangyari pero wala naman akong dapat ikagalit. Pareho lang naman kaming naggagamitan ni Andrew.

Ang ikinapagngitngit ko lang ay dapat sinabi niya agad. Ilang beses na ba niya akong niloko? Noong highschool napahiya ako dahil niligawan niya ako yun pala dahil pustahan lang ng barkada niya. Ngayon ito na naman. Nasasaktan ako at nasira pa ang pagkakaibigan namin.

Umaga na pero di pa rin ako nakatulog hanggang sa katukin ako ni Megan. Sinipat ko ang alarm clock sa tabi at nakita kong alas otso na pala ng umaga. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago bumangon at pagbuksan si Megan.

Nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin.

"Hi best good morning! Ngiti na diyan para mawala ang bad vibes!" masigla niyang sabi. Ngumiti naman ako ng konti.

"Halika na nga! Breakfast nalang tayo!" at hinila na ko palabas ng silid. Di man lang hinayaang makabihis man lang. Nagtataka tuloy ang mga katulong ng makita ako. Alam kasi nilang nasa hongkong ako.

Ipinaghanda naman kami agad ng makakain ni Aling Birang ang yaya ni Megan.

"Best kumain ka na! Di mo naman ginagalaw yang pagkain eh..!"

"Best akala ko okay na lahat. Tulad din pala ng dati." mahina kong sambit.

"Tell me.. Anong nangyari doon at agad kang umuwi?"

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon