Elize's POV:
Makalipas ang isang linggo ay natapos din ang ginagawa kong proposal para sa plano naming pag-eexpand ng bagong business. Ang pagpagawa ng port sa nabili naming property sa Visayas.
Minamadali pa nga ako ni mama sa pagpunta sa hongkong. Dapat daw eh honeymoon namin ngayon ni Andrew pero magkalayo kami.
Napaisip naman ako dun.. Oo nga naman, hindi ba siya interesado sa akin at agad siyang umalis? Nakapagtataka talaga..
Niligpit ko na ang gamit ko at lumabas na ng opisina. Tinawagan ko agad si Megan at inayang magshopping.
"Best, magshopping tayo."
[Sure! Sige papunta na ko..]
K. Kita nalang tayo papunta na din ako.
Nakarating ako sa MOA at hinintay ko sandali si Megan sa may parking area. Nakasandal ako sa aking kotse habang nakikinig ng music sa aking iphone.
Nakuha naman ang atensyon ko sa isang silver lamborghini na pumarada sa harapan ko at katabi ng sasakyan ko.
Nagulat pa ko ng bumaba si Micheal sa kotse. Nagkatinginan pa kami sandali. Ngingitian ko sana siya subalit iniwas niya agad ang kanyang tingin at pinagbuksan ang sinumang kasama niya.
Bumaba ang isang seksing babae at parang pamilyar sa akin. Agad nitong ikinawit ang kamay sa braso ni Micheal at umalis na sila.
Habang papalayo sila ay parang may punyal na tumarak sa aking dibdib habang nakatingin sa kanila.
Masakit. Pero hindi ako dapat nasasaktan. Ako ang nang-iwan at nag-asawa.
Maya-maya pa ay dumating na din si Megan.
"Best sorry natagalan ako. Traffic kasi eh!'
Huminga ako ng malalim bago ngumiti at inakay na si Megan papasok ng mall.
"Halika na best!"
"Whats wrong? May problema ba?"
"A-ah wala best.."
Pumasok na kami sa mall at nagshopping to the max. Nang mapagod ay nag-aya na si Megan na kumain.
Pumasok kami sa isang italian restaurant at pumwesto sa may glass window.
Nagulat ako ng niyugyog ako bigla ni Megan at may ininguso sa akin. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro niya at nakita ko si Micheal at ang kasama niyang babae.
Muling nanumbalik ang sakit sa aking puso at napayuko ako. Ginagap naman ni Megan ang aking kamay.
"Okay lang yan best, makakalimutan mo din siya." mahinang sabi niya. Tumulo ang luha ko ngunit mabilis ko itong pinahid.
"Kasalanan ko naman best eh. Nagconfess na siya sa akin pero pinagpatuloy ko pa din ang pagpakasal kay Andrew." sambit ko.
"Dapat magfucos ka na ngayon sa pagbubuntis para matupad na yung hiling ni lola beatrize.."
"Thanks best.. Dahil nandiyan ka palagi.."
"Hay naku! Wag na nga natin yang bigyan ng pansin. Tara nood na tayo ng sine!" masiglang sabi ni Megan at hinatak na ko palabas.
Micheal's POV:
Sinamahan ko si Janice sa mall gaya ng sabi ni mama. Hindi ko inasahang makikita ko dun si Elize.
Sakto pang pagbaba ko ng kotse ay nakatayo siya sa tabi. Nanumbalik tuloy sa akin ang sakit na pilit kong kinakalimutan.
Halos lunurin ko ng alak ang aking sarili nang malaman kong ikinasal sila.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
Fiksi UmumCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...