Chapter 28: Can't Hide the Truth Forever

18.7K 241 2
                                    

Micheal's POV:

Naging mabuting asawa naman si Janice sa akin sa kabila ng pagiging cold at in distant ko sa kanya.

Pinagsilbihan niya ako sa lahat ng pangangailangan ko at sa loob ng tatlong linggo naming pananatili sa islang iyon ay di ko man lang naramdaman ang pagkabagot.

Ipinakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Tila tuloy nanghihinayang ako na wala akong nararamdaman sa kanya kahit na katiting.

Kahit kasi anong pilit kong maalal ang pagsasama namin na umabot daw ng limang taon ay di ko lubos maisip na minahal ko siya.

At madalas sa pagtulog ko ay ibang babae pa ang napapanaginipan kong kasama ko at masayang kaulayaw.

Pakiramdam ko ay parte talaga ng buhay ko ang babaeng iyon subalit di ko lang maderetso ng tanong si Janice at baka masaktan ko siya.

"Hon, anong iniisip mo?" tanong ni Janice ng makalapit. Umupo ito sa aking tabi at akmang yayakap sa akin subalit pasimple akong umiwas.

Pakiramdam ko kasi ay di ako dapat yumayakap sa kanya.

"Wala naman.. Gusto ko lang sanang makarating doon sa bayan. Baka sakaling may maalala ako." sagot ko at palihim ko siyang pinagmasdan.

Nakita ko ang pagtikom ng kanyang bibig pansumandali pero agad na nagbalik sa dati ang kanyang mood.

"Hon, bakit pa. Ikaw na rin naman ang nagsabi dati na ayaw mo sa lungsod. Gusto mo rito dahil tahimik.." mahabang saad niya.

"Dati siguro, pero gusto kong maalala ang mga nakalimutan ko. Siguro may doktor na makakatulong sa akin upang mapadali ang pagbabalik ng memorya ko.." ako at muli ay tiningnan ko siya.

Tila namutla si Janice sa plano ko.

Pakiramdam ko talaga ay may itinatago siya.

"O sige.. Kung gusto mo talaga magpakonsulta sasamahan kita sa bayan." pagkuway sabi niya.

"Salamat Janice.." ako.

"Wala yun. Tara kain na tayo!" yaya niya at hinila na ako papuntang kusina.

Alam kong kahit nakangiti siya ay may kaba sa kanyang dibdib. Nararamdaman ko ang tensyon niya.

Maaga kaming nagpahinga dahil sabi niya ay maagang darating ang lantsang sasakyan namin.

Kinabukasan..

Alas sais pa lamang ng umaga ay nakagayak na kami ni Janice.

At gaya ng sabi niya ay maaga ngang dumaong ang lantsa.

Sumakay na kami at nawili akong panoorin ang dagat.

Tila malapit ako sa mga sasakyang pandagat at nawiwili akong pagmasdan ito.

Biglang may imahe ng babae at lalaki kasama ang isang bata na masayang namamasyal sa laot ang nagsalimbayan sa aking utak dahilan upang ituon ko ang pansin sa pag-iisip sa eksenang naganap.

Arrrggghhh!!

Napahiyaw ako sa sakit ng biglang may sumigid sa aking sentido at tumindi ang sakit na nararamdaman ko.

"Hon, what's wrong? Anong nangayari sayo? Micheal ano ba?!" panict na tanong ni Janice ng malabasan niya akong namimilipit sa sakit ng ulo.

Di ko na masagot ang kanyang tanong.

Nagmamadali siyang pumasok muli sa loob at kinuha ang baon naming gamot.

Kumalma naman ang sakit ng makainum ako ng gamot.

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon