Elize's POV:
"Mommy! Gising na!" niyugyog akong mabuti ni Seth kaya nagising ako.
"Hmmmm...! Goodmorning baby!" sambit ko ng imulat ang aking mata at mabungaran ang mala angel na mukha ng aking anak.
"Mommy not morning! It's afternoon!" sabi ni Seth kaya napatingin ako sa suot kong relo.
Oh no! Alas 2 na pala ng hapon.
"Baby where's daddy?" tanong ko.
Tanghali na pala at di ko man lang naasikaso ang mag-ama ko.
Nagmamadali akong bumangon at agad pumasok ng banyo. Narinig ko naman ang tunog ng sapatos ni Seth na lumabas ng silid.
Nagmamadali akong maligo dahil mamamasyal pa kami.
Sakto namang pagkatapos ko magbihis ay pumasok si Micheal.
"Babe tara i have a surprise for you!" nakangiting sabi niya. Tila ttuloy naexcite akong malaman ang surprise nya.
Binitbit ko na ang gamit namin at umabresyete ako kay Micheal palabas..
"Babe, ano ba yun?" paglalambing ko sa kanya.
"Surprise nga diba?" nakangiti niyang sabi at pinisil pa ang tungki ng aking ilong.
"Mommy! Daddy lets go na!" pasigaw na sabi ni Seth at nauna pang lumabas ng cottage.
"Seth wag kang tumakbo! Dahan dahan lang baby.." paalala ko sa bata.
"Babe gutom ka na ba? Kakain muna tayo if you like." tanong ni Micheal sa akin.
"Hmmm... Di pa gaano. Mas excited ako sa surprise mo!" sagot ko.
Nilakad namin ang papunta ng daungan at nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Wow! Dyan tayo sasakay?" tanong ko at mas nauna ng naglakad.
"Mommy! Sasakay tayo dito sa boat?" tanong ni Seth at humawak sa kanang kamay ko.
"Yup. Dyan tayo sasakay. Mamamasyal tayo sa laot. I rent it for the whole day.." sagot ni Micheal at iniyakap ang isang kamay niya sa aking bewang.
"Yehey! Well going to ride a big boat!" patalon talon pa si Seth.
Agad kaming sumampa sa yate at nilibot ang loob nito.
Tuwang tuwa naman si Seth na makita ang kagandahan sa loob.
Nang malibot na namin ang loob ay ipinahanda na ni Micheal ang pagkain sa upper deck ng yate.
Nagsimula na pa kaming maglayag kaya kita na namin ang kagandahan ng paligid.
Aliw na aliw naman si Seth sa pagmamasid sa mga isdang aming madaanan.
"Careful baby.. Wag masyadong pumunta sa gilid." hinawakan ko si Seth sa kamay.
May tumawag naman sa fon ni Micheal kaya pumwesto siya sa kabilang railing upang sagutin ito. Malakas kasi ang tunog ng makina sa parte namin ni Seth.
Nilibot ko ang paningin sa mga islang nadaanan namin ng may narinig akong isang tunog ng nahulog sa tubig. Bigla akong napatingin kay Seth at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakadungaw pa rin siya.
"Seth pasok na tayo sa loob.." aya ko sa bata. Pinauna ko na siya papasok dahil tatawagin ko pa si Micheal.
Saktong paliko na ako sa kabilang bahagi ng deck ng mapansin kong may usang aninong tumatakbo.
Mabilis ko itong sinundan subalit nawala itong bigla.
Hinanap ko nalang si Micheal. Subalit nalibot ko na ang buong yate subalit di ko siya makita. Kinakabahan na ako.
Micheal asan ka na ba?
Napaiyak na ako sa kaba. Agad kong pinuntahan ang crew ng cabin at tinanong pero wala rin, di rin daw nila napansin.
Pilit kong kinalma ang sarili at hinintay ang resulta ng paghahanap kay Micheal.
Bumalik na kami sa isla at inireport ang pagkawala nito at nangako naman ang may-ari ng resort at yate na gagawin ang lahat upang mahanap si Micheal.
Pilit kong iniiwasan ang mga tanong ni Seth kung nasaan ang kanyang dady upang di malungkot ang bata.
"Mommy nasaan na po si Daddy? Bakit di natin siya kasama bumalik dito?" tanong ng bata.
"Ahm baby kasi may pinuntahan lang si daddy." sagot ko at niyakap si Seth.
The Vigilant's POV:
Nagpanggap akong crew ng yate upang makasama sa paglalayag ng mag-asawang Jones.
Kailangan ko ng maisakatuparan ang pagkidnap kay Micheal Jones upang makuha ang bayad sa akin ni Ms. Janice.
Matagal ko na ring minatyagan ang mag-anak at ngayon lang ako nakahanap ng tyempo.
Nasa upper deck silang tatlo at masayang nagmamasid.
Sinisilip ko sila mula sa aking pwesto dito sa kusina.
Krrrriiiiinnnngggg.....
Sinagot ko ang tawag ng makitang si Ms. Janice ang nasa kabilang linya.
Helo ms..
(Kumusta ang ipinagagawa ko sa iyo?)
Andito na po ako at tumetyempo. Konting panahon nalang po..
(Very good. Tawagan mo ako pag nakuha mo na si Micheal.)
Opo mam!
Yun lang at pinutol na nito ang tawag. Sakto namang nakita ko si Mr. Jones na pumunta sa kabilang gilid ng yate. Mukhang may kausap sa telepono.
Dahan dahan akong lumapit hawak ang isang tubo. Kailangang maihulog ko siya sa dagat.
Akmang haharap siya sa akin kaya hinambalos ko siya sa ulo dahilan upang mahulog siya.
Tila natunugan ni misis ang pagbagsak kaya napalingon ito sa aking kinatatayuan kaya mabilis akong nagtago.
Pinapasok na niya ang bata at papunta na siya sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong tumalon sa dagat at hinila ang katawan ni Micheal na nakalutang.
Sakto namang pagsilip ng babae sa dagat ang paghila ko sa katawan ni Mr. Jones sa pampang.
Agad kong ginamot ang sugat nito likha ng pagpalo ko sa kanya.
Dinala ko siya sa bahay kubo na hinanda ko para sa pagkakataong ito.
Dito ko muna siya itatago hanggang bukas.
Janice's POV:
"Mapapasaakin ka na rin sa wakas Micheal. Hahahahaha!!"
Sinimsim ko na ang alak habang hinihintay ang tawag ng taong inutusan ko upang kidnapin si Micheal.
Nasa resort din ako ngayon kung saan naroon sina Micheal at Elize kasama ang kanilang anak.
Akala siguro nila matatakasan nila ako.
Naagaw ang pansin ko ng tumunog ang aking cellphone.
Mabilis ko itong dinampot at napangisi ako ng mapagsino ang tumawag.
Yes?
(Naisagawa ko na po ang plano mam!)
Talaga!? Nasaan na siya ngayon?
(Nasa isang isla pa po kami. Pero mam may problema, medyo natamaan ko po sa ulo kaya nawalan ng malay.)
Gago! Bakit mo tinamaan? Diba ang sabi ko kidnapin mo lang!
Nangangalaiti ako sa galit dahil baka kung ano ang mangyari kay Micheal.
(Nanlaban po kasi. Binigyan ko na po ng first aid at dadalhin ko siya sa ospital bukas.)
No! Wag na! Dalhin mo nalang siya sa bahay ko at ako ng bahala.
Pinutol ko na ang tawag at nagmamadali akong sumakay ng kotse. Kailangan ko ng umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/10329880-288-k84634.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
General FictionCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...