Halos sabay sabay na dumating ang swerte kina Micheal at Elize.
Una, ay ang paglabas ng kanilang anak na si Seth Micheal.
Pangalawa ang tuluyang pagsalin kay Elize sa lahat ng ari-arian ni Donya Beatrize Mondragon.
At ang pinakamagandang balita sa kanila ay ang pagtawag ni Andrew mula sa hongkong.
{Honey, i have good news for you!} sabi nito sa kabilang linya.
"Huh! Spell it out Andrew?" Nagtatakang tanong ni Elize habang nagpapadede sa kanyang anak.
{They signed the will already!}
Napatayo si Elize sa sinabi ni Andrew. Ito ang pinakamagandang balita para sa kanila.
"Seriously!?" paninigurado niya.
{Yup! And after that we could file the divorce! Youll be free honey!} parang nakikinita na niya ang malalaking ngiti ni Andrew.
"Thank you Drew!" maluha luhang sambit niya. Kung nasa harapan lang niya ito ay baka nayakap na niya ito sa tuwa.
{Your very much welcome honey!}
Nagpaalam na din ito matapos ng ilang kumustahan. Halos di mawala ang ngiti sa labi ni Elize at ang gaan gaan ng kanyang pakiramdam.
Ganado siyang kumikilos at nag-impake dahil kinabukasan ay babalik na sila ng manila.
Naabutan pa siya ni Micheal na abala sa pag-iimpake.
"Babe tama na muna yan. Gabi na. Sabi ni manang kanina ka pa diyan." sabi nito at niyakap siya mula sa likuran.
"Babe may good news ako sayo!" nakangiting bumaling si Elize sa binata at iniyakap ang braso sa leeg nito.
Yumakap naman ang binata sa kanyang bewang.
"Hhmmm? What is it?" bulong nito at hinalik halikan ang kanyang leeg.
Nakikiliti naman si Elize kaya natatawa siyang pilit kumawala rito.
"Teka! Teka! Teka! May sasabihin muna ako.."
"Okay.." saka ito bumitaw at hinila siya paupo sa kama.
"Tumawag si Andrew.." panimula ng dalaga. Napakunot noo naman si Micheal.
"Sabi niya napirmahan na daw ang last will ng kanyang magulang... So it means..." nakangiting tinitigan ni Elize ang binata. Unti unti namang nagliwanag ang anyo ng binata ng maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin.
"You mean babe, pwede na tayong magpakasal?"
Tumango siya bilang tugon. Nagsisigaw naman sa tuwa si Micheal at binuhat pa nito si Elize tsaka inikot ikot.
"Yes! Yahooo...! Magiging akin ka na ng tuluyan!" sigaw niya.
"Ano ba! Micheal nahihilo ako! Hahahaha! Ibaba mo na ako!" natatawa niyang reklamo sa kanya.
Ang ingay nila sa silid kaya nagising si baby Seth at nag-iiyak.
Ibinaba naman ni Micheal si Elize at saka niya kinarga si baby. Ipinaghele niya ito kaya muli ring nagbalik sa pagtulog.
Ng masigurong tulog na talaga si baby ay saka niya ibinalik sa crib at saka bumalik sa pagyakap sa kanya.
"I love you, babe!" bulong niya kay Elize at saka hinalikan ito ng mariin sa labi.
Sinagot naman ng dalaga ng kasing alab ang kanyang halik.
Kapwa sila hinihingal ng maghiwalay ang kanilang labi.
"I love you too Micheal.."
********
Kinabukasan ay maaga silang bumyahe pabalik ng manila. Kailangan kasing nandun sila lalo pa muli ng nagbalik sa kanilang mga trabaho.
Dala dala ni Elize si baby Seth sa kanyang opisina kasama ang yaya nito dahil gusto niyang siya mismo ang personal na magbabantay sa bata pwera nalang kung may mga lakad siya o meeting na dadaluhan.
Naging maligaya naman ang kanilang pagsasama ni Micheal. Madalas pa din silang lumabas at nagdate na silang dalawa lang.
********
Naisipan ni Elize na yayaing maglunch sa labas ang binata kaya inagahan niya ang pagpunta sa opisina nito.
Naabutan niyang abala ito sa pagbabasa ng mga papeles..
"Hi babe! Wanna lunch with me?" bati niya sa binata at hinalikan ito sa labi.
"Sure tatapusin ko lang ito." sagot nito at itinaas pa ang hawak na papel.
Umupo naman ang dalaga sa sofa at inabala ang sarili sa pagbabasa ng magazine.
Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ng opisina at magkasunod na pumasok sina Janice at ang sekretarya ni Micheal.
"Mam may bisita pa po si sir!" wat nito subalit tila walang narinig ang babae at deretsong lumapit sa table ni Micheal.
"Hi honey! I miss you! Ang tagal na nating di lumabas. Tara lunch tayo!" sabi nito at hinalikan ang nabibiglang si Micheal.
Agad namang nakabawi ang binata at saka hinawakan si Janice sa braso at inilayo sa kanya.
"Can't you see im with someone? And im busy Janice.." sambit ng binata at sinulyapan ang pwesto ni Elize.
Agad nag-iwas ng tingin si Elize upang di mahalatang nasaktan siya sa nakita.
"Oh im sorry! May ka meeting ka pala.. Your MRS. LAZARTE right?" kunyari ay nagulat si Janice na makita si Elize. Idiniin pa niya ang tawag dito at saka palihim na nagsmirk.
Nagulat naman si Elize sa narinig. Ang alam niya ay walang sinuman ang nakakaalam sa pag-aasawa niya.
"Not so formal Ms. Laraga. Just call me Elize." sabi niya ng makabawi.
Nakipagbeso naman si Janice sa kanya at tila may kung anong masamang vibes ito kay ilis dahil kinilabutan ang dalaga.
"I think we'll just talk next time, Micheal. I have to go. Enjoy your lunch." paalam niya sa dalawa.
Nakangisi naman siyang tiningnan ni Janice.
"Bye Elize. Nice to see you again.." sabi ni Janice sa kanya.
"But... Wait, we should finish our transactions first.." pigil ni Micheal sa akmang paglabas ni Elize.
"You may go Janice. We have important matters to discuss." sabi ni Micheal at itinuro pa ang dereksyon ng pintuan.
Nagpupuyos man ang kalooban ni Janice ay tinakpan niya ito ng isang ngiti.
"Well, i just had a wrong timing. Some other time perhaps.. Bye honey!" sambit ni Janice at akmang hahalikan muli ang binata subalit agad itong umiwas.
Nagpupuyos ang kalooban ni Janice ng lumabas ng opisina ni Micheal. Sininghalan pa nito ang mga nakasabay na empleyado kaya nagsipag-alisan ang mga ito kaagad.
Damn you, Micheal.. Magiging akin ka rin. Di kita titigilan..!
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
Художественная прозаCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...