Chapter 23: Explainations

22.5K 278 6
                                    

Nailabas na ni Andrew ang bangkay ni Lola Beatrize at ibinurol ito sa loob ng tatlong araw.

Nanatili namang nakaalalay si Micheal kay Elize at siya na rin ang nag-aalaga kay Seth.

"Babe, kumain ka muna." sambit ni Micheal ng makalapit kay Elize na nakatulala lang habang nakaupo sa harapan ng kabaong.

"Mamaya na.. Di pa ako nagugutom." sagot ni Elize.

"But babe..." giit ng binata.

"Please, hayaan mo muna ako.." pakiusap ni Elize.

"Okay, pero mamaya kakain kana okay?" sabi ni Micheal.

Tumango naman si Elize kaya hinayaan na siya ng binata. Umalis na ito ng punerarya at pinuntahan na ang anak na naglalaro sa silid ng kanilang bahay.

Samantala, tumawag naman si Megan na nasa amerika pa upang makiramay.

[Best, sorry wala ako riyan!]

Okay lang best, andito naman sina Andrew..

[Nagkausap naba kayo ni.... Micheal?]

Hindi pa kami nag-usap ng maayos, but kasama ko siya rito.

[Alam ko na ang totoong nangyari best, i hope pakikinggan mo siya..]

Napangiti ng mapait si Elize at nagpaalam na sa kaibigan. Nangako naman si Megan na uuwi agad as soon as matapos ang fashion show niya sa New York.

Samantala, naabutan naman ni Micheal na nanonood ng palabas sa tv ang bata kaya agad niya itong nilapitan.

"Dad, is mommy gonna be okay?" tanong ni Seth at kumandong sa binata.

"I hope so baby.. Well pray to God that she will be okay.." sagot ni Micheal at hinalikan ang buhok ng bata.

Nakipaglaro muna siya sa bata at ng hapon na ay pinatulog na niya ito bago binilin sa yaya nito. Kailangan pa niyang bumalik sa punerarya.

Tumulong siya sa pag-asikaso ng mga nakikiramay.

Matapos ang tatlong araw na burol ay inilibing na ang donya. Halos ayaw ng tumigil ni Elize sa pag-iyak at hinimatay pa ito matapos ang libing.

Agad naman siyang dinala sa hospital at doon na nga ito nagkamalay.

"Babe please wag ka ng umiyak.. Magkakasakit ka pa niyan eh.. Remember nandito pa kami, si Seth.." pang-aalo ni Micheal kay Elize.

Alam niyang magkakasakit ito pag di pa ito magmove-on.

Tumango ang dalaga. Ilang araw muna siyang nakatambay lang sa kanilang bahay ni Micheal kung saan sila dinala nito bago niya napagpasyahang bumalik sa opisina na limang taon din niyang iniwan.

Tinawagan niya ang kanyang papa upang sabihin ang plano.

Pa... Im going back to MC.

[ Really honey? Im glad to hear that. Iba talaga kapag ikaw ang namamahala. ]

Marami muna silang napag-usapan bago pinutol ang tawag.

Nagpalit na ng damit si Elize at saka nagbilin sa yaya ni Seth na aalis muna siya.

"Kayo muna ang bahala manang kay Seth aalis lang ako sandali." bilin niya.

"Opo mam!" sagot nito sa dalaga.

Sumakay si Elize sa kanyang kotse at nagmaneho patungo sa studio ni Megan.

May duplicate naman siya sa susi roon kaya pwede siyang pumasok anytime.

Namimiss na niya ang bestfriend lalo na sa ganitong sitwasyon na ito lang ang makakapagpangiti sa kanya.

Naupo siya sa sofa at tinitingnan ang mga magazine na nadun. Sikat na sikat na talaga ang kaibigan kahit sa ibang bansa. Magaling rin naman kasi ito at napakadedicated sa kanyang trabaho.

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon