Chapter 7: The Sad Part of the Story

28.5K 344 2
                                    

Elize's POV:

Dahil sa nakita ko sa cafe ay agad kong napagdesisyunang pumayag sa kasunduan.

Nasasaktan akong makita na may ibang kayakap si Micheal subalit wala akong karapatan sa kanya.

Di ko muna sinabi kay Megan ang plano kong pagpayag at baka ikwento niya lang kay Cedric pero alam niyang nasasaktan ako sa nakita.

Tawag naman ng tawag si Micheal sa akin pero di ko ito sinasagot. Nagtago din ako sa kanya.

"Best dapat kinumpronta mo muna siya bago ka nagalit." Sabi ni Megan. Andito kami ngayon sa kwart ko sa tagaytay. Ayoko munang makita ang sinuman kahit na ang magulang ko dahil sa frustrations ko. Sinamahan naman ako ni Megan.

"Ayoko best. Wala naman akong karapatang komprontahin siya kasi di naman kami diba? Malungkot kong sabi."

"Eh anong tawag dun sa relasyon niyo? Yung mga necking-pitting session niyo? Parang unofficially yours ganun? Parang john lloyd at angel lang ang peg!" Inis na sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako at isinubsub ang mukha sa unan.

"Best balik na tayo ng manila. Kailangan na tayo dun. May fashion show pa nxt day. Hinahanap na tayo." Sabi niya at tumayo na.

"Kahit pa pagtaguan mo si Micheal ay wala ring magandang ibubunga sa iyo. Mas lalo ka lang malulungkot. Eh ano kung marami siyang babae. Ipakita mong wala lang sayo ang nakita mo." Dagdag pa niya at tuluyan ng lumabas.

Tama nga si Megan. Di ko dapat takbuhan ang lahat dahil nasasaktan ako. Kailangan ko na nga sigurong harapin ito.

Tumayo na ako at tinawag siya sa kanyang silid. Napagdesisyunan ko ng babalik kami ng manila. Nakangiti naman siyang tumango at agad nag.impake.

Habang nasa daan kami ay tumawag muli si Micheal. Napasulyap ako kay Megan na siyang nagdadrive.

"Sagutin mo na.."

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago pinindot ang anawer key botton.

Hello..

[Thank God sinagot mo na din ang tawag ko..]

Anong kailangan mo?

[Pwede ba tayong magkita ngayon? Nasaan ka? Please Elize...]

Okay hintayin mong tawag ko. Im on my way to manila...

[Salamat babe]

Pinutol ko na agad ang tawag at muling ibinalik sa bag ang cp.

Maya maya ay muling nagring ito kaya sinagot ko uli ng di tiningnan kung sino ang tumawag.

Yes?

(Anak nasaan ka ba?) boses ni mama ang nasa kabilang linya.

Way back to manila..

(Kailangan mo ng pumunta dito at pag-uusapan na natin ang merger. Babalik na si Andrew sa hongkong by Saturday.)

Okay..

Sagot ko at pinatay ang celphone.

Napasandal ako sa headrest ng kotse at mariing ipinikit ang mata. Hindi ko alam kong tama ba ang desisyon kong magpakasal pero alam kong para ito sa magulang ko.

"Best kung ano man ang magiging pasya mo, andito lang ako at susuportahan pa din kita... "Sambit ni Megan at ginagap pa ang aking kamay.

"Kahit pa sa katangahan yan best!(^o^)v" dagdag niya na ikinagpangiti ko. Kikay talaga si Megan at nababawasan ang lungkot ko dahil sa kanya.

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon