Chapter 16: The Newborn Baby Bring Happiness

33K 343 11
                                    

Tuluyang nagsama sa iisang bahay si Elize at Micheal. Nakatira na sila pareho sa mansiong binili ni Micheal.

"Babe breakfast is ready..." bulong ni Micheal sa may tainga ni Elize habang hinalik halikan ang nakalantad na balikat nito.

"Uuuuhhhhmmmm! Anong oras na ba?" nakapikit pang tanong ni Elize at hinila pa ang unan palapit sa kanya.

" Its already 8 in the morning babe! Di dapat gutumin si mommy dahil magugutom din si baby.." sagot ng binata.

Napabangon naman si Elize sa narinig at saka nag-inat muna bago tuluyang tumayo.

Pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos niyang magbihis ay sabay na silang bumaba ni Micheal at masayang nag-agahan.

Matapos nilang kumain ay nagstay muna sila sa terace ng mansion.

"Babe, gusto mo bang mamasyal ngayon? Mamimili tayo ng gamit ni baby at malapit na rin siyang lumabas.." sabi ni Micheal at hinimas pa ang malaking tyan ni Elize.

"Sige.. Medyo di naman ako tinatamad ngayon. Para na rin makapamasyal ako." sagot naman ni Elize.

Sabay silang nagbihis at saka y ng kotse ng binata ay tinungo nila ang mall.

Marami-rami rin ang kanilang pinamili kaya di halos magkaundagaga sa pagbitbit ang binata.

"Babe hatid ko lang to sa kotse.." paalam ni Micheal.

Tumango naman si Elize. Nang makaalis ang binata ay pumasok muna siya sa greenwich at saka nag-order ng pizza. Naupo siya sa may salamin para madaling makita ng binata pagbalik nito.

Sakto namang dumating ang kanyang inorder at nakabalik na din si Micheal.

"Nagutom ako babe! Kain muna tayo.." aya niya pagkaupo ni Micheal sa harap niya.

"Sige. Mukhang gutom ka nga." natatawang sabi nito at nakatingin sa family size pizza na nasa harap nila.

Nagsusubuan pa sila habang kumakain kaya napapatingin sa kanila ang ibang kumakain.

Ang sweet naman nila..

Oo nga, nakakainggit..

Sana ganoon din tayo noh!

At marami pang ibang komento sa kanila.

Kinindatan naman ni Micheal si Elize at parang nagkaintindihan ang dalawa na sabay pang nagtawanan.

Matapos nilang kumain ay magkahawak-kamay silang lumabas ng kainan naglibot muli.

"Babe nood tayo ng sine!" pagyaya ni Micheal.

"Sige baka may magandang palabas ngayon."

Pumila muna ang binata sa ticket booth at dahil marami ang gustong manood ay mahaba na ang pila.

Nakaramdam naman si Elize ng pananakit ng tiyan pero hindi niya ito inalintana.

Sa susunod na linggo pa kasi ang kanyang schedule ng prenatal. Tumawag na siya sa kanyang OBGyne dahil madalas sumasakit ang kanyang tyan pero ang sabi ay false labor lang at normal na dahil malapit na siyang manganak.

Halos limang minuto na siyang nakatayo sa may gilid subalit di pa tapos bumili ng ticket ang binata. Sunod sunod na ang pagsakit ng kanyang tyan at di na nawawala kahit na anobg haplos niya.

OMG! Baby lalabas ka na ba!? Bulong ni Elize sa sarili.

Ilang sandali pa ay di na niya matiis kaya nilapitan niya ang binata at binulungan.

"Alis na tayo. Sumasakit na ang tyan ko."

Tila nataranta naman ito sa narinig..

"Ha!? Kaya mo pa ba? Ano sa ospital naba tayo?!" medyo napalakas pa ang boses nito kaya bapalingon ang ibang nadun.

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon