Matapos ang isang buwang paghahanda ay dumating na din ang takdang araw ng pagpapakasal nina Micheal and Elize.
Isang kasalang masasabing event of the year.
Imbitado ang lahat ng malalaking tao sa business world. Maging mga bigating pulitiko ay nandun.
Marami ring media persons ang naghahanda upang macover ang kasal.
Abala ang lahat sa paghahanda sa malaking garden ng Mondragon mansion.
Nag-aabang naman sa labas ng simbahan ang mga dadalo ng kasal, ang mga abay at ang pamilya ni Micheal.
Tensyonado namang pabalik balik si Micheal sa loob at labas ng simbahan.
"Tol, relax. Darating yun.. Di pa lang siguro tapos ayusan.. Maaga pa naman ng trenta minutos." sambit ni Cedric sabay tapik sa balikat ni Micheal.
Sa kabilang banda ay kasalukuyang inaayusan ng beautician si Elize. Tapos na angake-up at hairdo niya. Nakasuot na din siya ng wedding gown. Inaayos nalang ang pagkalagay ng kanyang belo.
Knock.. Knock..
Sumilip sa pinto ang mama ni Elize.
"Honey tapos na ba kayo? Tara na at baka malate pa tayo." sabi ng mama niya at pumasok na sa loob.
Napanganga naman ito ng makita ang kagandahan ni Elize na mas lalong lumutang sa suot na wedding gown at make-up.
"Ang ganda mo anak!" maluha-luhang sambit nito at niyakap si Elize.
"Thank you ma!" sabi ni Elize at gumanti din ng yakap.
"Oooopppsss! Tama na yan. Masisira ang make-up! Tara na at baka magback-out pa ang groom pag di ka pa nakarating sa tamang oras." pagbibiro ng beautician.
Nagtawanan naman sila sa biro nito.
Lumabas na si Elize sa silid at bawat madaanan niya ay puro napahanga sa kanyang ganda.
*Ang ganda niya diba?*
*Oo nga! Di halatang may anak na sila ni Sir Micheal..*
*Tama na yang bulungan niyo at magsibalik na sa trabaho!*
Napangiti lang ang dalaga sa mga komento ng katulong.
Sumakay na sila sa isang puting mercedes benz na nagsilbing bridal car.
Elize's POV:
Habang binabagtas namin ang daan patungong simbahan ay napuno ng kaba ang aking dibdib.
Paano kung may manggulo na naman sa kasal?
Paano kung darating na naman si Janice sa simbahan?
Ang daming agam agam ang nasa aking dibdib..
Ayoko ng mawalay pa kay Micheal.
Naramdaman ko ang pag gagap ni mama sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Relax honey! Everything will be fine.. Wala ng makakapigil pa sa pagpapakasal niyo ni Micheal." sambit ni mama.
"Yes baby.. After all the challenges you both passed in your relationships, you deserved to be happy.." sabat naman ni papa.
Niyakap ko sila.
Tama.. Nalampasan na namin ni Micheal ang pagsubok.
Maya maya ay nakarating na kami sa simabahan.
Agad na inayos ng wedding coordinator ang kasali sa kasal.
Pinaghintay muna ako sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
Художественная прозаCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...