Elize's POV:
Matapos ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Micheal ay nakatulog din ang binata dala na rin ng kalasingan.
Bumangon ako at gumawa ng sulat para sa kanya. Alam kong sa oras na magising siya ay nakaalis na ako.
Patingkayad naman akong pumasok ng banyo para maligo. Ilang sandali pay tumunog ang aking cp kaya agad ko itong dinampot para di magising si Micheal.
(Ready na ang ticket mo. Punta ka na sa airport at pwede ka ng lumipad.) sabi ni Andrew sa kabilang linya.
Salamat drew..
Hinalikan ko muna si Micheal at muling pinagmasdan ang kanyang kagwapohan.
Magtatagal pa siguro bago kami magkitang muli. Sana sa panahong iyon ay magiging okay na ang lahat at mapapatawad na niya ako.
Nagpalit na ako ng damit at saka dahan-dahang binuhat ang maleta palabas ng condo.
Nilock ko na ang pinto saka kinatok si Megan sa kabila. Papungas-pungas naman itong lumabas at nagtataka pa na bihis na bihis ako at dala ko ang maleta. Sinikreto ko talaga ito sa kanila para di nila ako mapigilan.
"Best? Saan ka pupunta?"
"Doon muna ako kay Andrew... Nasa condo si Micheal ngayon. Pakilock nalang pag-alis niya."
"Ha!? Nagkausap na kayo? Alam niyang aalis ka? Okay lang sa kanya?"
"Hindi. Wala siyang alam. At wala akong balak magpaalam."
"Paano pag nalaman niya?"
"Di naman siguro siya susugod doon. Alam naman niyang asawa ko na si Andrew."
"Well, gudluck best. Mag-ingat ka doon okay?"
Nagyakapan kami ni Megan saka niya ako ihinatid sa kotse.
"Di kita maihatid sa airport best.."
"Okay lang yun ano ka ba!"
"Ingat ka doon ha? Pag magkaproblema uwi agad dito.."
"Ikaw talaga. Bakasyon lang naman ako doon."
"Basta ingat pa din. Bye best!"
"Bye."
Muli ay niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
Sumakay na ako at nagdrive papuntang airport. Ipapakuha ko nalang mamaya sa driver ni papa ang kotse.
Tamang- tama naman na pagdating ko doon ay paalis na ang eroplanong aking sasakyan.
***********
Nakarating ako ng hongkong at sinalubong naman ako ni Andrew at Marlon.
Sa masion parin nila ako dinala pero di na ako sa silid ni Andrew. May sarili na akong silid doon.
Agad akong pumasok at nagpahinga.
************
Naging matiwasay naman ang pamumuhay ko sa hongkong. Binigayn ako ni Andrew ng isang botique sa mall na pag-aari niya para daw may pagkakaabalahan ako doon.
Isang beses sa isang linggo akong tinatawagan ni Megan. Namimiss ko na din ang kaibigan ko.
*******
Maaga akong nagising ngayon. Para kasing hinalukay ang tiyan ko sa sobrang sama ng aking pakiramdam.
Pumasok ako sa banyo at doon nagsusuka.
Nahihilo din ako kaya napakapit ako sa lababo.
Muli akong nahiga at bakasakaling mawala ang aking hilo.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
قصص عامةCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...