Chapter 15: His Ways Of Saying Im Sorry

28.8K 367 8
                                    

Dedicated sa kanya kasi masugid niyang binabasa ang works ko. Thanks for voting babe!;-)

------------------------------------------------

Elize's POV:

Nagising ako sa isang silid at base sa amoy palang ay alam kong nasa ospital ako.

Agad kong kinapa ang aking tiyan at nakahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman ko ang aking baby.

Nagmulat ako ng mata at nakita ko sina mama, papa at Megan sa sofa.

Paglingon ko sa kabila ay agad akong nanginig sa takot at galit ng makitang andun si Micheal at akmang lalapit sa akin.

"Umalis ka dito! Ayaw kitang makita! Ealis niyo siya! Huhuhu!" paghihisterikal ko.

Agad namang lumapit si mama sa akin at niyakap ako.

"Tama na anak.. Makakasama yan sa inyo ni baby.." sabi ni mama habang inaalo ako. Sumubsob naman ako sa dibdib ni mama.

Nakita ko namang nilapitan ni papa ang binata at pagkatapos ay lumabas na ito.

"Pa..." Tawag ko kay papa. Lumapit naman ito sa aking tabi at naupo sa silyang andun. Ginagap pa niya ang isa kong kamay.

"Its okay honey.. Alam kong di mo pa siya kayang harapin.." sambit ni papa.

"Best okay ka na? Paano ka ba napasama sa kanya? Eh di naman niya alam na andito kana. Mananagot talaga ang Cedric na yun sa akin!" pagalit na sabi ni Megan na lumapit na din sa akin.

Napangiti naman ako.

"Nagkabungguan kami kanina sa mall best habang nakasunod ako sayo. Agad niya kong hinila pasakay ng kotse." paliwanag ko.

"Kaya ka pala nawala. Hanap ako ng hanap sayo. Naikot ko yata buong mall." si best.

"Sinong tumawag sa inyo na narito ako?" tanong ko.

"Si Micheal din. Ako na ang tumawag kina tita."

"Di ko akalaing si Mr. Jones pala ang ama ng dinadala mo anak. Are you two having an affair after you married Andrew?' seryosong tanong ni papa.

"Magkakilala na po kami ni Micheal bago ako ikinasal. Pa, may sekreto kami ni Andrew kaya si Micheal ang naging ama ng baby ko..." mahina kong sabi.

Nagulat naman si mama sa narinig.

"Kung ganon bakit ka pumayag na magpakasal kay Andrew. Micheal is a good catch too.. Kaya ba siya galit kamo kanina at basta ka nalang hinila?" mama

"I dont think that he knows about her condition tita.." sabat ni Megan.

"Nagkamis-understanding po kasi kami bago ang kasal and he became engage with somebody kaya ako lumayo sa kanya." ako.

Napatango naman si papa.

"You should fix yourself first before you fix your relationship with him. Alam kong dala na din ito sa pressure ng lola mo but im sure kakayanin mo ito honey." mahabang sabi ni papa.

Tama sila. Minsan di ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko o mali na. Tanging konsolasyon ko lang ay nagdesisyon ako at tingin ko ay para sa lahat.

Nang makalabas ako ng ospital ay pinatigil muna ako ni papa sa trabaho at pinagstay sa bahay ni lola sa tagaytay.

Hindi naman ako umangal dahil pakiramdam ko kailangan ko na ring magpahinga muna sa stress lalo pa at lumalaki na ang aking tiyan.

*******

Micheal's POV:

Mula sa malayo ay masaya kong pinagmasdan ang babaing tanging nagpatibok ng aking puso.

Matiwasay itong nakaupo sa kanilang hardin habang nagbabasa ng magazine.

Talagang sinadya kong bumili ng property sa harap ng kanilang mansyon dito sa tagaytay upang madalas ko siyang makikita at masubaybayan ang kalagayan nila ng aming anak sa kanyang sinapupunan.

Alam ito ng magulang niya dahil nagpaalam ako sa kanila at alam nilang seryoso ako sa pagmamahal kay Elize.

Araw-araw akong nagpapadala ng kung ano ano lingid sa kaalaman ng dalaga.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ni minsan ay di ko man lang nakita ang asawa niya.

Is he abandoning here because she is pregnant with somebody else?

Pero mukhang okay naman siya at di alintanang wala ito sa kanyang tabi.

Muli akong tumawag sa flower shop upang magpadeliver kay Elize ng bulaklak.

Nagagalak akong makitang sa kabila ng kanyang pagtataka ay nakaguhit ang tuwa sa kanyang mukha habang bitbit ang bulaklak at sinasamyo ang bango nito.

Ilang paghihintay pa kaya bago tayo muling magkapiling?

Napabuntong-hininga ako sa naisip.

----------------------------------------

Elize POV:

Napangiti ako ng makatanggap muli ng bulaklak. Halos araw-araw akong nakatanggap ng ganito.

Sino kayang nagpapadala nito at masyasong matiyaga? Di ba niya alam na buntis ako at malaki na ang tiyan?

Nakangiti kong sinamyo angabining bango ng bulaklak. Puro white and pink roses ang natatanggap ko. Di kaya maubusan sila ng stocks? (^o^)

Pumasok ako sa loob ng bahay at umupo sa paborito kong pwesto, sa balkonahe ng second floor ng mansion. Malamig kasi dito at kita ang buong tagaytay.

" For every beauty there is an eye

somewhere to see it. For every truth

there is an ear somewhere to hear

it. For every love there is a heart

somewhere to receive it."

Yan ang nakasulat sa card na kalakip nito.

Napangiti ako at inilapat sa aking dibdib ang card.

Kung sinoman ang nagpapadala nito ay naaalala ko sa kanya ang ama ng dinadala ko.

Masaya kong inilibot ang paningin sa paligid at napagtoonan ko ng pansin ang masiong karerenovate lang din noong bagong dating ako rito.

Sino kaya ang nakatira dyan at ni minsan ay di ko pa nakitang lumabas. Madalas ay natatanaw kong bukas ang pinto ng kanilang balkonahe subalit wala namang lumabas.

Nakikita ko din ang paglabas masok ng isang itim na mercedez benz.

Napakamisteryoso naman ng may-ari ng mansiyon. Lalaki siguro kaya di mahilig mangapit-bahay.

Kung sabagay, maski ako ay di din mahilig sa ganoon. Mas okay na akong nakaupo sa may garden kasama si lola kung wala lang akong lakad.

"May natanggap ka na naman!" sabi ni lola na di ko namalayang nakalapit na pala sa akin.

"Oo nga po eh! Ang tiyaga namang magpadala ng secret admirer ko." may halong biro kong sambit.

"Baka kay Micheal yan.." paghuhula ni lola.

Napatigil ako sandali saka napangiti.

"Kung siya man ang nagpapadala nito ay di niya kakayaning di magpakita ng matagal." sabi ko.

Napatitig si lola sa akin at para naman akong naiilang sa paraan ng kanyang pagkatitig.

"Bakit apo? Kung magpakita ba siya sayo ay kakayanin mo na siyang harapin?" tanong ni lola.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga bago sumagot.

"If this is his way of saying im sorry, then maybe i could forgive him. But im not yet ready to see him la.." mahina kong sabi.

Alam kong di ko maiwasang ipakilala siya sa kanyang anak pero habang di pa kami tuluyang naghiwalay ni Andrew ayoko munang ibigay ang karapatan na ito sa kanya.

----------

Thanks.;-)

Love: malditang_nurz

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon