092898rhio this is for you sis mwahhh 😘
.....
Maaga akong nagising ng araw na iyon dahil ayokong ma late sa aking trabaho.Aphrodite Dyosa Fernandez nga pala ang buo kong pangalan. Pero charot lang yung dyosa. At ako ay bente tres anyos na.
Kung sa tingin po ninyo ay ubod ako ng ganda dahil goddess of beauty lang naman ang pinag hugutan ng ngalan ko ay... ngayon palang didismayahin ko na po kayo.
Kung anong ganda ng pangalan ko, ay siya namang kabaligtaran ng itsura ko.
Mula sa salamin kong napakalaki at kapal, na papasa na atang magnifying glass ng mga detective sa pelikula. Hanggang sa buhok kong parang pinugaran ng Agila na kahit suklay ay nahihiya sa kapal at tigas ng buhok ko. Pati na rin ang pananamit kong tiyak na mas maganda pang pumorma ang sitenta'y anyos naming kapit bahay na lola na mahilig mag zumba. Mga daliri na lang sa kamay at paa ang makikita dahil sa haba ng long sleeves at palda na suot ko. At lalo namang ikinaganda ko ang braces kong kakulay ng nips candy.
So na imagine nyo ba kung gaano ako ka gorgeous?
Ok alam kong medyo losyang ako... oh! sige na hindi lang medyo! losyang na losyang pa kaysa kay lola basyang.
Pero ano magagawa ko? eh sa dito ako kumportable ehh, ang pananamit at pag aayos ng ganito ay pakiramdam kong ligtas ako.
Lalo na sa pakalat-kalat na manyankis somewhere.
Dahil pag nakita pa lang nila ako, ay para na silang binangungot habang gising.
So ito na nga, balik na ako sa realidad, kailangan ko ng mag asikaso dahil pag na late ako tiyak na sapok ang aabutin ko sa aming tibo na leader. Sisinghalan na naman ako non ng ''hindi ka na nga maganda, paimportante ka pa!''
Kaya naman ayaw kong ma late dahil siguradong ipapahiya na naman ako non, galit pa naman yun sa pangit! kahiya sa mala flappy bird nyang lips.
Pagka tapos maligo ay nag suot na ako ng mini dress pero char lang ulit yun. Mag susuot lang siya non pag tinubuan na ng buhok sa bumbunan ang ating dating presidente.
As usual na outfit niya ang kanyang isinuot. Sa itsura niya, mukha siyang matandang dalaga na tigang?
Kita mo na! sa madalas kong pag sama kay Sharlene ito napapala ko ehh. Puro kabastusan na rin ang nababanggit ko dahil sa walang hiyang bunganga ni Sha lagi ba naman akong sabihang tigang? palibhasa siya may jowa.
Pag kasuot ko sa aking magnifying glass, este reading glass ay agad akong bumaba patungo sa aming kusina.
Doon ko naabutang nag aayos na ang ina ko ng kakainan.
''Good morning Mama kong Su--per Sexyyyyy!'' masiglang bati ko sa aking maganda na nanay saka ko siya niyakap mula sa likuran, hindi mag pang abot ang dalawa kong kamay na naka akap kay mama, sexy nga kasi. insert sarcasm
Nakangiting humarap ito at hinagkan ang aking noo.
''Good Morning too baby kong super pretty''
oh, diba...kami na lang talagang pamilya ang nakaka appreciate ng mga exotic beauty.
''Pwede pretty na lang ma? baka marinig tayo ng kapit bahay at sabihing ke aga-aga ay nag jo-joke ka'' mahinang sambit ko.
Huminga ito ng malalim bago sumagot.
''Alam mo anak, para sa akin ikaw ang pi....naka magandang anak sa balat ng aswang''
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...