♚CHAPTER 5♚

26.4K 743 26
                                    

Ilang araw na ba akong nag pabalik-balik sa restaurant na ito? napa isip pa ako.

F*ck! five days na akong mukhang tangang bumabalik dito!

Umaasang makikita,

ang Nerd kong Mate..

Arrgggh!!! oo na! kinain ko na ang mga salita kong hinding-hindi ko hahanapin ang babae na 'yon.

Paano kasi itong wolf kong abnormal! hindi na talaga nag paramdam as in!

Nang minsan ay muntik pa akong mapaslang ng isang Rogue. Nabigla kasi ako ng hindi man lang sumagot si Rusty ng tawagin ko siya.

Mabuti na lamang at nandoon ang aking Beta at siya ang tumapos sa Rogue na iyon. Samantalang ako parang tanga na tawag ng tawag sa aking Wolf.

Naalala ko pa ang sinabi ni Red ng matapos niyang tapusin ang Rogue.

''You should look after her Blue.'' naka ngising saad nito.

At siyempre umiral ang pride at kapugian ko.

''Tsk. Asa! di ko hahanapin yon! nag mamatigas lang 'tong wolf ko, baka mamaya lang ay mag paramdam na ito.''

Pero ayun, lumipas ang isang linggo ay di pa rin siya nag paramdam. Kaya naman na alarma na ako.

Kahit pa sabihing malakas pa rin ako kahit naka anyong tao lang ako. Ay di ko pa rin matatawaran ang kakayahan ng wolf form ko. Lalo pa isa akong Alpha at obligasyon kong pangalagaan ang aking pack, at hindi ko iyon magagawa ng maayos ng wala si Rusty.

At ito na nga, nakailang balik na ako dito sa restaurant kung saan kami nag kita ng babaeng may mala pugad na buhok. Pero wala pa rin akong napapala.

Ilang oras pa akong nag hintay dito, na order ko na ata lahat ng nasa menu ng restaurant na ito para lang di ako mag mukhang tanga na naka tanghod lang dito.

Tiningnan ko ang pag kain na nasa harap ko.

Parang may fiesta lang sa dami ng putahe, pero ni isa wala na akong gustong kainin dahil sa limang araw ba naman na pabalik-balik ako rito nakaka umay din naman ang pag kain kahit pa sabihing masarap ito.

Nang mainip na ako ay napag desisyunan ko ng umuwi na lang tutal mag didilim na din. Kanina pa ako rito mula ng mag bukas sila, at iba na ang tingin sa akin ng mga nag se-serve rito. Baka kung ano na ang iniisip ng mga tao na ito.

Tatayo na ako ng biglang nalanghap ko ang pamilyar na amoy na iyon.

sniff...sniff

strawberry!

Siya lang ang alam kong may ganoong kabangong amoy.

Tila sabik na hinanap ko kung saan nag mumula ang mabangong amoy na iyon.

Napaka bilis ng tibok ng aking puso, bakit ganito? para bang sabik na sabik akong makita siyang muli.

At hindi nga ako nag kamali, nakita ko siya na may kinakalkal sa kaniyang bag at patungo sa restaurant na pinang galingan ko.

Mukhang napansin nitong may naka titig sa kaniya kaya tumingin ito sa direksiyon ko.

''Sh*t'' I cursed

Ang puso ko parang nais kumawala sa rib cage ko. Alam kong O.A pakinggan pero ganoon talaga ang nararamdaman kong ngayong nakatingin kami sa isa't-isa.

Kahit pa mukha siyang Mangkukulam na Barney sa suot niyang violet na long sleeve at mahabang palda ay 'di parin humihinto sa mabilis na pag tibok ang puso ko.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon