♚CHAPTER 6♚

28.5K 706 56
                                    

Aphrodite's POV

Nang tulala ang bakulaw na pogi na 'yon kanina ay pasimple na akong lumabas ng Restaurant.

Habang palabas ako kanina ay naririnig ko pa ang mga bulungan ng ilang kumakain sa Restaurant.

''Eww! wala man lang ka taste,taste ang poging iyon. Grabe! ano nagustuhan nya sa pangit na yan?''

Nakita ko pa ang pandidiri sa mga mukha nila habang pinapasadahan ako ng tingin.

''Well she looks like a witch, I think she use some magic spell.'' saka nag tawanan pa ang mga kababaihan na iyon sa lamesa

Madami pa akong narinig na kung ano-ano kaya naka yuko akong lumabas kanina sa restaurant, nakaka hiya talaga.

''Bakit kasi niya sinabi iyon kanina!'' naiinis kong sabi.

Naalala ko naman tuloy bigla ng itulak nya ng pag kalakas ang kaawa-awang waiter at sumigaw pa ito kanina ng ''She's Mine''.

At ang kaninang inis ay nag laho agad ng maalala ko yun nikikilig me gosh! talandi ko, yung ubod ng poging mama na iyon! angkinin daw ba ako? eh di wow na wow!

Akala ko pang witch lang ang buhok ko, yun pala mala rapunzel din sa haba! hihi

Nang sabihin niya iyon kanina ay tila nag wala lahat ng internal organs ko lalo na ang puso ko.

Kanina nga lang ng makita ko siyang naka tingin sa akin ng papasok ako sa restaurant ay tila sasabog na ang dibdib ko. lalo pa ng angilan nito ang waiter na tila nag seselos. gosh! eh di ako na. maganda!!!

Pero teka nga? umangil ba talaga siya kanina? parang ganoon kasi ang pag kakadinig ko, katulad ng angil ng aso ng mga kapit bahay namin pag nag aaway.

''Imposible naman iyon, baka sa lakas ng tibok ng puso ko ay 'di ko nadidinig ng maayos ang nasa paligid'' pag kausap ko sa aking sarili.

Tila lutang pa rin ako habang inuulit-ulit ko sa aking isip ang sinabi kanina ng poging yon.

'' She's Mine!''

'' She's Mine!''

'' She's Mine!''

'' She's Mine!''

'' She's Mine!''

Anubeyen! nakikilig talaga ako

Napa hawak pa ako sa mag kabila kong pisngi.

Kung sino man maka kita sa akin sigurado akong kikilabutan. Mangkukulam na kinikilig? naku epic yun!

''LOOK OUT!!!''

Napatigil ako ng may marinig akong sumigaw.

Lilingunin ko pa lang sana ang sumigaw ng maramdaman kong tila may bumuhat sa akin at lumundag ng pag ka taas.

Wait nga lumundag ba talaga kami ng mabangong nag bubuhat sa akin.

''Waaahhhh!!!!'' napasigaw ako ng maramdaman kong hinahatak na kami ni Mr.Gravity pabagsak sa lupa.

Napa isip pa ako saglit, ang taas namang tumalon nito sigurado akong champion lagi ito sa long jump at kung ano-ano pang sport na may jump.

Hindi ko na nagawa pang tingnan ang may buhat-buhat sa akin dahil masyado ng nakuha ng atensyon ko ang matitipuno nyang dibdib na nakabakat sa kanyang tshirt.

Napakalakas ng impact ng malapag na kami sa lupa, tila nag likha pa ata ng butas ang pag lapag naming iyon.

Screeeech!

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon