♚CHAPTER 10♚

26.3K 665 14
                                    

----
''Y-you heard it?'' nauutal nitong tanong.

Ano bang tingin sakin nitong lalaki na 'to...bingi?

pangit lang ako hindi bingi tss.

''Yup loud and clear, so ano na yung meaning nung Mate na yun? hindi naman siguro yun yung hinahalo sa kape like coffee mate? hehe kidding.'' nakuha ko pang mag biro kahit mukhang tensiyonado na tong kaharap ko, ni hindi man lang nga ngumiti.

''Just forget it, wala lang yun.'' sabi niya saka tumalikod at tumungo na sa kinauupuan niya kanina.

''Ano kaya yun? kaloka ka naman Blue eh..'' hindi man lang ito kumibo at patuloy na binabasa ang papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa pero sa tingin ko di naman niya talaga yun binabasa, umiiwas lang siya sa tanong ko ehh.

Lumapit ako at umupo malapit sa kanya.

''Huy! asul ano nga yun?'' pangungulit ko sa kaniya.

''Tsk'' yun lang isasagot niya? kaurat tong lalaki na to, curious na curious na ko sa Mate na yun ehh.

''Sige na sabihin mo na kasi, pag sinabi mo sa akin kung ano yang mate na yan di na muna ako uuwi sa amin''.

Nag angat naman ito ng tingin, halatang nabigla siya sa sinabi ko base na lang sa naka awang n'yang labi at ng laking mata.

''T-totoo ba yan?'' tanong nito

Ano ba yan, bakit ba yun ang nasabi ko! lalo na tuloy ako walang kawala.

But...

on the other hand, I'd like to stay.

Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko na di ko kayang malayo dito sa bugnuting asul na 'to. Para bang sasaktan ko lang ang sarili ko sa oras na umalis ako sa tabi niya.

Atsaka isa pa palang dahilan ay si Red... Ihh!!! kashi nemen nikikilig aketch sa kanya hihihi siya kasi ang unang lalaki nag pakita ng kabaitan sa akin.

Ehh di ako na salawahan, haba ng hair...

Tatawagan ko na lang mamaya si Nanay para sabihing nag bakasyon muna ako.

''Yes mag i-stay muna ako rito basta sabihin mo sa akin kung ano ang ibig mong sabihing mate tayo'' nakita ko ang pag ngiti nya na agad ding nabura dahil sumeryoso muli ito.

I heard him sigh..

''Ok, i will tell you what is th--''

Naputol ang sasabihin nito, naka kunot ang noo nito na tila may kausap.

Tumayo itong bigla at lumakad na papuntang pintuan ng lumingon ito sakin.

'' We will talk later'' akmang lalabas na to ng mag salita ako.

''Where are you going?'' i asked him.

'' May mga rogue na nasa teritoryo ko, and i need to get rid of them.''

Rogue? ano naman yun?

OMG! baka yung big crocodile yun? yung sa pelikula na Rogue... Gosh kaya ba ng lobo ang ganong kalaking buwaya?

''Mag iingat ka'' yun na lang ang sinabi ko kahit gusto ko siyang pigilan dahil baka mapahamak siya sa buwaya na yon.

Pag ka bigla ang nakikita ko sa mukha niya ng lumingon siya.

Ng maka recover to sa pag ka bigla ay ngumiti ito at nag salita.

''I will'' bago tumakbo palabas.

Sa isang simpleng ngiti niya na yun, ramdam ko ang pag kabog ng dibdib ko. Ano bang ng yayari sa akin? madami naman na kong nakilalang mga gwapo pero unang beses ko itong naramdaman.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon