♚CHAPTER 28♚

21.7K 603 5
                                    

jieamor thank you...

Palitan ng kalmot, sipa at mga kagat di hamak na mas malaki ang wolf ni Hector dahil na rin sa dugo nitong Alpha pero kahit na ganoon ay hindi nag papa apekto si Jacob at pilit na nakikipag sabayan.

Nang makita kong nakalmot ang mukha ng wolf ni Jacob ay tila sumikip ang aking dibdib at nahirapan akong makahinga. Wala akong magawa kung hindi ang panoodin lang siya.
 
Nawalan ng balanse si Jacob kaya naman agad na sumalakay si Hector at ang puntirya nito ay ang leeg ni Jacob mabuti na lamang at naka gulong palayo si Jacob at agad na tumayo. Kita ang kalmot sa pisngi ni Jacob gusto ko siyang lapitan upang tulungan sa kaniyang sugat ngunit alam kong hindi maari iyon dahil nasa gitna sila ng labanan.

Napa baling ako kay angel ng mapansin kong tumayo siya mula sa pag kaka luhod niya sa lupa, tila sobra siyang nasaktan ng makitang wala ng buhay ang kaniyang mate.

Tumingin siya sa gawi nina Jacob, at nakita ko ang galit nito sa kaniyang mga mata. Maya-maya pa ay humahaba na ang mga ngipin nito ganoon din ang mga kuko. Naalarma ako ng makitang tumatakbo siya patungo sa pinag lalabanan nina Jacob at ng ama niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip ko ang maaring mangyari kay Jacob.

At sa di malamang dahilan ay bigla na lang din akong tumakbo patungo kay Angel, tila di na ako ang kumokontrol sa aking katawan tila naging pula ang tingin ko sa buong paligid at ang malinaw lang sa akin ay nais kong makita ang walang buhay ni Angel.

Malapit na si angel kay Jacob ng bigla na lang akong tumalon papunta sa kaniya, at ang sumunod ay di ko na nakita ng tuluyang nag dilim ang aking paningin.

Ng bumalik ako sa tama kong pag iisip ay naka kubabaw na ako kay Angel wala siyang saplot indikasyon na nag anyong lobo pa siya ngunit ang nag pa gimbal sa akin ay ang ulo nitong naka hiwalay na sa kaniyang katawan agad akong umalis sa pag kakadagan kay Angel at nag panic.

"A-anong...p-aano" di ko malaman ang aking sasabihin, nakaramdam ako ng tila basa sa aking kamay pag katingin ko ay kulay pulang likido ang nasa aking kamay. Akala ko ay dugo ko iyon pero ng maramdaman kong walang masakit sa akin ay don na ako napa iyak.

"H-hindi! Hindi! N-apatay ko siya!" hindi ko namalayan ang pag lapit sa akin ni Jacob ng madinig ko siyang mag salita.

"Shhh... ginawa mo lang iyon upang ipag tanggol ako" lumapit ang ama ni angel na wala na din ni isang saplot sa kaniyang katawan, siguro kung nasa tamang huwisyo ako ay baka nag sisigaw na ako pero wala ngayon don ang atensiyon ko kung hindi nasa lalaking naka yakap sa akin ngayon na nag papa kalma sa akin.

"J-jacob, ang sama ko! Pinatay ko siya!" umiiyak kong saad sa kaniya, isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at doon umiyak tila may init na lumulukob sa aking pag katao dahil sa pag kakalapit namin.

"Hindi ka masama, wala ka lang ma pag pipilian kung hindi gawin iyon. At hindi lang ikaw ang may gawa non, Nangi babaw ang wolf mo sayo, at ang unang ginawa nito ay ang protektahan ang kaniyang..." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya ng bigla akong mag salita

"W-wolf? May wolf ako?" takang tanong ko.

"Meron at matagal na panahon din ang kaniyang hinintay upang makalabas" mag tatanong pa sana ako ng madinig ko ang boses ni Hector na nang gagalaiti.

"Pag babayaran mo ito" sigaw nito, kakawala na sana ako sa pag kakayakap ni Jacob ng bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit.

"Ahhh!" malakas na pag daing ni Jacob at pag tapos non ay bumagsak ang katawan niya sa akin.

May mga tinig akong nadinig malapit sa amin pero wala don ang atensiyon ko kung hindi na kay Jacob na naka subsob sa aking leeg.

"J-jacob?" mahinang pag tawag ko sa kaniyang pangalan. Unti-unti niyang iniangat ang katawan niya mula sa akin at ngumiti, kita ko ang sakit na kaniyang nadarama. Tatanungin ko na sana siya kung ano ang ng yari ng maramdam ako ng mainit na likido na dumaloy sa aking tagiliran.

Pag ka kita ko ay dugo pala ito na ng gagaling sa kaniyang likod. Agad akong umupo at inilagay ko ang kaniyang ulo sa king kandungan dinig ko ang kaniyang mahinang daing alam kong pinipigilan niyang kumawala iyon.

Naramdaman kong may lumapit sa akin at ibinalot sa akin ang isang jacket ni hindi ko tiningnan kung sino iyon kahit pa tinawag niya ako sa aking pangalan. Maski si Jacob ay malabo na din sa king paningin gawa ng luhang patuloy na lumalabas sa aking mga mata.

Hinawakan ni Jacob ang aking mukha at pinahid ang aking luha,

"P-pakiusap wag ka ng umiyak, masaya akong papanaw dahil ikaw ang nasa aking tabi" nahihirapan nitong saad, para kong sira na umiling ng umiling.

"P-lease Jacob wag mong sabihin yan!" samo't-sari ang nadarama ko ngayon lungkot, pag kalito, galit pero ang higit na nangingibabaw ay ang takot ko na mawala sa akin si Jacob at ang pag mamahal ko sa kaniya na dapat ay hindi ko nararamdaman para sa kaniya.

"Iisa lang ang dapat na matira sa iyong piling, at tiyak k-ong h-hindi ako iyon. A-ang tangi ko lang h-iling ay s-sana sa s-susunod kong b-uhay ay t-tayo na ang mag ka piling. Mahal na mahal kita Aphrodite" pag tapos non ay nadinig ko ang kaniyang huling pag hinga.

"Jacob!" sigaw ko saka ko siya  niyakap ng mahigpit, nalilito man kung bakit nag ka ganito ay isa lang ang alam ko. Siya ay aking MATE.

Nadidinig ko ang boses ni Blue pero sa mga oras na ito kahit ang kaniyang tinig ay di ako kayang pakalmahin.

Isa- isa ng nag datingan ang mga tao na nasa kasiyahan, may mga kumakausap sa akin pero wala akong naiintindihan kahit na isang salita.

Niyakap ako mula sa likod ni Blue.

''Hindi ko alam kung ano ang ng yayari, pero paki usap tumahan ka na mahal nahihirapan akong makita kang nag kaka ganito'' malungkot niyang saad

Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

''W-ala na siya! iniwan na niya ako'' humahagulgol kong saad. Hindi siya nag salita ng kahit na ano at bagkus ay niyakap niya lang ako ng mahigpit. Alam kong nasasaktan siya sa nakikita niyang ng yayari sa akin.

''Nandito lang ako hindi kita iiwan'' saad niya.

Maya-maya ay naramdaman kong may kumuha sa katawan ni Jacob na nasa harapan ko, agad kong tiningnan si Red na buhat ngayon ang walang buhay na katawan ni Jacob.

Agad akong tumayo at hinawakan ang kamay ni Jacob. Nakita kong nag iwas ng tingin si Red kaya naman agad kong isinara ang jacket na suot ko.

''Jacob maraming salamat sa lahat. Red paki usap bigyan siya ng maayos na libingan at kung maari ay sa loob ng ating teritoryo'' tumingin ito kay Blue at ng tumango si Blue ay nginitian ako ni Red saka siya nag lakad palayo.

Agad akong pinuntahan ng aking mga magulang at tinanong kung ayos lang ba ako, tango lang ang sagot ko sa kanila. Tila naiintindihan naman nila na hindi ko pa nais makipag usap.

''Umuwi na tayo'' saad ni Blue saka niya ako inakbayan at nag tungo kami sa kaniyang sasakyan.

Kinaumagahan ay nagising akong nasa kwarto na ako, kagabi pag sakay namin hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

Ng maalala ko ang ng yari kagabi ay agad akong lumabas at hinanap si Blue.

Nag tungo ako sa kaniyang opisina, hindi na ko kumatok pa at pumasok na ng tuluyan.

Pag pasok ko ay isang mukhang walang tulog na Blue ang naabutan ko, agad siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti. Lumapit siya sa akin at inalalayan akong umupo.

''Dapat nag papa hinga ka pa sa mga oras na ito'' saad niya.

''Si Jacob nailibing ba siya ng maayos?'' bakas ang lungkot sa kaniyang mukha ng yun agad ang itanong ko.

''Maayos siyang nailibing dito sa ating teritoryo'' ngumiti siya sa akin pero ang mata niya ay makikita mo ang lungkot. Niyakap ko siya ng mahigpit na agad niyang tinugon.

''Patawad Blue, kung nasasaktan kita. Hindi ko din inasahan ang ng yari lalo na ang mag karoon ng dalawang Mate'' pag kasabi ko noon ay bigla na lang yumugyog ang mga balikat ni Blue.

''K-kapatid ko siya Aphrodite'' umiiyak nitong saad..

◎○◎○◎○

Edited :)

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon