mainrian thank you sa pag follow, this chapter is for you ❤ muwaahhh
●●●●
Blue's pov
Habang binabasa ko ang ilang mga importanteng papeles,
ay may pumasok sa aking opisina ng hindi man lang ito kumakatok.Tiningnan ko kung sinong walang modo ang pumasok sa aking opisina ng walang pahintulot.
''Don't you know how to knock?'' tanong ko kay Baste isa sa mga kaibigan ko, na isa ring Alpha gaya ko.
Nakita kong nasa likod nito ang aking sekretarya na mukhang pinigilan ito pumasok, tumango lang ako saka isinara nito ang pinto.
'' Sorry I forgot.'' hinging paumanhin nito, habang abot langit ang ngiti.
Nabigla ako sa reaction nito, todo ngiti na? at nag sorry pa? end of the world? kailan pa natutong humingi ng tawad ang shokoy na to?
''Anong meron?'' takang tanong ko dito
''Hindi mo ba ako aanyayahang maupo man lang?'' naka ngiti pa din ito,
''Pumasok ka nga ng hindi nag papa alam kaya tingin ko kaya mo ng umupo ng hindi na kailangan ng paanyaya ko''
Tumawa lang ang gago. Nakaka loko na to, bakit ang saya-saya nito?
''Siguro may kasama kang hot na chicks kagabi? kaya para kang buang diyan na pangiti-ngiti''
Tila lalong umaliwalas ang pag mumukha nito.
''Hindi lang hot bro! super hot! at hindi lang yon, she is also my Mate! my Luna! I finally found her!'' kulang na lang ay mag tatalon ito sa tuwa at kilig habang nag sasalita ito.
Imagine ang laking tao nito kinikilig! creepy diba?
Kaya pala maka ngiti wagas, pati tong abnormal na Sebastian na to nahanap na ang kanyang mate. Siya na lang ang hindi pa natatagpuan ang kanyang Luna.
''Don't worry bro I'm sure, once you've met her its worth the wait .'' tila nabasa nito ang nasa isip ko.
Ngumiti na lang ako.
''Tama ka, hindi naman ako pag hihintayin ni Moon Goddess para sa wala''
Tumayo ito saka tinapik ang aking balikat.
''Aasahan kita sa aming kasal sa makalawa na iyon.''
Ganoon sa kanilang mga werewolf, kaya na ng ilang araw lang ang pag aayos sa kanilang mga okasyon. Hindi gaya ng mga tao na kailangan pa ng ilang buwan o kaya ay taon.
''I'll be there.'' saka ngumiti.
''Aasahan ko yan, sige mauna na ako. Miss ko na ang aking Luna.'' tila excited na batang pupunta sa amusement park na sabi nito
''Sige na! layas! mang iingit ka pang tukmol ka! '' saad ko dito na kinatawa ng mokong.
Ng mapag isa na ako ay inimagine ko kung anong magiging itsura ng aking mate.
May maputi at makinis na balat, magagandang mata, mapupulang labi, maliit na bewang, matambok na pang upo, malalaki na dibdib at higit sa lahat birhen.
'' malibog ka talaga''
sabi ng kanyang inner wolf na si Rusty.
''Haha, parang ako lang ahh'' pag kausap niya dito.
''ewan ko sayo'' sagot naman nito.
Akala mo kung sinong di malibog, ehh I'm sure na pag nakita na namin ang aming mate ay siguradong ito pa ang mas magiging atat.
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...