Inilibot ako ng aking inay sa buong pack, habang sina Blue ay naiwan kasama ang aking ama at ang iba pa. Ipinakilala na rin niya ako sa ibang miyembro na aming nakaka salubong. Ng makilala nila ako ay halos maiyak ang ilan.
''Napaka ganda mo anak'' puri sa akin ng aking inay na kinapula ng aking mukha.
''Ahh hehe, kung nakita niyo ako nung mga nakaraang buwan ay baka hindi nyo po ako magustuhan''
Tumigil sa pag lalakad si Luna Aleya kaya naman napahinto na rin ako.
''Bakit mo naman nasabi yan anak?'' humarap ako sa kaniya at ngumiti.
''Nerd ako noon nay, nakasuot ako ng makapal na salamin tapos naka palda pa ako lagi ng pag kahaba at ang buhok ko na to'' hinawakan ko pa ang makintab kong buhok.
''Naku po' parang pugad to ng agila'' natatawa ko pang saad.
Ikinulong ng aking ina ang aking mukha sa kaniyang malalambot na palad.
''Kahit ano pa ang itsura mo magugustuhan at mamahalin pa rin kita, dahil anak kita at higit sa lahat ay dahil mahal kita.'' saka niya hinaplos ang aking pisngi.
Ngumiti ako saka pinigilan na bumagsak ang mga luhang nag babadyang tumulo.
''Salamat nay'' niyakap ko siya ng mahigpit at sinuklian niya rin ito ng napaka higpit na yakap.
Nag usap pa kami ng tungkol sa naging pamumuhay namin.
''Mabuti ba ang iyong lagay sa yong nakilalang ina'' tanong nito na kinangiti ko.
Kahit na hindi sinabi ni nanay ang totoo hindi ako naka dama ng galit kahit na kaunti
''Maayos na maayos po, napaka buti ni nanay at tatay talagang itinuring nila akong tunay na anak'
Ikinuwento ko kay Luna Aleya ang tungkol sa mga kinilala kong magulang. Nagalak siya ng malamang maayos ang naging kalagayan ko.
Ng matapos kaming mag libot ay mag ka hawak kamay kaming bumalik sa silid na pinag iwanan namin kayna Blue.
Pag pasok namin sa loob ay nag uusap pa din sina Alpha Alex at Blue.
''Walang mang yayaring masama sa aking anak, yan ang sinisiguro ko sayo Alpha Blue'' seryosong saad ng aking ama na ikina tango naman ni Blue.
''Salamat Alpha Alex,'' saad naman ni Blue, napalingon sya sa gawi ko saka ngumiti at lumapit sa akin.
Pag kalapit niya sa akin ay ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig.
''Magiging maayos na ang lahat Aphrodite''
Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang seguridad sa piling niya.
''Ehem!'' napa kalas ako sa pag kakayakap kay Blue at bumaling sa aking ama.
''Kamusta ang pag lilibot mo anak?'' tanong niya, lumapit ako sa kaniya at agad niyang hinaplos ang aking pisngi na ikina ngiti ko.
''Maayos po ama, mababait ang miyembro ng pack ninyo at napaka ganda at laki ng pack ninyo'' naka ngiti kong saad
''Mabuti naman at nagustuhan mo anak, dahil itong buong pack na ito ay iyo ng pamamahalaan''
Nawala ang mga ngiti sa aking labi at nag tatakang tumingin sa aking ama.
''Ano pong ibig niyong sabihin?'' puno ng pag tataka kong tanong
''Ikaw na ang magiging Luna ng pack na ito'' buong pag mamalaki nyang saad na ikinagulat ko. Ako? Luna ng pack na ito?
''P-pero ama, magiging Luna na ako ng Blue Moon'' nag aalala kong saad
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...