Pag dilat ng aking mata ay madilim na ang nakikita ko sa labas ng aking bintana.
Dali kong tiningnan ang cellphone ko na nakalapag sa bed side table.
''7 na pala, tagal din ng tulog ko ahh'' pag tapos ayusin ang buhok ko na buhaghag ay dali akong bumaba dahil sa gutom na rin naman ako, hindi na kasi ako naka pag tanghalian kaya nag wewelga na mga alaga ko sa tiyan.
Nang biglang naalala ko na naman ang mga ng yari kanina, kaya babalik sana akong muli sa aking silid ng maramdamang kumukulo na talaga ang sikmura ko.
Kaya imbis na bumalik sa kuwarto dahil sa kahihiyan ay tinahak ko na ang daan papuntang kusina. Hindi ako pwedeng mahiya ngayon, kain muna bago hiya pag busog na ako saka na ko mahihiya ulit hehe.
Pag dating ko sa kusina ay mga nag sisipag kain na sila. Tanging mga kutsara't tinidor lang ang maririnig mo, ni isa sa kanila ay walang nag sasalita o nag kukwentuhan man lang. hmm I smell something fishy.
Huminga muna ako ng malalim bago tahimik na naupo sa aking upuan sa kanang bahagi ni Blue.
Naramdaman kong tumigil silang lahat sa pag kain kaya naman nilingon ko sila, lahat ng pares ng mata ay naka tutok sa akin.
''Yes? any problem?'' tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay, mas ok ng umakto ako na parang walang ng yari. Umiling sila kaya naman tinutok ko na ang atensiyon ko sa mga ulam na nasa harapan.
Ahh, kaya pala I smell something fishy halos isda pala ang naka hain mula sa pritong tilapia, hanggang sa inihaw na bangus samahan pa ng sweet and sour lapu-lapu at may tuyo pa talaga ahh sayang walang sinangag.
Habang kumakain ay kumuha ako ng pritong tilapia, tumingin tingin ako kung may sawsawang naka hain.
''Ahhm, may sawsawan ba?'' tanong ko dahil wala talaga akong makita. Hilig ko pa naman ang mag sawsawan lalo na pag prito o ihaw ang ulam.
''Ito po Luna.''may isang mabuting binata sa kabilang silya ang nag abot sa akin ng isang platito ng sawsawan.
''Thanks'' pag ka abot ko ay tila nag init ang temperatura sa loob ng kusina ng makita ko kung ano ang sawsawan tiyak kong mukha na akong kamatis na nerd.
''May problema ba Aphrodite?'' takang tanong ni Red, napansin niya siguro ang pamumula ng mukha ko.
''Ahh he-he wala naman, parang I change my mind, na ayoko na mag sawsawan.'' saka ko inilapag ang sawsawan sa tapat ko.
''Diba mahilig ka sa suka na may pipino? bakit ayaw mo-'' hindi natapos ni Red ang sasabihin dahil nag si pag tawanan na ang mga pack warriors.
Kaasar naman nananadya talaga ang mga ito kaya ako inabutan ng sukang may pi... ah basta yun na.
from now on iba na ang magiging tingin ko sa pipino haiist tiyak na di ko maiiwasang maalala ang nakita ko pag may pipino.
''ehem'' Blue cleared his throat kaya agad na nahimik ang mga nag sisipag tawa at nag patuloy na lang sa pag kain.
''Anong ng yayari? nawala lang ako saglit di na ako updated?'' saad ni Red ng may pag tataka.
No one answer Red, they all continue eating their supper silently.
''Guys! wala bang sasagot ni isa sa inyo?'' but still no answer, ''Ok fine, malalaman ko rin yan'' saka niya pinag patuloy ang pag kain.
''Ano bang meron sa sukang may pipino?'' nadinig ko pang tanong ni Red sa kaniyang sarili.juice colored!
Tila naman nabusog akong bigla kaya parang nawalan na ako ng gana.
''Just eat, dont mind them'' bumulong si Blue malapit sa aking tainga.
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...