dedicated to ashleychole tnx sa pag vote at comment 😊
●●●●
Nag patuloy lang ako sa pagtakbo, hindi ko nilingon lahat ng boses na tumatawag sa akin.
''Luna!''
''Luna!''
''Luna!''
Panay ang pag tawag nila, gusto kong isigaw sa kanila na ''Hindi na ako ang inyong Luna!'' pero hindi ko nagawa. Dahil tanging mga hikbi lamang ang lumalabas sa aking bibig.
Bakit sinaktan niya ako ng ganito?! dahil ba sa hindi ako maganda tulad ng babaeng iyon? akala ko ba hindi importante ang pisikal na anyo para maging Luna? nag sinungaling lang ba silang lahat sa akin, pinag laruan at pinaasa?
Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko namalayang nandito na ako sa masukal na kagubatan sa labas ng pack ni Blue. At milagrong naka labas ako dahil sa dami ng bantay ay imposibleng wala man lang pipigil sa akin.
tsk. gusto ko pa talagang mag pa pigil
Naramdaman ko ang pananakit ng binti ko dahil sa ginawa kong pag takbo kaya naman pinili kong maupo sa tabi ng malaking puno.
Bumabalik paulit-ulit ang sinabi kanina ni Blue.
''Si Angel at siya ang ipapakilala kong Luna ng aking pack''
Pinag hahampas ko ang aking dibdib dahil sa tindi ng sakit na aking nadarama.
Ang mga ng yari kagabi, isa din ba iyong panaginip?
''Ahhhhhhhhh!!!!! bakit Blue?!'' patuloy akong umiyak, hindi ba matatapos sa pag agos ang mga luha na ito?
''Bakit ka umiiyak Miss?'' natigilan ako ng makarinig ng baritonong boses.
Nakita ko ang pares ng sapatos na naka harap sa akin. Sa kakaiyak ko hindi ko namalayang may tao na palang naka lapit sa akin.
Tiningala ko ang may ari ng tinig at napahinto sa aking pag iyak ng makitang isang gwapong nilalang na may pag aalala sa kaniyang mata ang naka tingin sa akin.
''Bakit ka nandito sa gubat at umiiyak?'' muling tanong ng estranghero.
heart? anong ng yayari sayo bakit ang bilis ng tibok mo? tanong ko sa aking sarili.
Walang lumabas na kahit na anong salita sa aking bibig naka titig lamang ako sa kaniyang magandang mukha lalo na sa kaniyang magagandang mata, tila may kaparehas ito. Yumukod sya upang mag katapat kami.
''Hindi ka dapat umiiyak miss'' saka nya pinahid ang mga luha ko gamit ang kanyang daliri.
Nagulat ako sa ginawa niya, paanong ang isang estranghero ay ganito ang magiging pag trato sa kagaya kong hindi naman kagandahan.
Hindo katulad ni Blue na sa unang kita sa akin ay ...ano ba bakit ko siya kinukumpara sa lalaki na ito! speaking of Blue, bakit parang nakikita ko siya sa lalaki na ito.
''Tumayo ka na dyan at baka mangalay ka sa ganyang posisyon.'' malumanay nyang saad saka ako inalalayan upang maka tayo.
''S-salamat'' nahihiya ko pang sabi.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking binti kaya naman nawalan ako ng balanse. Akala ko ay lupa at mga tuyong dahon ang sasalo sa aking katawan ngunit isang matipunong braso ang sumalo sa akin bago ako matumba.
Tiningnan ko ang estranghero na ngayon ay halos nakayakap na sa akin. Hindi ako mag kakamali, may pag kaka hawig sila ni Blue pero sabagay marami namang mag kamukha sa mundo. Pero ang pinag tataka ko, bakit parehas ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing mag kasama kami ni Blue at ngayon ng estrangherong ito.
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...