♚CHAPTER 16♚

24.3K 683 25
                                    

^ Angel

-------

''Aphrodite''

''Aphrodite''

''Aphrodite''

Nasa isang madilim na lugar ako, at may naka pangingilabot na boses ang tumatawag sa akin.

''B-lue nasaan kana?'' Panay na ang pag patak ng luha ko dahil sa nadarama kong takot.

''Aphrodite''

Ayan na naman ang nakaka takot na tinig, tumakbo ako ng tumakbo kahit di ko nakikita ang dinaraanan ko dahil sa labis na kadiliman.

''Aphrodite''

Nararamdaman kong maabutan na niya ako, kaya mas lalo pa akong naiyak.

''Aphrodite''

Idinilat ko ang aking mata ng marinig ko ang boses ni Blue.

''Blue?'' mukha niya agad ang nasilayan ko.

''Thank's god your awake'' pag ka sabi nya noon ay umupo ako saka ako ngumiti.

''Nag karoon lang ako ng masamang panaginip''

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong kabigin upang yakapin ng mahigpit.

''Nag alala ako sayo ng sobra alam mo ba yon?'' dama ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso, talaga ngang nag alala siya para sa akin.

''Patawad kung pinag alala kita''

Tila nasa alapaap ako dahil sa ginawa niyang pag yakap sa akin. Naamoy ko ang mabangong sabong gamit niya. Pinikit ko ang aking mata upang namnamin ang kapayapaan na dulot ng kaniyang yakap. Pakiramdam ko ligtas ako sa anumang bagay na na nais manakit sa akin basta nasa tabi ko siya.

Tumagal kami ng ilang minuto sa ganitong posisyon ng mag tanong ako.

''Paano mo pala nalaman na binabangungot ako?'' tiningala ko siya at nakita ko ang pag ka balisa niya.

''N-napadaan lang ako ng marinig ko ang pag ungol mo. P-papunta ako non sa silid ko galing akong opisina kakatapos ko l-ang sa ginagawa ko''

Tinitigan ko siyang mabuti.

''Alam mo, di ka magaling mag sinungaling'' saad ko

''W-what do you mean?''

Ehh, halata naman sa salita pa lang nya noh,' duh!

''Paano kasi halatadong bagong paligo ka, which mean's na sa kwarto mo ikaw ng galing at hindi sa office mo atsaka hello! huling silid na po kaya itong kwarto ko sa pasilyo na ito kaya paanong dito ka napadaan kung galing kang opisina mo diba? mas mauuna mo pang daanan ang kwarto mo kesa sa kwarto ko''.

Napa kamot na lang ito sa batok, halatadong nag sisinungaling kasi ehh.

''Tss hindi talaga ako magaling sa ganito'' bulong nya na dinig ko naman.

''ok... Ang t-totoo kasi nyan gabi-gabi kitang binibisita dito sa silid mo upang alamin kung maayos ka lang ba. Satisfied?'' kinakabahang sagot niya

Hindi lang ata mata ang nanlaki sa akin, pati ata mga pores ko sa katawan ehh nag si pag laki sa ginawa niyang pag tatapat.

Totoo ba ito? isang mala Adonis na nilalang ang palaging sinisigurado sa gabi kung ayos lang ako.

''Shut your mouth'' sabi ni Blue kaya dahan-dahan kong tinikom ang aking bibig di ko namalayan naka nganga na pala ako.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon