♚CHAPTER 19♚

22.2K 614 7
                                    

Gamit ang lakas ko pinilit ko siyang itulak.

''L-et me g-go!'' pilit akong kumakawala sa yakap niya sa akin. Panay na ang pag tulo ng luha ko dahil sa takot.

Nang sa wakas ay tumigil na siya sa pag halik. Halos itim na ang kaniyang mata kaya napa atras ako ng ramdam kong lumuwag ang pag kakayakap niya sa akin.

''Pati ba ikaw ayaw mo sa akin?'' malungkot niyang saad.

''Ano ba pinag sasabi mo! ngayon lang kita nakilala kaya imposible ang sinasabi mo!'' sigaw ko sa kaniya, nakita ko ang dumaang lungkot sa kaniyang mata na agad nag balik sa pagiging itim.

''Bakit ba di niyo ko magawang mahalin!'' halos mag putukan na ang ugat nito sa leeg sa lakas ng pag kaka sigaw niya. Napa atras akong muli dahil sa takot na nadadama ko.

''W-wala akong maintindihan, ngayon lang t-''  hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil bigla siyang nag salita.

''Rio'' binigkas niya ito ng naka ngiti at bumalik sa normal ang kaniyang mga mata, kitang-kita sa mata niya ang pag mamahal at lungkot.

''R-rio?'' ulit ko na nag pa iyak sa kaniya lalapitan ko sana siya ng biglang bumalik sa pagiging itim ang kaniyang mga mata.

''Kasalanan ito lahat ni Blue!!!''

''Blue? ano kinalaman niya dito.'' malumanay kong tanong.

''Kung hindi dahil sa kaniya buhay pa sana ang kaisa-isa kong pamilya! ang pinaka mamahal kong kapatid!''

Napa hawak ako sa aking bibig ng marinig iyon,  anong ginawa ni Blue sa kapatid niya? bakit niya ito pinatay?

''Gustong-gusto siya ni Rio, kaya kahit na mahal ko siya ay hinayaan ko siyang sumaya sa piling ng Blue na iyon! ako pa ang gumawa ng paraan para mag kakilala sila, tapos! siya rin pala ang magiging dahilan ng pag kamatay ni Rio!'' galit na galit niyang saad, sobra-sobra ang pag mamahal niya sa kaniyang kapatid.

Nanahimik lang ako dahil ayoko ng dagdagan pa ang galit niya, ng muli niyang ituloy ang kaniyang kuwento.

''Awang-awa ako kay Rio ng umuwi siya na umiiyak, wala syang ibang binanggit kundi ang Blue na yon! kaya naman ng gabing iyon ay minabuti ko ng mag tapat sa kaniya.''

''Rio mahal kita''

patuloy lang sya sa pag iyak, ngumiti lang siya sa akin ng hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata.

''Salamat kuya, mahal din kita''

Niyakap ko siya ng mahigpit.

''Hindi pag mamahal bilang kapatid'' bulong ko sa kaniya kaya naman tiningnan niya ako ng may pag tataka sa kaniyang mukha.

''Anong ibig mong sabihin kuya?''

Hindi na ko nakapag pigil kaya naman hinalikan ko siya, pero imbis na suklian niya ang aking halik ay tinulak niya ako saka ako saka sinampal.

''Kuya! nababaliw ka na ba?!'' sigaw niya

''Hindi Rio! hindi kabaliwan ang mahalin ang babaeng tanging nag malasakit sa akin!''

''Pero kapatid mo ako!'' naiiyak nitong saad

Agad kong pinunasan ang kaniyang luha ngunit tinulak niya lang ang aking kamay.

''Wala akong pakialam, ang importante mahal kita at ganoon ka din'' hinawakan ko ang mag kabila niyang kamay ngunit inilayo nya muling ito.

Nakadama ako ng lungkot ngunit alam kong mahal ako ni Rio, nalilito lang siya ngayon dahil sa kagagawan ng Blue na iyon.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon