♚CHAPTER 12♚

25.7K 647 30
                                    


''Whaaaaatt!'' ng laki ang mata ko sa mga rebelasyon na pinag sasabi ni Chelsie.

Goodness gracious!

''A-ako at si B-blue? itinakda?!''

jusko! ang mala machete na nilalang na yun ay sa akin daw itinakda?!

''H-hindi kaya bangag ka lang Chelsie?''

Tumawa ng pag ka hinhin si Chelsie sa sinabi ko.

tsk' sabi ko na nga ba bangag lang to ehh, haisst ang unfair ng life kahit durugista sya maganda pa rin sya mas mukha pa akong bangag sa kaniya ehh.

''Nakaka tuwa po kaya Luna, hindi po ako bangag nag sasabi po ako ng totoo'' naka ngiti nyang sabi.

Napa nganga na naman ako, ibig sabihin kami talaga ni Blue ay..

''Pwera biro Chelsie? kami talaga ni B-blue ang itinakda ng moon cake?'' paniniguro ko sa kaniya.

''Moong goddess po Luna hindi moon cake'' tatawa-tawa nyang sabi.

''Ay hehe, malapit na rin naman'' palusot ko pa.

''Kung gusto nyo po Luna ikumpirma nyo po kay Alpha Blue lahat ng sinabi ko sa inyo, alam ko namang nararamdaman mo na rin ang koneksyon nyo kaya kayo na po ni Alpha ang mag usap tungkol sa pagiging mate nyo''

Ako at si Blue? grabe di ako makapaniwala, kaya ba parang may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya? kaya ba parang nagiging sports car ang puso ko sa bilis ng tibok nito sa tuwing masisilayan ko sya?

''Luna mauna na po ako, tawagin nyo na lamang po ako kung may kailangan po kayo nasa baba lang ako''

Tumango na lamang ako at lumabas na sa aking kwarto si Chelsie.

Nahiga ako sa kama ng kwarto na pinagdalhan sakin ni Chelsie, ibang iba na to sa kwarto kanina na nagisingan ko. Mas maliit ito ng di hamak sa kwarto ni Blue ngunit malaki parin ito kumpara sa kwarto ko sa bahay.

Medyo nakaramdam pa ko ng panghihinayang ng hindi na pala ako sa kwarto ni Blue tutuloy.

tsk' assumera te? gusto mo tabi kayo? singit ng epal kong isip.

''Ahhhhhhhh'' nagpapadyak pa ko ,mababaliw na ata ako! biruin mo may sumisingit pa sa isip ko! grrrr!

''What are you doing?'' napabalikwas ako ng marinig ang baritonong boses na yun.

Umayos ako ng upo sa kama at inayos ang dati ko naman ng magulong buhok.

''Ahmm ano...'' ano nga ba? ayoko namang isipin nyang baliw ako na sinasapian sa ginawa ko kanina.

''Excercise! tama...nag e-excercise ako hehe'' wew sana bilhin nya ang palusot ko.

''Tss'' yun lamang ang nasabi nito saka umalis.

Bago ito tuluyang lumabas ay nag salita pa ito.

''Bumaba ka na at mag hahapunan na'' malamig na saad nito.

Tulala lang sya habang naka tingin pa din sa pintuan na pinag labasan ni Blue.

''Bakit ganon na naman sya? akala ko ok na kami?'' tanong nya sa sarili, bigla na naman kasing bumalik sa pagiging seryoso at masungit itong si Blue.

''Haiist'' napabuntong hininga na lang sya saka tumayo at tumungo na papunta sa kusina.

Habang kumakain ay tahimik lang si Blue, kanina lang ay nakakausap pa nya siya pero ngayon ay balik na naman sila sa umpisa. Hindi nya maintindihan si Blue, tila may malalim itong iniisip.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon