♚CHAPTER 14♚

24.2K 676 98
                                    


Blue's Pov

Pabalik na ako ngayon ng pack house ng galing kami ni Rusty sa pag patrolya sa aming teritoryo. Gusto na kasing maka labas ng aking wolf, naiinip daw siya dahil matagal-tagal na din ang huling laban namin sa mga Rogues.

Siguro nga hanggang pag babanta lang si Xander, dahil lumipas ang isang buwan ay di na sila muling nag paramdam pa. Maski ang mga rogues na dati rati ay panay pang gugulo ang ginagawa dito sa pack ay nawala na din.

''tingin ko may binabalak silang masama, kaya hindi sila nag paparamdam'' singit ni Rusty sa pag iisip ko.

''Yun nga din ang palagay ko, kaya nga kahit walang mga rogues na ng gugulo ay maigting pa din ang pag babantay ang ginagawa ng mga kasamahan natin.'' tanaw ko na ang pack house sa di kalayuan, maging ang mabangong halimuyak ay naamoy ko na.

''Mate''

Saad ni Rusty na tila laging sabik sa aming mate. Oo aming mate. dahil tanggap ko na siya ng buo, di ko pa nga lang nasasabi sa kaniya dahil tinamaan ako ng sakit na torpe.

hindi ko alam na pati kaming mga werewolf ay tinatablan non.

''Kailan ba natin siya aangkinin?'' tanong ng aking wolf na atat.

''Pwede wag sabik? malapit na din yun mang yari'' sagot ko sa kaniya.

''Paanong di ako masasabik?! isang buwan na siyang nandirito pero hanggang ngayon di mo pa din siya inaangkin!'' angil ni Rusty.

phew! heto na naman kami.

''Ikaw kaya lumagay sa kalagayan ko! ikaw kaya mag tapat!'' bulyaw ko sa aking wolf

''It's my pleasure.'' naka ngiting aso pa ito habang sinasabi iyon.

''Agghh! di bale na ako na lang! baka mas mapahamak lang ako pag ikaw ang hinayaan ko''

''then! you should tell her! tell her already that you love her!'' biglang bumilis ang tibok ng puso ko pag kasabi ni Rusty non.

Hindi mahirap mahalin ang tulad ni Aphrodite, despite the fact that she's not that pretty compared to other Luna's. Pero hindi iyon naging hadlang upang di ko makita ang kabutihan at kagandahan ng kaniyang kalooban na talagang nag pa bighani sa akin.

I just smiled like an idiot while walking.

And then I smell her scent at the back of the house.

Nag madali akong nag tungo sa likod ng bigla na lang parang gusto kong pumatay sa nakikita ko.

Si Rivo na isa sa aking pack warriors ay halos naka yakap na sa aking mate habang may hawak silang pana.

Agad gustong kontrolin ni Rusty ang katawan namin.

''How dare him,touch our mate like that!'' galit na angil ni Rusty, kung dati ay ako pa ang nag sasabing kumalma siya pero ngayon hindi yon ang sinabi ko.

''Go! kill him'' pag kasabi ko non ay agad na nag palit ako sa aking wolf form at walang pag aalangang sinunggaban ang walang modong lobo na naka hawak kay Aphrodite.

Agad dinamba ni Rusty ang isa sa aming pack warrior.

Susunggaban na sana niya ito sa leeg upang malagutan na ito ng hininga ng biglang may yumakap sa aming leeg.

''Stop it Blue,,,Rusty wag niyong ituloy yan, pakiusap'' tila nahipnotismo kami ni Rusty sa tinig ng aming mate na nag mamakaawa, pero ang mas lalong nag balik sa amin sa aming sarili ay ng maramdaman naming umiiyak ang aming mate.

Humarap kami sa aming mate na naka subsob sa leeg namin habang yumuyugyog ang kaniyang balikat tanda ng kaniyang pag iyak.

Nag mind link ako sa isa sa mga werewolf na nandoon na alalayan si Rivo na nakahiga parin sa damuhan.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon