And for my wonderful Cover thanks idol Ms. YlCero super bait niyan guys, ang lulupit pa ng story niya.
...Aphrodite's POV
Nang mag lunch time ay inaya ako nina Sha na kumain sa labas.
''Di ba pwedeng sa canteen na lang tayo kumain?'' nag aalangang tanong ko sa kanila, ayoko kasing lumabas ng kasama sila. Dahil ng minsan ay napa away pa ang mga ito ng may nag sabing mukha daw akong mangkukulam na totoo naman, pero parang mas affected sila dahil sinugod talaga nila yung tatlong babae na yun.
''Come on na girl! don't worry kami ang bahala sayo, hindi namin hahayaang may mang lait sayo'' saad ni Kathleen ang pinaka matangkad sa kanilang lima. Mukhang nakuha agad nito ang dahilan sa pag aalangan ko.
''Yun na nga ehh, napapa away pa kayo dahil sa akin. Ayoko lang na mapahamak kayo'' saad ko habang ang tingin ko ay nasa mga nag tataasang gusali.
''Ito naman! what are friends are for kung hahayaan ka naming maapi'' si Maricel naman iyon, ang may katabaan kong kaibigan ngunit may mala anghel na mukha.
''Tama sila Ae, walang puwedeng manakit ng dadamdamin mo ng hindi dadaan sa aming kamay'' sabi ni Ivy, siya naman ang morena sa kanilang apat.
Tiningnan ko sila , naka ngiti sila sa akin kaya napa ngiti na din ako.
''Bakit ba ang babait ninyo sa akin, di naman ako bagay na maging kaibigan ninyo ehh'' tanong ko sa kanila
''Aray'' daing ko ng batukan ako ni Sha na nasa likod ko na pala.
''Baluga ka, ilang ulit mo ng tinatanong yang gaga ka! basta kaibigan ka namin tapos!''
Napa nguso na lang ako, talaga tong payatot na ito. Pero bagay naman sa kaniya ang pag kapayat niya.
''Oh by the way! Norway! nakapag sabi na ako kay tweety bird na matatagalan tayong maka balik pumayag na siya!'' excited nitong sabi.
Lakas talaga nito sa Team Leader namin, palibhasa crush sya kaya napapa payag niya ng walang kahirap hirap si Steff.
''Bakit malayo ba ang kakainan natin?'' bakit kailangan pang mag paalam nito.
''Yup,yup,yup! may kalayuan dito , naka punta na ako ng minsan doon at grabe! sobrang sarap ng mga fudang doon!'' saad ni sha.
''Kung ganoon naman pala,wag na tayong tumanghod dito. LET'S GO! POKEMON GO!'' ito talagang si Maricel basta pagkain, napaka bilis.
Nag tawanan na lang kami at sumakay sa sasakyan ni Kathleen.
Nang makadating sa aming destinasyon, ay sumalubong agad sa akin ang mabangong amoy ng pag kain.
Tila lalo akong nagutom.
''Tara na daliiiiiii!'' kinikilig kilig pa si Maricel
''Hindi ka naman masyadong excited nyan? kaya ka bumubundat ehh'' si Ivy ang nag salita
Inikutan ito ng mata ni Maricel
''Ivysaur, pwede wag kj?'' mataray na sabi nito, napangiti na lang ako sobra talaga ang pag kahumaling ni Maricel sa Pokemon.
''Mas ok ng KJ! kesa SIBA!''
nag umpisa na naman ang dalawa, sila ang madalas na magtalo pero mamaya yan ok na yan.
''NEGRA!''
''BABOY!''
''NEGRA!''
''BABOY!''
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...