🐾🐾🐾🐾🐾🐾🐾
Tapos ng bumili ako sa may tindahan sa kanto ng limang pisong bawang ay hinabol ako ng aso.
Grabe ang kaba ko noon, akala ko katapusan ko na. Buti may puno ng mangga sina Ka Bentot kaya dali-dali akong umakyat.
Ilang oras na bang nag kukuwento si nanay? 2? 3? 4 hrs? hindi ko na din alam.
Sa simpleng tanong ko ay kinuwento ba naman ang lahat ng nang yari sa kanyang buhay na naaalala nya.
Pero sa tagal nyang nag kukwento ay ni wala pa akong narinig na sagot sa tanong ko.
''Pag tapos non anak, tumambling ako. Ang galing ko nga ehh, yun nga lang naka panty nga lang pala ako hehe tas...''
''hep.hep'' tinakpan ko na ang bunganga ni nanay ayoko na kaumay na ehh, puro sya tas o kaya tapos pero wala parin kami sa wakas.
''Tama na nay, ok na po awat na''
Nang tanggalin ko ang kamay kong naka takip sa bibig niya ay nag tanong pa ito.
''Ano nga pala ulit tanong mo nak?''
huwaaattt! sa tagal ng kwento nyang walang wenta, di pala nya alam anong tinanong ko?
''Grabe nay, sa dami ng kuwento nyo nakalimutan nyong itinanong ko ang tungkol sa love at first sight?''
Napa pitik pa ito sa ere
''Ahh, yun ba?'' sana naman may maisagot na itong matino
''Hindi ko alam ehh, kasi hindi naman ako na inlove agad pag ka kita ko sa ama mo. Asar pa nga ako sa kaniya noon. Kasi naman ng magka kilala kami sa pinag ta-trabahuhan namin. Doon sa factory ng ketchup, naka pasok ako doon edad disinuwebe ako.Ang pangit mag pa suweldo doon tap...''
Tinakpan ko ng muli ang bibig nito, umasa pa kasi ako na may isasagot na matino 'tong nanay ko ehh noh?
''Gutom na ako nay'' sabi ko na lang para tantanan nya na ako.
''Ay oo nga pala, anong oras na ba?'' sabay tingin sa wall clock ko.
''Alas otso na! grabe nak daldal mo kasi ehh tsk'' sabay tayo nito at lumabas na ng kuwarto.
edi wow! ako pa ngayon madaldal?
''Pero anak mararamdaman mo dito'' biglang bumalik si nanay at itinuro ang tapat ng kaniyang puso.
''Kakaiba, di mo mapipigilan ang puso mo na tumibok sa taong iyon'' napangiti ako kay nanay, may nasasabi din pala itong matino.
''Kasi nung ako anak naramdaman ko yon sa tatay mo mga ilang araw na siguro, ay hindi ilang linggo pa at ay tek-'' itinaas ko ang aking kamay at kusa namang huminto sa kakadaldal si nanay
''Nay ang gabihan natin'' saad ko saka ito dali-daling lumabas ng kuwarto.
Napailing na lang ako saka humiga sa aking kama.
''Kamusta na kaya siya? naka kain na kaya siya? Iniisip nya din kaya ako?'' mahina kong sambit.
Malamang bangungutin pa yun pag naalala ako.
Haisst, bakit ba iniisip pa din kita? tanong ko sa aking sarili.
love at first sight na ba ito?
Bigla akong may naamoy na nasusunog.
''Nay nag susunog ka na naman ba diyan?!'' sigaw ko. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto sa sala at tila nag tatatakbo si nanay.
''Ay naku! pasensiya na anak napa kuwento ako doon sa tindahan'' sigaw nito napangiti na lang ako, itong nanay ko na to nakakatuwa sarap lagyan ng duct tape sa bibig.
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...