♚CHAPTER 23♚

22.6K 706 19
                                    


Maagang nag biyahe si Aphrodite at Blue patungo sa teritoryo ng Black Wolf.

Walang ibang may alam na tutungo silang dalawa doon maliban kay Red. Maging ang pack ng Black Wolf ay walang ka alam-alam dahil ayaw mag baka sakali ni Blue na mag padala ng isa sa kaniyang mga tauhan upang ipaalam kay Alpha Alex ang kanilang pag dating.

''Ayos ka lang ba?'' tanong sa kaniya ni Blue, siguradong nararamdaman nito ang tensiyong nadarama niya.

''Sa totoo lang kinakabahan ako, pero para ito sa pack kaya ayos lang ako'' nakangiti kong sagot. Bumaling siya sa akin saglit at muling tinuon ang atensiyon sa harap.

''Magiging maayos din ang lahat'' hinawakan ni Blue ang kaniyang kamay kaya kahit papano ay napanatag siya.

Natatakot man ay pinilit niya paring sumama kay Blue. Hindi niya naman kasi kakayanin ang mag hintay sa pag balik ng kaniyang mate, lalo pat napaka delikado pa nitong kaniyang pupuntahan. Mas gusto niyang masaksihan ang lahat ng mang yayari kaya sumama siya.

''Mag lalakad na lamang tayo mula dito'' pahayag ni Blue, di ko namalayang huminto na pala ang aming sasakyan.

Tiningnan ko ang paligid ngunit tanging mga puno lamang ang nakikita ko.

Naunang bumaba si Blue saka ako pinag buksan ng pinto inalalayan niya akong maka baba.

''Ahhm, nasaan ang pack house nila?'' tanong ko

''Medyo malayo pa yon dito, pero huminto na ako dito dahil malapit na tayo sa kanilang teritoryo''

Tumango na lamang ako at sabay kaming nag lakad ng mag ka hawak ang kamay.

Nasa sampung minuto na kaming nag lalakad ng biglang napa tigil si Blue tiningnan ko siya at may emosyon akong di maipaliwanag na nasa kaniyang mukha.

Ramdam ko din ang pag higpit ng hawak sa akin ni Blue at mas lalo niya akong inilapit sa kaniya.

''Blue bakit-'' napatigil ako sa pag sasalita ng maramdaman kong hindi na lang kaming dalawa ang nandirito. Agad akong tumingin sa harapan namin kung saan naka baling si Blue.

Anim na mga werewolf ang ngayon ay nakaharang sa aming daraanan.

Maya-maya ay may lumabas na tao sa isang puno.

''Siguro siya ang pinuno'' saad ko sa aking isip

Isang matipunong lalaki ang nag lalakad palapit sa amin ngayon, wala siyang damit pantaas kaya naman kitang-kita ko kung gaano kaganda ang kaniyang pangangatawan.

''Wag mo siyang titigan'' may diin na bulong sa akin ni Blue kaya naman agad akong umiwas ng tingin, napansin pala niya na sinusuri ko ang katawan ng estrangherong nanggaling sa likod ng puno.

''Hindi ito ang lugar upang pasyalan ninyong dalawa'' saad ng estranghero.

''Hindi kami naririto upang mamasyal, nandito kami upang makausap ang Alpha ng Black Wolf''

Nag angilan ang mga lobo kaya naman napaatras ako ng bahagya.

''Sino ka at ang lakas ng loob mong mag tungo dito upang kausapin ang aming Alpha'' malamig na saad ng estranghero.

''Ako si Blue Vansrod, Alpha ng Blue Moon Pack'' taas noong saad ni Blue.

Ngumisi ng bahagya ang estranghero bago muling nag salita.

''Alpha ng isang mahinang pack? Ang lakas ng loob mong pumasok sa teritoryo namin gayong maari ka naming paslangin'' naka ngisi nitong saad.

Ramdam ko ang galit ni Blue na tiyak kong pinipigilan lamang niya dahil ayaw niya kaming mas lalong mapahamak.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon