Naka tayo ako ngayon sa hardin at pinag mamasdan ang mga bulaklak na tila sumasayaw sa ihip ng hangin.Napa singhap ako ng biglang may yumakap sa aking bewang mula sa aking likuran pero agad din akong napa ngiti dahil nakilala ko na kung sino ang naka yakap sa akin.
''Jacob'' naka ngiti kong saad bago ko siya hinarap.
Ngumiti siya sa akin ng malapad saka ako niyakap na ginantihan ko din ng mahigpit na yakap.
''Napaka lambing mo talaga, pero tiyak kong may kailangan ka kaya ka nag lalambing'' ngumisi lang ito saka tumango.
''Ang galing mo talaga....''
.
.
.
.
.
.
.
.
.''mama''
Ginulo ko ang makintab na buhok niya saka lumuhod upang maka pantay siya.
''Kilalang...kilala na kita anak kaya alam kong may kailangan ka, ano nga pala iyon?'' tanong ko sa anak kong apat na taong gulang.
''Ma, gusto ko pong maki tulog kay na Bryan.'' tukoy nito sa apat na taong gulang din na anak ni Red, araw ng kasal namin ng matagpuan niya ang kaniyang mate. At sakto namang halos sabay kaming nag buntis matanda lamang ng tatlong buwan si Jacob kay Bryan.
''O sige, basta sa kwarto lang kayo ni Bryan ha, hindi niyo na uulitin ang ginawa niyong pag punta sa ilog nung nakaraang linggo.''paalala ko sa kaniya, lalong lumaki ang pag kaka ngiti nito at saka tumango.
''Opo mama, pangako mag lalaro lang kami ni Bryan sa kwarto niya'' ngumiti ako saka tumango, hinalikan niya ako sa pisngi saka tumakbo na palayo.
''Mag iingat ka anak!'' pahabol ko pa.
''Akala ko ba hindi mo na papapuntahin doon si Jacob mahal?'' pag kalingon ko ay isang topless na Blue ang nakita ko. Lumapit siya sa akin saka niya pinalibot ang kamay niya sa aking bewang.
''Hindi ko matiis ang anak mo na iyon, kaunting lambing lang ay bumibigay agad ako.'' hinalikan niya ako na agad ko namang tinugon. Nang matapos ang halik ay tumalikod ako at sumandal sa kaniyang matipunong dibdib.
''Parang kailan lang.''wala sa sarili kong sambit.
''Alam kong iniisip mo pa rin siya mahal, siguradong binabantayan niya tayo kung nasaan man siya ngayon.'' saad ni Blue.
Anim taon na ang naka lipas pero tila sariwa pa rin sa akin ang mga ng yari.
Sa pag kasawi ni Jacob ay marami ang natuklasan.
Nang malaman noon ng magulang ni Blue ang tungkol kay Jacob ay nag hinala na sila. Ang sabi ng mga nakakatanda sa pack ay posible lang na maging dalawa ang iyong Mate kung ito ay kambal.
Inalam ng magulang ni Blue ang buong pag katao ni Jacob, at doon nila natuklasan na kambal pala ang sinilang ng ina ni Blue. Dahil sa hindi uso sa mga werewolf ang ultrasound at hinimatay siya pag tapos niyang ma i-silang ang isa ay hindi niya alam na dalawa pala ang kaniyang anak na iniluwal. Doon siya nalinawan kung bakit bigla na lang nawala ang nag pa anak sa kaniya.
Walang mate ang nag paanak sa dating Luna kaya naman kinuha nito si Jacob, at itinuring na anak.
Gaya ng ibang kambal ay hindi mag ka mukha si Blue at Jacob, kaya naman walang nag isip na mag kapatid ang mga ito. Pero kung paka titigan mong mabuti meron silang pag kakatulad yun nga lang hindi mo ito agad mapapansin. Gaya kung gaano halos mag ka tulad ang kanilang mga mata lalo na ng matitigan ko ang kay Jacob ay parang si Blue lamang ang naka titig sa akin.
Pag tangis ng ina ni Blue ang madidinig ng araw na iyon, nag sisisi siya dahil ni hindi man lang niya nayakap ang kaniyang anak.
Kaya naman ng maka panganak ako ay isinunod ko ito sa pangalan ni Jacob na sinang ayunan ni Blue. Ito rin ang dahilan ng muling pag sigla ng ina ni Blue.
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...