♚CHAPTER 24♚

21.9K 630 10
                                    


''Anak!'' sabay pa naming sigaw ni Blue.

Naka titig lamang siya sa akin habang tumatango.

Pabilis ng pabilis ang kabang aking nadarama.

''P-pero imposible po iyan, may mga m-agulang ako'' nauutal kong saad.

Hanggang sa makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang aking pisngi saka ako niyakap ng mahigpit. Ni hindi ko siya magawang iwasan sa di ko malamang dahilan.

''Hindi ako nag kakamali, ikaw ang aking anak... Ang aming Alexa'' mangiyak-ngiyak nitong saad ng kumalas siya sa akin habang hawak ng kaniyang kamay ang aking mukha.

''May mga magulang po ako kaya p-paanong mang yayari na maging ama ko kayo''

Ano ba tong pinasok ko? napag kamalan pa niya akong nawawalang anak.

''Malalaman mo ang kasagutan sa oras na pumasok dito ang iyong ina'' naka ngiti na niyang saad, samantalang ako di ko alam ang madarama ko.

Maski ang pag haplos ni Blue sa aking likod ay di nakaka tulong sa tensiyong nadarama ko.

''Alpha Alex naka titiyak ba kayo? isang tao si Aphrodite kaya paanong naging anak mo siya?'' tanong ni Blue.

''Naka titiyak ako na siya ang aking anak'' halata ang saya sa mukha ng alpha habang naka tingin siya sa akin.

''Hindi ko siya napansin dahil nasa may kalayuan kami habang pinapanood na nakikipag laban si Alpha Blue sa ilan nating pack warrior'' pag uumpisa ni Beta John lahat ng atensiyon ay bumaling sa kaniya.

''Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa ilang punong naka harang kaya naman ang pakikipag laban lang ng Alpha ang binigyan ko ng atensiyon. Pero ng makita kong natalo ni Alpha Blue ang iba nating pack warrior ay saka lang kami lumapit nina Edward. Ng makalapit kami ay doon ko nakita ang mukha ng dalaga habang tinututukan siya ng kutsilyo-'' naputol ang pag sasalita ni Beta John ng bigla na lang sumigaw si Alpha Alex

''SINO ANG NAG TANGKANG MANAKIT SA AKING ANAK!'' sigaw nito na tila nag payanig sa buong pack.

Kita ko ang takot na dumaan sa mata ng mga naririto na siguradong ganoon din ang sa akin

''Isa sa ating mga pack warrior Alpha, si Dave'' saad ni John.

Nakita ko ang pag kuyom ng kamay ni Alpha Alex na halos ikamuti na ng kamao nito sa galit.

''Gusto kong patawan siya ng kamatayan'' saad nito sa nakaka kilabot na tinig

''Masusunod Alpha'' tugon ni John

''P-ero di niyo na po kailangang gawin yon, at isa pa ay di pa po tayo nakakatiyak na ako nga ang inyong anak para patawan ng kamatayan ang isa ninyong miyembro''

Agad akong nilingon ni Alpha Alex at mukhang nabakas niya ang takot sa aking mukha kaya naman lumambot ang ekspresyon nito.

''Naka titiyak na ako anak, ikaw yun at wala ng iba'' saka siya ngumiti na tila hindi siya ng galing sa pag ka galit kanina lang.

Ng bumukas ang pinto ay agad naming nilingon ang bagong pumasok.

Tila lumuwa ang aking mata ng makita ang isang magandang babae na pumasok. Huminto siya sa tapat ni Blue habang naka tingin kay Alpha Alex.

''Nasaan siya Alex'' naiiyak nitong saad

Agad na gumilid si Blue upang mag ka harap kami kaya naman lumingon siya sa aking direksiyon.

Tila nananalamin lamang ako ngayong nasa harap ko na siya.

''Anak' ikaw nga!'' pag ka sabi niya non ay agad niya akong niyakap saka umiyak sa aking balikat.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon